ABKB: worried

3.3K 95 10
                                    

" good morning Pia "




Nananaginip nanaman ako tungkol kay Xander andito daw siya ngayon sa kwarto ko .




" good morning din Xan " bati ko sakanya tapos nginitian siya , ngumiti din naman siya sakin . Grabe talaga nakakalaglag panty ang smile niya ,natutunaw ako sa bawat titig niya sakin . Para kong lumulutang .




* boink *




" hoy Sophia tumayo ka na at malelate na tayo . Pangiti ngiti ka pa jan . Nagagwapuhan ka sakin nuh ? "




Ang sakit ng kotong niya ah . Kainis kala ko pa naman nananaginip ako . Totoo pa lang andito siya .




" maka kutos ka naman ! Ang sakit nun ah .. "




" prinsesa ko tumayo ka na jan at papasok na tayo bilis " hinila niya ko patayo at tinulak sa loob ng banyo .
Sinarado ko na lang agad yung pinto




" yiiiee ! Prinsesa daw ? Ang ganda ko talaga ! " bahagya pa kong kinilig sa sinabi niya . Bwisit na Xander baka imbis na maka.move on ako lalo pa kong mainlove kakaganyan niya .




Pag.baba ko ay nakita ko na si Xander na nag.aantay sakin sa sala . Ang gwapo niya talaga . Para lang akong isang prinsesa na inaantay ng prince charming ko ..




* mag.tigil ka nga Sophia ! *




sabi ng isang bahagi ng isip ko .Pinilig ko ang ulo ko para alisin ang isiping iyon . Nag.kabati lang kami ganto na ko .




" oh ayan na pala si Pia . Ang tagal mo naman anak kanina pa nag.iintay sayo si Alexander " sabi sakin ni mommy .




" okay lang po tita . Sanay na ko jan " sabi ni Xan na natatawa pa .





" ma alis na po kami " paalam ko kay mama ..




" oh bakit hindi muna kayo kumain "




" hindi na po ma . Dun na lang sa school . Bye ma " at hinalikan ko siya sa pisngi bago umalis .




Dalawang araw na din pala simula ng mag.batangas kami . Sa dalawang araw na yon eh mas lalo kaming naging okay ni Xander , lagi niya ko hinahatid at sinusundo sa school .







Mas marami pa nga ata siyang time sakin kaysa kay Scarlet . At dapat lang dahil bestfriend niya ko . Lagi na nga silang mag.kasama non eh .




" nandito na tayo . Hintayin mo ko dito sa parking lot mamayang 5 mag.didinner tayo " OMMO ! Inaaya niya kong mag.date *^_^* . Kinikilig nanaman ako .




" okay . Basta libre mo ah " sabi ko na lang . Hindi ko pinahalata na namumula ko sa isiping mag.didate kami .




" oo naman alam ko namang kuripot ang bestfriend ko eh " at ginulo pa ang buhok ko . Ngumiti na lang ako . Nag.katitigan kami . Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko . Hahalikan niya ba ko ? Pasimpleng binasa ko yung labi ko . Ayan na malapit na . Bigla na lang akong napapikit .




" baba na . Malelate na tayo " sa sinabi niyang yun napadilat ako bigla . Tinanggal lang pala yung seatbelt ko ! Nakakahiya ka Sophia ! May papikit pikit ka pa . Malandi ka !




Nakayukong bumaba ako sa kotse . Nakakahiya talaga . Pero sayang kung ikikiss nga niya ko .




" hi hon . Hi Pia ! " salubong samin ni Scar . Kainis ! okay na eh , dumating pa . Pilit akong ngumiti .






Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon