# Promise

204 13 14
                                    

Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Parang tumataba na ako. Huhuhu... Hindi to pwede! Hindi na ako mapapansin ni James Reid.

Hindi ko tanggap maging isang baboy ako!!! Hindi naman ako baboy, noh?!

Waaaah!!!! Simula ngayon hindi na ako kakain ng marami! Talagang talaga! Hinding hindi na! Kahit mamatay man ang BAGONG asawa ng lolo ko! Kahit magsuot pa ng bra si Superman! Kahit hindi na magising si Sleeping Beauty! Kahit mag-aapoy pa si Elsa! Kahit tubuan pa ng buhok si P-noy! Kahit pa tumaba si Kim Chiu! Kahit na bumalik pa si Yolanda! Hinding hindi na ako kakain ng marami!!! Promise peksman! Ilibing niyo pa ako ng buhay! Huwag naman! Paano ko mapapatunayan kung nakalibing na ako?!

" Rowenna labas ka na jan! Kakain na daw!" Tawag ni kuya.

" Busog pa po ako!"

" Lalabas ka jan o ako ang magpapalabas sa iyo?!"

" Lalabas na!" Kainis talaga tong si kuya. Porket mas matanda sa akin!

Umupo muna ako sa sofa.

" Oh Ba't parang nadaganan ng 1000 Wheeler truck iyang mukha mo?" Si kuya.

" Huh? May truck bang ganoon?"

" Slow mo talaga. Ang ibig sabihin nun bakit nakabusangot iyang mukha mo?"

Hindi muna ako sumagot...

" Ahhh kuya..." Nakayuko kong sabi.

" Hmmm... Bakit? "

" Tumaba ba ako?" Please huwag mong sabihing "oo".

" Ngayon mo lang napansin!" Proud na sabi ni kuya.

" Kuya naman! Kainis ka!" Binato ko siya ng unan.

" Totoo naman, ah! Kaya dapat mag diet ka na!"

" Oo magdadiet na ako. Simula ngayong araw na ito! Talagang talaga!"

" Promise? " Panuksong tanong niya.

" PROMISE!" Proud kong sabi.

" Kahit MENUDO ang ulam natin? Kahit na gumawa si mama ng FRUIT SALAD? "

" Kahit na nagluto pa si mama ng menu--- Anoooooo?!!! Waaaaah! Favorite ko iyan!!"

" Hephep! Nag promise ka..."

" Kuya naman, eh. Huhuhu..."

" Mga anak kakain na..."

" Opo ma!" Sabi ni kuya at dali daling pumunta sa dining table.

" Oh asan si Rowenna...?..... Oh an jan ka na pala. Niluto ko favorite mo..." Sabi ni mama.

Umupo ako at kumuha ng menudo at kanin na nilagay ko sa plato. Konti lang talaga kukunin ko.

" Ang PROMISE mo..." Sabi ni kuya.

Binigyan ko lang siya ng galit-inis/poot-kulo-ng-dugo look. Urgh!

Natapos ko na ang kinakain ko... Pero... Gutom pa ako! Naman oh!

" Rowenna, anak, kain ka pa..." Ayaya ni mama sa akin.

" Diet daw siya ma..." Sabi ni kuya habang kumakain ng salad.

Promise! Talaga last na ito! Di na mauulit! I swear! Ikanga promises are ment to be broken! Pagbigyan niyo na ako! Mangangayayat si baby intestine ko!

#KalokohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon