ABKB: i know

2.3K 62 0
                                    

Scarlet POV


Nagmamadaling tinungo ko ang hospital room ni Xander, nagbabaka sakaling gising na siya. At sana wala doon ang mga magulang niya, dahil paniguradong papaalisin ako doon.


I was about to enter the room but suddenly stop when i heard what Xander said.


" Sophia Villarama. Will you marry me?" bigla ay parang nanigas ang buo kong katawan. This can't be! Lalo akong mawawalan ng pag-asa.


" What if i say no?" matutuwa ako kapag sinabi mo yan.


"Maghahanap ako ng ibang babae na mapapakasalan" gusto kong mapangiti ng mapakla. Para namang magagawa niya iyon. Knowing him? Patay na patay siya sa Pia na yan.


" Do that and i'm going to wring your neck!"


" So what's your answer?"


"Yes Alexander Villacorta. I'll fucking marry you" and then they kissed. I wanted to smile bitterly.


Parang gusto kong magwala. Gusto kong sabunutan si Pia dahil siya ang mahal ni Xander. Pero ayokong ipakita na talo ako. Na talo nanaman ako.


Palagi na lang akong talo pag dating kay Xander. Kapag si Sophia ang pinag-uusapan inaasahan ko nang second best lang ako. Kasi siya naman palagi ang the best di ba?


Pero hindi pa din ako magpapatalo. Baka puwede pa.


Imposible yan Scarlet. Sabi ng isang bahagi ng utak ko. Napangiti ako ng mapakla. Imposible nga.


Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at binuksan na ang pinto.


"Xander! Finally you're awake. Pinag-alala mo ko ng sobra babe" kung hindi ko man siya matalo. Aasarin ko na lang siya.


Niyakap at pinupog ko ng halik ang mukha ni Xander. Nakita ko namang natigilan si Sophia sa ginawa ko.


" Woah! Hey Scar. Okay na ko so puwede ka nang bumitaw" at tinulak ako nito palayo .


"Grabe ka. Ang harsh mo naman sakin, parang hindi mo ko niyayakap dati ah" nakalabi at nagpapacute kong sabi. Ang tagal namang umeksena ng babaeng to.

"Ahem!" kunway nagulat pa ako ng peke itong umubo.

"Oh my you're here! Hindi ka naman nagsasalita"

" Hiyang-hiya naman kasi ako sa eksena mo" pairap nifong sabi sakin at lalo lang akong natuwang asarin siya.

" Oh i'm sorry. Namiss ko kasi itong boyfriend ko " at gusto kong matawa ng manlaki ang mata nito nang sinabi kong boyfriend ko si Xander.

" Hey Scar, stop okay? Sophia is my fiancé now, so stop assuming " nag-smirk naman sakin si Pia dahil akala niya affected ako sa sinabi ni Xander. Well a little bit.

" I don't really care, besides hindi pa naman kayo mag-asawa so may time pa ako para agawin ka " i said while smirking. Nakita kong nawala ang ngiti ni Pia at napalitan ng galit ang aura. Parang umuusok ang ilong sa galit, and i swear pagkalabas ko dito tatawa talaga ako ng bongga!

" Puwede ba Scarlet kung wala kang magawa umalis ka na lang " ang cute asarin ni Pia.

" Oh yeah, you're right. Ang boring mong inisin. Ito nga pala fruits for you Xan. Kainin mo yan kasi may gayuma yan, para bukas akin ka na " inilapag ko ang prutas sa table at hinalikan si Xander sa pisngi.


" Bye Pia " kinindatan ko pa siya at kinawayan. Pag labas ko ng pinto ay narinig ko pa ang sinabi niya.

" That bitch!" sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili at bumunghalit na ng tawa.


Pia's POV


Pagkalabas na pagkalabas niya ng pinto ay inilabas ko na ang tinatago kong inis.


" That bitch!" nagulat naman ako ng marinig kong tumawa ito ng malakas.

" hey sweetheart calm down. You see inaasar ka lang niya " at natatawa pa ito. Galit na nga ako natutuwa pa siya?

" Hindi ako natutuwa Xander. At wag mo kong tinatawanan jan. Boyfriend pala ha! Tapos nagpahalik ka pa. Walangya ka!" inis na pinaghahampas ko ito sa dibdib. Nakakagigil ang lalaking ito.

" ouch! Pia ano ba? Nakalimutan mo atang kakagaling ko lang sa aksidente" huminto ako sa pagpalo sakanya nang mapagtanto ko ang ginagawa ko.


" ikaw naman kasi. Pumayag ka na magpahalik sa kanya" umupo ito at kinuha ang kamay ko.

" sweetheart it's just a friendly kiss for me, a goodbye kiss. Wala ka naman dapat ipag-alala dahil nagpropose ako at sinagot mo ko. So hindi mo na dapat iniisip si Scarlet. I'm all yours now. And believe me inaasar ka lang niya kaya wag mo nang pansinin. Ang importante tayo okay? I love you " at hinalikan nito ang kamay ko.


Parang gusto ko namang umiyak sa sinabi niya. Ang unfair ko lang sakanya. Inaway ko pa siya dahil kay Scarlet, samantalang mahal na mahal naman niya ako.

Hindi talaga ako nagkamali na siya ang minahal ko.

" Hindi ko lang maiwasang magselos. Remember, siya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay dati, at natatakot akong mangyari ulit yun. Mahal na mahal lang talaga kita Xan kaya ako nagkakaganito " hindi na ko papayag na guluhin ulit kami ng babaeng yon. Hindi na.


" Ikaw at ikaw lang ang babae sa buhay ko at ang babaeng mamahalin ko. Tandaan mo yan" at pagkasabi niyon ay hinalikan niya ako.

" I know Xander. I know "


.

Nadapuan ng writers block sorry po :(. As in wala talagang pumapasok sa isip ko kaya sooooobrang tagal ng UD. Pero hindi ko na hahayaan na magkaWB ulit.

Penge naman po ng kahit 2 votes lang jan oh. Thank youuuuuu :*

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon