ABKB: Accident

2.1K 48 1
                                    

Pagkatapos ng pagtatalo namin ni Ethan ay hindi ko na siya kinausap pa , hindi na din siya kumibo pa dahil baka lalo lang lumala ang pagtatalo namin .

.

" We're here " aniya ng huminto kami sa tapat ng bahay namin .

.

" Thank you " tanging sinabi ko at binuksan na ang pintuan ng kotse at dali-daling lumabas .

.

" Pag-isipan mo yung sinabi ko Pia . Baka sa bandang huli pagsisihan mo na hindi mo siya pinakinggan " hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya .

.

" Alis na ko . Goodnight " at narinig ko na lang na umalis na siya .

.

Tulirong naglakad ako papunta sa loob ng bahay. Gulong-gulo ang isip ko ngayon , ang daming nangyari ngayong araw at parang sasabog na yung ulo ko sa kakaisip .

.

Pagkabukas ko ng pintuan ay ang madilim at tahimik naming sala ang bumungad sakin . Isa pa itong nakakapagstress sakin eh , wala man lang akong kasama dito sa bahay .

.

Nagdiretso na agad ako sa kwarto ko para makaligo at makapagpahinga na din .

.

Pagpasok sa kwarto ay inihagis ko sa sahig lahat ng gamit ko at tumungo na sa banyo .

.

Hindi ko maiwasan na maalala ang pagmamakaawa ni Xander sakin .

.

" Please Pia don't leave me . Mahal na mahal kita . Sorry kung naglihim ako , ginawa ko lang iyon dahil takot akong aminin sayo kung gano kita kamahal "

At sa hindi ko malamang dahilan ay parang lumambot ang puso ko .

.

Ginawa niya iyon kasi natatakot siya na baka kapag nalaman ko ay layuan ko siya , pero hindi pa rin maalis sa isip ko na ilang taon niya iyong tinago .

.

Ilang taon akong nag-akala na bakla siya at ilang taon akong umasa na sana mahalin niya rin ako .

.

Ang daming nasayang na panahon dahil sa kaduwagan niya . Kung sinabi niya sana kaagad edi walang nangyaring hiwalayan at hindi sana kami nasasaktan .

.

Xander bakit ang sakit ming mahalin ? Ang dami kong isinakripisyo para sayo pero ito ako nasasaktan nanaman .

.

Hanggang sa matapos akong maligo at mahiga sa kama ko ay siya pa rin ang naiisip ko .

.

Namimiss ko na siya pero may pumipigil sakin para puntahan siya . Siguro kailangan muna ng puso at isip ko ng pahinga .

*

" Anak " marahan kong iminulat ang mata ko ng marinig ko ang tinig na iyon .

.

" Ma ! " iyon lang ang nasabi ko at napayakap ako sakanya , hindi ko na din napigilan sa pagtulo ang luha ko .

.

" Ma niloko niya ko , nagpanggap siya ng limang taon Ma . Ang sakit kasi pinagmukha niya kong tanga . Mahal naman pala niya ko pero hindi niya sinabi , limang taon akong nagmukmok at umaasa " iyak lang ako ng iyak habang nakayakap kay Mommy .

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon