ABKB: never give up

2K 57 0
                                    

Pia's POV

.

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa office ni Xander . Kakatapos ko lang kasing basahin at pag-aralan ang mga papeles na ibinigay niya .

.

Grabe lang sa sakit ang ulo ko dahil sa mga yun . Pinilit ko talagang intindihin kahit ayaw pumasok sa utak ko .

.

Ipinikit ko ang mata ko para kahit papaano ay marelax ako . Sa dami ng nangyari ngayong araw ay parang pagod na pagod ang katawan at isip ko .

.

Hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa akin ang sinabi ni Scar . Ano kayang ibig sabihin nun ?

.

" Heto gamot , inumin mo na para mawala ang sakit ng ulo mo " bigla akong napadilat . Nakakagulat naman kasi , bigla na lang nagsasalita .

.

Kahit naiilang ako sa kanya ay tinanggap ko na din . Masakit na nga ulo ko aarte pa ko ?

.

" Sorry about what happened earlier" nakita ko ang sinseridad at pag-aalala sa mga mata niya .

.

Bakit ba ganyan ang mga ipinapakita mo Xander ? Bakit parang kakaiba ? Parang may laman .

.

" Okay lang talaga. You don't have to say sorry . Siguro nasaktan lang talaga siya dati " nasaktan ko talaga siya , kaya hindi ko siya masisi kung bakit siya nagkakaganon .

.

Naalala ko yung eksenang iyon . Yung time na sinabi sakin ni Xan na mahal niya ako . At yung halik .

.

Bakit parang feeling ko totoo iyon ? Ramdam ko yung pagmamahal na iyon . Pero sabi niya hindi daw totoo iyon . Hindi daw niya ako mahal .

.

Muli ay bumalik ang lahat ng sakit . Sana hindi ko na lang siya minahal , sana hindi ko na lang sinabi , sana hindi ako nafall sa bestfriend ko . Sana hindi ko na lang pinilit ang sarili ko na mahalin niya din ako . Nasaktan ko pa tuloy si Scar at hanggang ngayon dinadala niya ang sakit at galit na iyon . Nang dahil don ay nasasaktan ko ang kaibigan ko .

.

At ayokong mangyari ulit iyon . Ngayon pa at magkakasama kami ni Xander sa iisang lugar . Posibleng bumalik . At ayokong mangyari iyon , kaya't hanggang maaga ay iiwasan ko na .

.

" From now on , i will protect you . I'll never give her a chance to hurt you again . I promise " napatingin ako sa kanya ng walang emosyon . Pagkatapos ng ginawa niya noon , aarte siya ng ganito ? Ginagago ata ako nito eh .

.

" Stop acting as if you're really concern . I can take care of myself " tatayo na sana ako at maglalakad palabas ng hawakan niya ang braso ko . At damn ! Eto nanaman yung kuryente .

.

" I'm not acting Pia , i'm really concern damn it ! You can't take care of yourself . Masyado kang mahina . Ni hindi mo nga nagawang protektahan ang sarili mo . Hinayaan mo lang siyang saktan ka . Kaya hayaan mong ako ang magprotekta sayo " siguro nga masyado akong mahina . Dahil nag.padala ako sa kanya . Masyadong mahina para hayaan siyang saktan at lokohin ako .

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon