ABKB: Jealous

3.5K 79 1
                                    


Hindi parin ako umaalis sa tabi ni Pia hanggang ngayon , wala din kasing mag.babantay sakanya dahil nasa business trip ang mommy at daddy niya pati rin si Ethan . Parating pa lang sila ngayon .








Mamaya din namang hapon ay pwede na siyang lumabas sa ospital ..









" morning bestfriend . Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah ? " nagulat na lang ako ng mag.salita ito . Di ko napansin na gising na pala ito .









" morning . Ano gusto mong kainin ? Bibilan kita " tanong ko sakanya ..
Baka kasi gutom nanaman matakaw pa naman to .







" mamaya na lang busog pa ko . Atsaka baka lalo akong hindi makalabas dito nuh . Nga pala pupunta daw ba sila mommy ? " tanong nito at medyo malungkot ang mukha . Nang biglang bumukas ang pinto . At hangos na pumasok ang mommy ni Pia na umiiyak .








" Sophia anak ! I'm so sorry anak kung hindi agad kami nakauwi ng daddy mo ." sabi ni tita isabel habang umiiyak parin .








" ma wag ka na pong umiyak . Okay nanaman po ako . Kasi nandito naman po si Xander para samagan ako . " bigla ay ang pag-bakas ng tuwa sa mukha ni Sophia .









" ano ba ang nangyari sayo ? Ang takaw mo naman kasing bata ka ! Simula ngayon , konti na lang ang ipapaluto ko kay yaya . " pagkatapos nun ay nagkwentuhan na kaming tatlo . Hindi daw nakasama ang daddy ni Pia dahil may problema sa kompanya ng mga ito .








" tita sandali lang po at bibilhan ko muna kayo ng pag.kain " paalam ko sa mga ito .








" okay sige hijo maraming salamat " sabi ni tita habang nakangiti .







" balik ka kaagad bestfriend ah "








" oo naman po " at lumabas na ko ng kwarto para bumili ng makakain ..









Sophia's POV







Masaya kaming nagkukwentuhan ni mommy ng dumating si Ethan na may dalang maraming pag.kain at prutas . Dumating ito ilang minuto lang pagkalabas ni Xander .








" hayy grabe busog na busog na ko . Ang dami mo kasing dinalang pag.kain Ethan eh "








" okay yan para lumakas ka at para makalabas ka na dito "








" pero hindi ka na puwedeng kumain ng sobrang dami anak . Baka maospital ka nanaman . At thank you nga pala Ethan sa pag.bisita mo sa anak ko . "








" walang anuman po tita . Buti nga po at pinayagan ako ni tito na umalis sa meeting para bisitahin tong si pia . Hindi daw po kasi siya makakapunta " mahabang paliwanag nito . Sayang naman at hindi ako nadalaw ni daddy . Pero okay lang , nandito naman si mommy eh .









" siya nga pala anak . Kailangan ko ng umalis kailangan ako ng daddy mo sa kumpanya ngayon . I promise na kami ang susundo sayo mamaya dito sa ospital okay ? I love you bye " nag paalam na din ako kay mommy .








Tawa ako ng tawa sa kinukwento ni Ethan sakin .








" hahaha tama na nga ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa eh " ng biglang bumukas ang pinto at iluwa si xander na may dalang pag.kain .









" ui bestfriend ! Bakit ang tagal mo naman ? Nakakain na tuloy ako . Dinalhan kasi ako ni Ethan ng pagkain eh , tignan mo oh ang dami ." sabi ko sakanya . Bigla namang kumunot ang noo niya .








" ah ganoon ba ? Sayang naman , nag.hanap pa naman ako ng mapag.bibilan ng leche plan kasi alam ko paborito mo to ." bigla namang nag.ningning ang mata ko .








" wow ! Talaga bestfriend ! Akin na kakainin ko na ! " bigla naman itong napangiti , akala siguro hindi ko kakainin ang binili nito kasi busog na nga ako .








" ang sarap naman nito bestfriend ! Bilhan mo pa ko ng marami nito ha ? "








" oo naman isang dosena pa kung gusto mo . " nakangiting sabi nito ..








" Ethan gusto mo ? Masarap . Eto oh . " akmang isusubo ko ito sakanya nang agawin niya sakin ang lalagyan .









" tama na . Masyadong matamis to . At marami ka na ding nakain . Baka hindi ka nanaman matunawan niyan ." parang medyo galit pa ito , kasi nakakunot ang noo . Napasimangot na din ako . Ni hindi ko pa nga nakakalahati !









" Ethan naman eh ! Wala pa nga sa kalahati yung nakakain ko ! Akin na nga yan ! " pilit kong inaagaw sakanya pero inilalayo naman niya sakin .









" Xander ! Gusto ko pa non :( ." nakita ko naman sa mukha ni Xander ang pag.kainis .








" bibilhan na lang kita bukas ng marami . Tama si Ethan baka hindi ka matunawan . " lalo lang akong napasimangot . Akala ko pa naman kakampihan niya ko . Nakita ko namang umupo si Xander sa sofa at nanuod lang ng t.v .








" ipag.hihiwa na lang kita ng apple . Mas okay kung prutas ang kakainin mo . " sabi ni Ethan .








" okay " sabi ko na lang . Bigla nawala ang kunot ng noo ko dahil inaalagaan ako ni Ethan .








Nag.simula nanamang mag.kwento ng nakakatawa si Ethan .







" alis muna ko Pia . Pupunta lang ako kay Scarlet . Babalik ako mamaya . " hmmp ! Scarlet nanaman . Lagi na lang .








" okay sige " pinilit ko na lang ngumiti . At binaling ko ulit kay Ethan ang atensyon ko .











Xander's POV





Bwisit ! Hindi ko alam pero nababadtrip ako ! Bakit ba may dumating pang asungot eh . Kinuha pa yung pag.kain na favorite ni Pia , hindi pa nga nababawasan .







Gusto niya ata yung galing lang sakanya yung kakainin eh . Nasayang lang tuloy yung pag.kain na binili ko . Hindi man lang nakain .









Si Sophia naman , hindi man lang ako kinakausap ! Puro na lang siya Ethan . Nakakainis . Feel na feel niya masyado yung gung gong na yun . Ako nag.bantay sakanya simula nung naospital siya tapos ngayong dumating yung Ethan na yun , balewala na ko ? Aba hindi naman tama yun !!








Nag.seselos ka lang eh , sabi ng isang bahagi ng isip ko .








Ako ? Mag.seselos ? Bakit ako mag seselos ? Tss . Ewan .







Nag.seselos nga ba ako ? ...










( sabaw yung UD . Pasensya po .. Wala sa hulog yung utak ko .. )

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon