Yes! Malapit na ang aming seniors ball! Kay bilis talaga ng panahon!
English time sana namin ngayon kaso mukhang absent ang teacher namin. Malapit na rin kasing mag 8:30 . Nakayuko lamang ako habang may binabasa sa wattpad.
Napansin kong may kumalabit sa likuran ko kaya nilingon ko na. Si Miss Pres lang pala.
" Bakit?" Tanong ko sa kanya.
" May pantawag ka?" Tanong rin niya sa akin.
" Uhm... Oo. Bakit?" Sabi ko.
" May importante lang kasi akong tatawagan."
" Oh siya sige. Heto, oh. Bilisan mo lang ha, dahil may binabasa pa ako." Sabi ko at iniabot sa kanya ang phone ko.
Habang hinihintay ko ang phone ko, maghahanap nalang ako ng ka.chika. Yung katabi ko, mukhang wala sa mood kaya huwag nalang. Yung nasa unahan ko, may ka.chika rin, alangan namang sisingit ako? Ano ako? Joiner?
Hayh... Siguro wala akong maka.chika ngayon. Hihintayin ko na nga lang ang phone ko.
" Thank you." Nilingon ko kung sino. Si Miss pala sabay abot ng phone ko.
Nginitian ko lang siya tapos kinuha ko na ang phone ko.Hayh... Makabasa nga ulit ng wattpad.
Blah...
Blah...
Blah...
Blah...
Ahahahahaha... Nakakatawa kasi itong binabasa ko. Huwag niyo ng alamin kung ano ang title. Baka dadami na naman ang reads nito, at malulugi ang akda kong #Kalokohan.
Patuloy parin ako sa pagbabasa nang biglang may incoming call sa phone ko. Number lang ang nakalagay. Sasagutin ko o hindi sasagutin? Baka kriminal ito.
Hinayaan ko nalang na matapos ang pag.ring nang hindi sinasagot. Pero patuloy parin ito sa pagtawag. Baka importante ito. Pinindot ko na ang kulay green na button sa screen ng phone ko.
" H-hello?" Nag-aalangan kong bati.
" Dayh Anjely..." Bungad niya. Babae ang tumawag. Baka kakilala ito ni Miss.
" Hindi po 'to si Anjely, te." Pagtatama ko.
(A/N: Te short for Auntie.)
" Nasaan siya Dayh? " Tanong niya.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom kaso di ko mahagilap si Miss.
" Mukhang wala po siya dito, te." Sabi ko. Parang wala nang nagsasalita sa kabilang linya kaya nagsalita ulit ako. " Hello te?"
" Oh Dayh? Nandiyan ba siya?" Tanong niya.