ABKB: Lie

2.5K 61 2
                                    




Sophia's POV


Nagising ako sa bahagyang pagkatok sa pintuan ko . Napaupo ako at nagsalita .


" Pasok po " at pumasok si Mommy na may dalang tray ng pagkain .


" Good morning baby , breakfast in bed " nakangiti nitong bati sa akin . Napaka-sweet talaga ng Mama ko .



" Morning mom , bakit po nagdala kayo niyan dito ? Di ba po sabay sabay tayong kumakain ? " nagtaka kasi ako . Nakaugalian na kasi namin na tuwing umaga ay sabay kaming kakain .


" Your dad is not here iha . Maaga siyang umalis para pumunta sa office , may inaayos kasi siya " malungkot na ngumiti si Mommy . Alam kong may problema at dahil iyon sa kumpanya namin . Naaawa na ako sakanila dahil sobra na silang nahihirapan .



" Anak i'm sorry . Hindi namin gusto na idamay ka dito pero hindi na talaga namin kaya ng daddy mo . Humingi kami ng tulong kila Philip pero eto ang hiningi nilang kapalit , ang magpakasal kayo ni Ethan " umiiyak na si Mommy at sobra akong naaawa . Naiiyak na din ako , bakit kasi samin pa ito nangyari ? Lumalabas na ako ang kabayaran pero hindi ko magawang magalit sakanila . Naiintindihan ko kung bakit nila ginawa ito .



Dugo at pawis ni Dad ang ipinundar niya sa kumpanya , tapos bigla na lamang itong mawawala . Hindi kakayanin ng konsensya ko iyon .





Kaya hanggat maaari magpapakasal ako kay Ethan . Mahal na mahal ko ang magulang ko kaya hindi ko sila susuwayin . Ayoko silang makitang nahihirapan .



" Mom hindi mo po kailangan humingi ng tawad , naiintindihan ko naman po . Alam kong para iyon sa kapakanan ko at sa ikakabuti ng ating pamilya . Kaya naiintindihan ko po Mommy . Wag na po kayong umiyak " hinawakan ko ang pisngi ni Mama at pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi niya .


" Thank you anak . Hindi mo kami binigo ng Daddy mo . Napakabait mong bata . And mukha namang mabait amg mapapangasawa mo hindi ba ? At magkakilala na kayo bago pa namin kayo ipakilala sa isa't-isa " parang nang-aasar pa si Mama . Kanina lang umiiyak siya tapos ngayon inaasar na niya ko . Hindi ko naman naiwasan na mamula .



" Ahm opo mabait po si Ethan at sobra po siyang maalaga " yun na lang ang sinabi ko . For sure kasi kapag hinabaan ko pa , hindi na kami matatapos sa pag-uusap .



" Mukhang nagugustuhan mo na siya . Goodluck sainyo anak . Osiya sige na at kumain ka na , may pasok ka pa . I love you baby " tapos niyakap ako ni Mommy . Kaya mahal ko itong Mama ko . Napakasweet niya .



" I love you too Ma " at lumabas na ito ng kwarto . Ako naman ay nagmadali ng kumain tapos naligo at naghanda ng pumasok .


Kailangan kong makausap si Xander about sa nalalapit na kasal namin ni Ethan . For sure magugulat yun .



Bigla ko tuloy namiss ang Prince Charming kong yon . Pero nalulungkot ako . Pano na lang kapag natuloy ang kasal namin ni Ethan ? Paano na ang pag-iibigan namin ?



*


Sa wakas at nakarating na din ako sa school namin . Kailangang kailangan ko na talagang makausap si Xander . Alam ko maiintindihan niya ako at aantayin niya ko .


Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot . Naisipan ko na lang na hanapin siya .


Pero naikot ko na ata ang buong campus , hindi ko pa rin siya nakikita . Asan ka na ba Xander ?


Bigla ay nagring ang phone ko . Naku ! Baka si Xander na to . Linuha ko ang phone ko . Si Xander nga ! Buti naman .


" God Xan ! San ka ba nag-sususuot ? Kanina pa kita hinahanap . Tinawagan din kita pero hindi mo sinasagot . Nakakatampo ka na , may sasabihin pa naman ako sayo" kunway nagtatampo kong sabi .


" Sophia kailangan natin mag-usap pumunta ka ngayon sa garden " yun lang at binaba na niya ang tawag . Bigla naman napakunot ang noo ko . Bakit ganun ? Parang ang lamig niya sakin ? Parang ibang tao yung kausap ko . Wala man lang sweetness .


Ok na kaya sila ni Scarlet ? Pero umamin siya sakin na mahal niya din ako . Baka break na sila tapos may surprise pala sakin si Xander kaya kunwari wala siyang paki kanina . Sa isipin na yun ay bigla akong naexcite . Nagmamadaling nagtungo ako sa garden . Bigla naman akong kinabahan . Naku ano kaya yung surprise niya ? Makikita ko din naman yun . Nakangiti akong nagtuloy sa pupuntahan ko .


Mula sa malayo ay tanaw ko na si Xander na nakatayo at nag-iintay sakin . Bakit wala naman akong nakikitang pagbabago sa garden ? Baka naman iba yung surprise niya . Habang palapit ako ng palapit ay may nakita akong babae . Magkaharap sila ni Xander . Natatakpan kasi siya ni Xander kaya hindi ko siya nakita sa malayo . At si Scarlet yun .




So eto pala ang akala kong surprise niya sakin . Siguro hindi sila nag.break . Mukha pa nga silamg masaya eh . At nasasaktan nanaman ako .


" Hi Pia " bati sakin ni Scarlet . Tinignan ko si Xander pero malamig ang matang nakatitig lang ito sa akin . Anong problema Xander ? Bakit ganyan ka ? Akala ko ba mahal mo ako ?



" Ano yung sasabihin mo Xander ? " hindi na ko nagpatumpik tumpik pa . Tinanong ko na agad siya . Gusto kong malaman kung anong nangyayari .



" Yung sinabi ko sayo kahapon . Lahat ng yun ay hindi totoo . Akala ko lang lahat ng yun . Akala ko mahal kita pero hindi pala . Kaibigan lang pala talaga ang nararamdaman ko para sayo . Kasi si Scarlet talaga ang mahal ko " parang akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabj niya . Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko .



" Hindi ko pala kayang magmahal ng iba . Nung sinabi ko yun sayo kahapon para kong mamamatay kasi nasaktan ko si Scarlet . I'm so sorry Sophia " yun ! Dun na naintindihan ng utak ko . Kasinungalingan lang pala lahat ng yon . Pinaasa lang niya ko . Kahapon lang ang saya-saya ko kasi inamin niyang mahal niya ko tapos sasabihin niyang hindi pala totoo yun ? Ginagago niya ba ko ?


" Ano pala yung sasabihin mo ? " bigla ng tumulo yung luha ko . Hindi ko na mapigilan ang sakit . Para kong sinasaksak sa puso . Para na kong mamamatay sa sakit . Bakit mo ginawa sakin to Xander ? Napaka.sama mo .


Tumayo ako ng tuwid at pinunasan ang luha ko , at ngumiti .


" Gusto ko lang sabihin na malapit na kaming ikasal ni Ethan . Sige alis na ako may pasok pa ko " alam ko kahit nginitian ko sila ay halata pa rin sa mukha ko na nasasaktan ako .



Tumalikod ako sakanila at umalis na . Huli na talaga to . Kakalimutan na kita Xander . Hindi ko na hahayaan na masaktan mo pa ako ulit .



Xander's POV



I'm so sorry Pia .

Pero ito ang mas makakabuti sayo .

Sigurado ako na hindi ka sasaktan at papaiyakin ni Ethan . Para sayo tong ginawa ko .







MAHAL NA MAHAL KITA SOPHIA .

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon