# Body Mass

79 8 1
                                    

Lunch break na. Wala akong gana...nagdadiet ako sa madaling salita.

" Oh Rowenna! Daig mo pa ang taong nagkaLBM sa mukha mo." Sabi ni Patricia, classmate ko.

" Ano?!"

" Kumbaga...sa madaling salita...in other words... Bakit nakabusangot iyang mukha mo?"

Ahhh... Mahilig talaga ang mga tao ngayon sa mga figures of speech.

" Ahhh...Patricia.... May itatanong lang ako sa iyo..." Sabi ko.

" Sure. Ano iyon?" Sabi niya.

" Tumaba ba ako?... Mukha na ba akong tangke ng tubig? Balyena? Baboy?" Sunod-sunod kong tanong.

" Anong klaseng tanong naman iyan?" Sabi niya.

" Basta sagutin mo nalang!" Irita kong sabi.

" High blood? Ilang kilo ba body mass mo?" Tanong niya.

Nagpabili ako kay mama ng weighing scale. Para ma monitor ko ang aking timbang. So alam ko kung ilang kilo ako. Pero namonitor ko ba?

" Eh...ano... Baka pag sinabi ko sa iyo pagtatawanan mo lang ako..." Nahihiya kong sabi.

" Pagtatawanan? Eh, ilan ba kilo mo?"

" 49..." Sabi ko saka yumuko.

" Ahahahahaha...!!!"

" Huy! Makatawa ka diyan. Huwag kang mag-alala, papayat din ako. "

" Hindi naman yung timbang mo ang pinagtatawanan ko... Nahihiya ka sa timbang mo? Eh, hindi ka naman mataba, ah. Ako nga 55 timbang ko. Walang dapat ikahiya. Sino bang may sayad ang nagsabi sa iyo niyan?"

" Si kuya..." Sabi ko.

" At naniwala ka naman?" Tumango lang ako. " Hayh nako. Kumain ka na ba?" Umiling lang ako.

" Tsk tsk... Alam mo bang mas nakakataba ang hindi pagkain ng lunch?" Sabi niya.

" Ha?!"

" Oo... Kaya tara na sa canteen at kumain na tayo." Sabi niya saka tumayo.

Hayh.... Hindi halatang 55 ang timbang niya.

" Nasa nagdadala lang iyan." Casual niyang sabi.

Huh? Nabasa niya utak ko? May sayad ata tong babaeng to?

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon