ABKB: Feeling Down

1.8K 45 0
                                    

PIA'S POV

" Please Pia , don't leave me . Mahal na mahal kita . Sorry kung naglihin ako , ginawa ko lang iyon dahil takot akong aminin sayo kung gano kita kamahal " ayan ang huling narinig ko mula kay Xander ng talikuran ko siya .

.

Hindi ko lubos maisip na magagawa niya akong lokohin at pinatagal niya pa ng limang taon . Yun ba yung pagmamahal na sinasabi niya ? Ang lokohin at magsinungaling sakin ?

.

Sobra-sobrang pagmamahal ang ibinigay ko sakanya , tinalikuran ko si Ethan at ang kompanya dahil mahal na mahal ko siya .

.

Tiniis ko lahat ng sakit at pangungulila sakanya nung umalis ako para makalimutan siya , pero hindi ko din kinaya dahil sa loob ng isang taon , na akala ko hindi ko na siya mahal ay nagkamali pala ako , dahil hindi pala ako tumigil na mahalin siya .

.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon , para akong pinapatakan ng milyon-milyong kandila sa buong katawan .

Bakit ba kailangang masaktan tayo kapag nagmamahal tayo ? Hindi ba pwdeng puro saya at pagmamahal na lang ? Napapagod na din akong masaktan eh . Lantang-lanta na yung puso ko .

Bakit kung kailang kami na saka pa nangyari to , bakit hindi niya kaagad sinabi sakin , pinagmukha niya kong tanga . Magiging masaya pa ko dahil mahal din pala niya ko .

Kahit sino naman siguro masasaktan at mararamdaman mong ginago ka diba ??

.

At nagsinungaling pa siya , sabi niya hindi niya kayang magsinungaling sakin pero ano yung ginawa niya ?

Sabi niya sakin mahal na mahal niya ko , sabi niya hindi niya kayang mawala ako pero bakit gumawa siya ng bagay na alam niyang ikakagalit ko ?

Lakad takbo na ang ginawa ko para makarating sa hotel room ko . Uuwi na ako , gusto ko ng makakaramay ngayon , gusto kong yakapin ng mahigpit ang magulang ko at sabihin sakanila kung gaano ako nasasaktan ngayon .

.

Kinuha ko ang maleta ko at ang mga damit ko . Balisang balisa na ako dahil sa nangyari , hindi ko na alam ang gagawin ko .

.

Mahal na mahal ko siya pero sobrang nasasaktan ako , mas nangingibabaw yung sakit kaysa pagmamahal .

.

Hanggang sa matapos akong mag-impake ay hindi padin tumitigil sa pagtulo ang luha ko . Ano ba naman tong luhang to .

.

Kinuha ko na ang iba ko pang gamit at lumabas na ako ng kwarto . Para akong tanga na tulala lang at iyak ng iyak .

.

Pinagtitinginan na din ako ng ibang makakasalubong ko , akala siguro nila baliw na ko .

.

Malapit na kong makasakay ng elevator ng biglang may humila sa braso ko .

.

" Sweetheart please pakinggan mo naman muna ako . Mahal na mahal kita , maniwala ka naman " nakita kong tumulo ang luha niya habang sinasabi iyon . Hindi ko alam kung maniniwala na ako .

.

" Kung totoo yang pagmamahal mo hindi mo gagawin yon . Kung totoo yun hindi ka magsisinungaling at maglilihim sakin "

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon