ABKB: kiss

3.3K 88 9
                                    

Ilang araw na kong nagtatangkang kausapin si Pia pero talagang iniiwasan niya ako .





Minsan kasama niya si Ethan kaya hindi ko magawang makalapit sa kanya , pero kapag siya na lang mag-isa ay talagang tinataguan niya ako kapag alam niyang sinusundan ko siya .





Nagmumukha na nga akong tanga kakahabol . Dumating pa sa time na talagang nag.habulan kami sa buong school , hindi talaga siya napagod kakatakbo sa akin . Tapos meron ding tatlong oras siyang hindi lumabas sa c.r hanggat hindi ako umaalis .





Grabe ! Talagang pinanindigan niya ang pag.iwas sakin . Pero hindi ako susuko , kahit pagtaguan niya ko , kahit tumakbo pa siya ng tumakbo , hindi ko siya susukuan .





Dahil ganoon ko siya kamahal .


Ang tanga ko lang kung bakit ngayon ko lang narealize yun .





At ngayon nga nasa labas ako ng room nila at nag.hihintay . Sisiguraduhin kong hindi na niya ko matatakasan ngayon .





At sigurado akong wala siyang matatakbuhan . Dahil sakto hindi pumasok si asungot ngayon .





Bigla akong napangisi . Makukuha ko din si Pia .





Nag.labasan na ang mga classmate niya . Ibig sabihin tapos na ang klase . Sa wakas ! Makakausap ko na siya .





Ayan na si Pia . Nakatingin siya sa baba kaya hindi niya ako nakita . Lumapit ako .





" walang hiya ka Alexander ibaba mo ako ! " hahaha sabi na at mag.wawala to . Paano kasi binuhat ko siya na parang nag.bubuhat lang ako ng isang sakong bigas.





Wala siyang tigil sa pag.palo sa likod ko .





"Aray ko Sophia ! " paano ba naman kasi kinagat ang likod ko ! Ang sakit pa naman mangagat nito .





" Saan mo ba ako dadalhin ha ? Ibaba mo na ako ! " hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag.lalakad.






Dinala ko siya sa parte ng building na halos walang tao . Pumasok kami sa isang room at inilock ko ang pinto . Ibinaba ko na din siya .





" Anong ginagawa natin dito ? At bakit mo ko dinala dito ha ? Sumagot ka ! " inis na inis na siya . Namumula na ang mukha niya sa galit .




" Dinala kita dito dahil gusto kong mag.usap tayo Sophia . "




" Hindi ! Ayokong makipag-usap sayo . At wala na tayong dapat pag-usapan . " sabi nito at nagtangkang aalis pero napigilan ko ito .




" Ano ba Sophia ! Wag mong paandarin ang pagiging childish mo ! " sa sobrang inis ko ay nasigawan ko ito . Nakita ko naman na nangingilid ang luha nito .




" Oh my god , Pia i'm sorry . Hindi ko sinasadyang sigawan ka . " hinatak ko ito para yakapin . Alam kong natakot ito sa akin dahil ngayon lang ako nakapag.salita sakanya ng ganito . Ngayon ko lang siya nasigawan at nakita ko ang takot sa mata nito .







Patuloy parin ito sa pag.hikbi . Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ito .




" Please stop crying Pia . Magiging mahinahon na ako . Basta pumayag ka lang na makipag-usap sakin . God Pia ! I miss you so much . Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito ? " hirap na hirap kong sabi sakanya . Nabubuang na ko sa babaeng ito .



Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon