Pia's POV
" Okay Sophie last five shots . Give me a fierce look . Okay good "
.
" Okay we're done , good job Sophie . Pack-up guys " hayy salamat at natapos din ang photoshoot . Nakakapagod .
.
Pumunta na ako sa dressing room para magpalit ng damit . Inabutan naman ako ng assistant ko ng tubig.
.
" Thank you Cassandra " she smiled at me , then inayos ang buhok ko .
.
" Maghapon ang photoshoot mo ngayon . paniguradong pagod na pagod ka na . " Cass is a filipina too , obvious naman di ba ? Kasi nagtatagalog siya .
.
" Oo sobra . Gusto ko ng umuwi at sumalampak sa kama "
.
Si Cass ang P.A ko kapag may photoshoot or modeling ako . Nakilala ko siya dahil katabi lang siya ng apartment na tinitirhan ko dito sa California . Nabanggit niya kasi sakin na naghahanap siya ng trabaho at sakto naman na kailangan ko ng P.A . Malaki naman ang sweldo niya . Bestfriend na rin ang turing ko sakanya , mabait naman kasi siya .
.
" Kamusta na nga pala kayo ng asawa mo ? Hindi ko na siya nakikita ah . Hiwalay na ba kayo ? " bigla akong nalungkot . Tinignan ko ang singsing sa kamay ko . Two months na kaming walang communication ni Ethan .
.
" May inaayos lang siya sa Philippines . You know, business man " may kailangan lang kasi siyang ayusin sa company . Namimiss ko na siya , kahit lagi niya akong tinatawagan para kumustahin , hindi ko pa rin maiwasan na malungkot .
.
One year na akong nandito sa America pero nahohome sick pa din ako .
.
Lalo na noong bagong dating pa lang ako dito . Isang buwan akong umiiyak dahil namimiss ko na ang pamilya ko . Pero kailangan kong magpakatatag dahil ito naman ang gusto ko , ito ang desisyon ko .
.
Unti-unti naman akong nakakapag adjust kahit papaano . Hindi na ako umiiyak pag gabi pero parang gusto ko pa din na umuwi .
.
May pagkakataon na namimiss ko si Xander . Paano kasi noong may fashion show ako parang nakita ko siya na nanunuod sakin pero pag tingin ko ulit wala na . Napaka imposibleng pumunta yun dito . Bakit siya pupunta di ba ? Hindi nga niya ko mahal .
.
Sinaktan ka niya Pia . Kaya dapat wag mo na siyang isipin . Kalimutan mo na siya . Dahil hindi ka niya mahal .
.
Tama . Dapat ko na siyang kalimutan , pero bakit hindi ko magawa ? Bigla kong naalala yung mga sinabi niya sakin dati , kaya nag.ngitngit nanaman sa galit ang puso ko . Hindi ko na siya mahal . Si Ethan na ang mahal ko .
.
Kailangan kong mag.focus sa pag-aaral at sa career ko .
.
Nag-aaral ako and at the same time nagmomodel . Nagtataka siguro kayo kung pano ko naging model nuh ? Sige ikkwento ko na .
.
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)
RomanceSa tingin niyo ? Magawa ko pa kayang maging straight na lalaki ang Bestfriend ko ?? Let's see ^_^ ..