Hayh... Lunes na naman. Kay bilis talaga lumipas ng panahon.
" Rowenna! Bilisan mo na jan!" Tawag ni kuya sa akin.
" Nariyan na!"
Lumabas na ako ng bahay. Nag-aantay kasi sila mama sa akin. Sabay kasi kami ihatid ni mama.
Nasa school na ako. Naglalakad na ako papuntang classroom. Hayh... Tiningnan ko lang ang bawat paghakbang ko.
Paglingat ko, nakita ko si crush papalapit sa direksyon ko. Anong gagawin ko?
Act natural...
Tama. Act natural.
Papalapit na siya sa direksyon ko. Act natural... Na parang walang nakita.
Ayan na siya...
Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Nagkasalubong kaming dalawa. Hmmm... Ang bango niya...
Parang nagkukung fu ang puso ko...
Binilisan ko ang paglalakad ko. Dahil gusto kong sumigaw...
Nasa classroom na rin ako.
" Kyaaaaaaahhhhh!" Pagtitili ko. kyaaahhhh.... Nakasalubong ko ang crush ko!!!
" Nakasalubong mo naman ang crush mo, noh?" Tanong ni Jesselaine.
" Oo! At ang bango bango pa niya...." Kinikilig kong sabi.
" Hahahahaha..." Tumawa lang siya.
Hindi parin tumigil sa pag kung fu ang puso ko.
Nag-ring na ang bell kaya simula na ng first subject namin.
Bigla kong naalala na hindi pala ako nakapanalamin kanina... Baka may muta ako. At baka nakita iyon ng crush ko... Naku....
" Ahhh... Sheenaleah may salamin kaba?" Tanong ko sa kaklase ko.
" Ahhh wala, eh." Sabi niya.
Paano ba ito?
Light bulb!
Kinuha ko ang touch screen phone ko. At ito ang ginamit kong panalamin. Oo nga...may maliit akong muta. Sana hindi ito napansin ni crush.
Buti nalang at nakapanalamin na ako. Multi purpose pala ang mga phone. Hindi lang pan-text at pantawag, pwede ring magamit bilang salamin. Hihihihi...
Kumbaga... MirrHone...
Hahahaha... Corny ng name...
Pero relate kayo, noh?
Hahahaha...
---------
Author's ka.eklabushan:
Hope I can swim deeper in the depths of a shallow water....
Tanong ko lang....
May konsensya rin ba ang KONSENSYA?
![](https://img.wattpad.com/cover/30381896-288-k663375.jpg)