ABKB: i'm back

2.4K 65 3
                                    



Pia's POV

.

"Yes , uuwi tayo sa Pilipinas " ano ? Hindi pwde . Hindi ko pa ata handang makita ang lalaking nanakit sa akin !

.

" P-pero bakit ? Ok na ko dito , nag-aaral ako tapos yung career ko , hindi ako pwdeng umalis " hindi ako pwdeng umalis . Ayoko ! Dito lang ako .

.

"Hindi pwde yang sinasabi mo Pia " at bakit naman ? Naguguluhan ako .

.

" A-ano ? Pero bakit ? "

.

" Inatake sa puso si Tito Andrew . And you're taking his place in the company " natulala ako , nagulat . Ang daddy ko ! Bakit hindi nila ako tinawagan kaagad ?

.

" WHAT ?!! Bakit ngayon mo lang sinabi ? Bakit hindi niyo ko tinawagan ? Oh my god ! My Daddy " tuluyan na kong napaiyak . Kawawa naman ang Daddy ko .

.

" Noong una ayaw ipasabi ni Tito sayo dahil ayaw ka niyang mag-alala , pero naisip niya na kailangan ,at dahil ikaw ang papalit sakanya sa kumpanya " i hate talking about business , pero para kay Daddy papayag ako .

.

" Daddy ko siya kaya imposibleng hindi ako mag-alala . I'm willing to take full responsibility in our company "

.

Nabuo ang pasya sa isipan ko . Papayag akong umuwi sa Pilipinas . Ako ang mag-papatakbo ng kumpanya. Iiwan ko lahat ng pwdeng iwan dito . Mas kailangan ako ni Daddy ngayon . Wala na akong pakialam kung makita ko man ang walanghiyang Alexander na iyon.

.

Xander's POV

.

" Sir ito na po yung mga kailangan ninyong pirmahan " sabi ng secretary ko na si Jessica .

.

" Okay jess thank you " inilapag naman niya ang papeles sa lamesa ko at nag-paalam na para lumabas .
.

Nag-salin ulit ako ng alak sa baso ko . Sobrang stress ako ngayon dahil sa kumpanya .

.

Inumpisahan kong basahin ang mga papeles at pinirmahan . Pagkatapos kong pirmahan ay tumayo ako at nagpunta sa may bintana .

.

Simula ng mag-kasakit at atakihin sa puso ang Presidente ng kumpanya ay mas lalo akong naging busy sa trabaho . Ako ang pumalit sa pwesto ng Daddy ko na V.P ng kumpanya . Hindi na din kasi kaya ni Daddy . Kaya eto ko ngayon namomroblema .

.

Habang wala pa ang papalit kay Tito Andrew ay ako muna ang pansamantalang nasa pwesto niya . Magkasama sa iisang negosyo ang Villarama at Villacorta .

.

Bigla ay pumasok sa isip ko si Pia . Kailan ko kaya ulit siya makikita ? Namimiss ko na ang mahal ko .

.

" Hi hon . Umiinom ka nanaman " bigla ay uminit ang ulo ko . Nandito nanaman siya . Ang sumira sa buhay ko .

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon