I'M BAAAAAAAACK!!
---------
Pia's POV
"Ikaw at ikaw lang ang babae sa buhay ko at ang babaeng mamahalin ko. Tandaan mo yan" at pagkasabi niyon ay hinalikan niya ako.
" I know Xander. I know "Napakasarap pakinggan ng mga katagang iyon mula kay Xander.
"Wala nang hahadlang satin Sophia. Ipinapangako ko yan sayo. And please don't leave me again" pagsusumamo niya.
Lalong lumambot ang puso ko. Naisip ko kung gaano ako kamahal ni Xander. At nakokonsensya ako kapag naiisip ko yung mga nagawa ko sakanya.
Lagi ko na lang siyang nasasaktan. Hindi ko man lang inisip yung nararamdaman niya. Inaalagaan at lagi niya kong inaalala.
Ngayon, ako naman. Babawi ako sa lahat ng ginawa niya para sakin. Susuklian ko ang pagmamahal niya ng higit pa.
"Oo Xander. Wala na. Hindi na ko papayag. Kahit ano pang sabihin sakin ni Scarlet, hindi ko na siya papakinggan. Hindi na kita iiwan. Pangako yan. Sorry Xan, babawi ako" mangiyak ngiyak na ko habang sinasabi sakanya.
"Sweetheart ano ka ba naman, wala yon. Responsibilidad ko yun dahil mahal kita. Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano jan. Okay?"
"Okay Xan. I love you"
"I love you more" tugon niya.
Para naman akong mamamatay sa kilig neto.
"Osiya, kumain ka na muna. Inaantay lang natin yung doktor mo tapos pwede ka nang makauwi"
"Salamat naman. Magkakaron na ko ng maraming time kasama ka" asus naman tong mahal ko. Napaka-sweet.
"Ano ka ba naman! Ayan agad inisip mo. Dapat magpahinga ka para gumaling ka kaagad"
"Pero sweetheart---"
"Xander wag ka nang makulit" tututol pa sana siya ngunit pinigilan ko na. Pasaway talaga.
"Okay boss. Wala naman akong magagawa dahil sinabi mo na" mabuti naman at hindi na tumutol.
"Very good. Okay let's eat" tinulungan ko siyang makatayo para makakain siya ng maayos.
Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Ang sarap isipin na kasama ko yung taong mahal ko at mahal din ako. Sana ganito na lang palagi. Yung masaya lang at walang hadlang.
"Naalala ko nung nasa beach tayo nila Scarlet, grabe ka makatingin sa abs ko sweetheart. Tapos gwapong gwapo ka pa sakin" sabi niya habang tumatawa pa.
Aba't napaka-yabang ng loko!!
"Hoy ang kapal mo ha! Ikaw nga jan yung nakanganga nung nakita mo ko hmp!"
*tok tok tok* sa kalagitnaan ng pag-aasaran namin ay may kumatok.
"Come in"
"Good afternoon Mr. Villacorta. According to your tests, okay nanaman ang results at pwede ka nang lumabas ngayon. Pero kailangan mo pa ng kaunting pahinga at pagpatuloy mo lang inumin ang mga nireseta kong gamot sayo" salamat naman at pwede na siyang lumabas. Dahil alam kong ayaw na nito dito sa ospital
"Okay Doc. Thank you so much" sabi ni Xander.
Tumango lang ang doctor at umalis na din.

BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)
RomanceSa tingin niyo ? Magawa ko pa kayang maging straight na lalaki ang Bestfriend ko ?? Let's see ^_^ ..