Walang pasok ngayong araw. EDSA revolution day kasi. Nasa loob lang ako ng kwarto ko, nagpagulong gulong.
" Rowenna, anak?" Tawag ni mama.
" Po?"
" Pakibantay nitong niluluto ko muna. May bibilhin lang ako sa tindahan."
" Sige po." Lumabas na ako ng kwarto at pumunta na ng kusina.
" Pakibantay muna nitong niluluto ko." Sabi ni mama.
" Iyon lang po ba?" Tanong ko. Tumango lang siya at umalis na.
Nabobored ako. Ano kayang pwedeng gawin? Hmmm... Think think think... Ahhh... Mag-ggm nalang ako. Ano kayang pwedeng i.gm? May naisip na ako...
-------------------------------------------------------------
Announcement! No class on February 29, 2015.
Forwarded...
To: All
-------------------------------------------------------------
Yes! Na send na!
*Bubble Pop*
Uy! May nag-reply!
From: Mc Rowee
Bakit walang pasok? Sabihin mo sa akin kasi absent ako kahapon. Please...
Hahahaha. Nauto. Patulan ko nalang ng kalokohan.
Hindi mo alam? Naman, oh. Walang pasok nga sa araw na iyan kasi... Walang pasok.
To: Mc Rowee
Hindi ko alam anong idadahilan ko.
From: Mc Rowee
Huh?
Ahahahaha. Hindi niya naintindihan.
Intindihin mo!
To: Mc Rowee
Ahahahaha.
*Bubble Pop*
From: Hazel
Wala talagang pasok. Wala sa kalendaryo iyan, eh.
Buti alam mo. Hahaha. Si Mc Rowee nagtanong kung bakit walang pasok. Hahaha.
To: Hazel
Text parin ako ng text dito. Habang ang niluluto ni mama ay kumukulo na.
" Rowenna!" Muntik ko ng mahulog ang phone ko dahil sa malakas na sigaw. Si mama pala.
" Diba sinabihan kitang bantayan yung niluluto ko...?" Sabi ni mama.
" Binantayan ko naman po, eh."
" Pagbabantay ba ang tawag dito? Kumukulo na yung niluluto ko, hindi mo parin binuksan ang takip. " Sabi niya sabay bukas nung takip ng kaldero.