ABKB: awkward

2.2K 62 3
                                    

Hanggang makauwi ako sa bahay ay hindi pa din ako makaget-over kay Xander .

.

Sumosobra ang kakapalan ng mukha niya grabe .

.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at nagmumuni-muni ng biglang tumunog ang cellphone ko . Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag .

.

* Ethan calling *

.

Mabilis ko naman iyong sinagot . Miss ko na din kasi siya .

.

" Hello "

.

[" Hi babe . Kamusta ang training mo ? "]

.

" Okay naman . Marami naman akong natutunan . Sana nga ikaw na lang nagturo sakin "

.

[" That's good to hear . Mukhang magaling naman ang trainor mo "]

.

" Oh please , i don't want to talk about it . Kailan ka ba uuwi ? " iniba ko na ang usapan dahil baka mag-talo lang kami .

.

[" After two days , nandiyan na ako . Hindi ko na kayang mag-tagal pa dito dahil namimiss na kita "] hindi ko naman maiwasang kiligin sa sinabi niya .

.

" Okay . Don't forget my pasalubong"

.

[" Oo naman , nakabili na nga ako . Osige na babe i have to go . Bye i love you "]

.

" Okay bye ,mag-iingat ka palagi jan , love you too bye " pagkatapos ay ibinaba na niya kaagad . Siguro ay may trabaho pa ito .

.

* Tok tok tok *

.

" Come in " at iniluwa niyon si Mommy na may dalang juice at cake na nasa isang tray .

.

" Hi baby .. Dinalhan kita ng snack " napangiti naman ako .

.

" Ma hindi ka na dapat nag-abala pa , pero thank you " umupo siya sa gilid ng kama ko at ipinatong ang tray sa side table .

.

" Naisip ko kasi na baka napagod ka sa training kaya dinalhan kita ng makakain " hayy si Mommy talaga , ako na lang palagi ang iniisip .

.

" So kamusta ang training ? " yan nanaman ang topic . Hindi ba pwdwng kahit isang minuto makalimutan ko muna iyon ?

.

Napansin ata ni Mommy na nakakunot ang noo ko kaya nagsalita ulit ito .

.

" Base sa reaksyon ng mukha mo , hindi maganda ? " naku Mommy sinabi mo pa . Kung alam mo lang talaga ang kunsuming inabot ko sa lalaking iyon .

.

" Obviously yes ! Grabe Ma , napaka-yabang ng lalaking iyon . At ang kapal ng mukha niyang ibalik yung tungkol sa past namin . Nakakainis ! Pagkatapos niya kong saktan dati ! Nakakabwisit talaga Ma ! " hingal na hingal ako pagkatapos kong mag-salita . Pano ba naman kasi walang preno itong bibig ko .

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon