Nakadapa lang ako sa kama habang nagbabasa ng wattpad. Napansin kong may biglang kumatok. At bumukas ang pinto.
" Di ka ba sasama sa'min ni mama?" Si kuya pala.
" Saan?" Tangi kong tanong.
" Mamamasyal lang. Kakain daw tayo sa ****. Ano, sama ka?"
" Hmmm... Sige na nga. Magbibihis na muna ako."
" Sige bilisan mo." Sabi niya at sinara ang pintuan.
--------
Lumabas na ako ng kwarto. Jeans, white v-shirt and flats lang ang suot ko at handy bag.
" Aalis na daw. Bilisan mo na..." Sabi ni kuya.
Lumabas na ako ng bahay at pumasok na sa kotse.
---------
Nasa **** na kami ngayon. Isa ito sa pinakasikat na fast food chain sa mundo.
" Ano gusto niyong kainin?" Tanong ni mama.
" Chicken fillet, large fries, at sundae lang ang sa akin ma." Sabi ni kuya.
" Cokefloat, large fries and spag lang sa akin ma." Sabi ko.
" Ok." Sabi ni mama.
Tumayo muna si kuya upang alalayan si mama sa pagdadala ng pagkain.
Maya-maya pa ay nandito na ang mga pagkain. Gutom na gutom na talaga ako. Kainan na!
Kain tayo mga readers...
Una kong nilantakan ang spag. Pagkatapos ay yung fries. Kain lang ako ng kain. Ang greasy na ng point finger at thumb ko. Tiningnan ko kung may tissue pa ba kaso wala na. Inubos na ni kuya. Nakalimutan ko ding magdala ng kerchief. Ugh! Nakakatamad naman ding tumayo upang pumunta sa sink.
Napatingin ako sa Cokefloat. Diba pag malamig ang isang bagay, nagmomoist sa labas? Kaya pasimple kong hinawakan ang lalagyan nung Cokefloat na nagmomoist... At nung medyo nabasa na ang point finger at thumb ko...ini-rub ko silang dalawa na parang naghuhugas lang ng kamay.
Alam kong ganyan din kayo. Huwag niyo ng ipagkaila pa.
Bakit naman hindi diba? Tubig parin yun diba? As long as nahugasan na yung point finger at thumb ko, di na sila greasy. At nakakatamad din naman kasing tumayo. Parang pag tumayo ka pagtitinginan ka ng mga tao. Alam kong na feel niyo din iyan... Sus... Deny pa kayo....
Hahahahaha... Pagkatapos naming kumain ay namamasyal na muna kami at pagkatapos.... Siyempre uuwi na.