ABKB: i love her

3.3K 121 8
                                    

Nakarating ako sa bahay ni Scarlet na gulong gulo ang isip . Nag.papasundo siya dahil gusto niya daw makita si Pia at ihatid pauwi .








Pumarada ako sa harap ng gate nila at bumaba na sa sasakyan . Pagka door bell ko ay may nagbukas kaagad ng gate .








" good morning po manang . Asan po si Scarlet ? " magalang kong bati sa katulong .








" ay good morning din po sir , nasa taas po si mam Scarlet . Pasok po kayo . " inantay ko na lang si Scar sa sala . Sabi kasi ni manang ay nag.bibihis pa daw ito .









" hi hon . Tara na ? " nakita ko si Scar na pababa ng hagdan .








" let's go ." aya ko naman dito .









Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami . Parang ang bigat sa pakiramdam na ewan .








Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko si Pia . Grabe yung pag-aalala ko sakanya . Nataranta talaga ako nung nakita ko siyang nasasaktan







" i know you like her . O mas tamang sabihin na mahal mo siya . " napalingon ako kay Scar na bigla na lang nag.salita . Napakunot noo ako . Hindi ko siya maintindihan .








" Sophia " ano namang meron kay Pia ?








" please get straight to the point . " naiinis na ko kasi hindi ko talaga siya maintindihan .








" alam ko mahal mo si Sophia , Xander . Nararamdaman ko ." bigla akong napa.preno .








" ano nanaman to Scarlet ? Nag-usap na tayo hindi ba ? "








" ramdam ko Xander ! Ramdam na ramdam ko ! Kahapon nung naospital siya , parang namatayan yang itsura mo . Kung makapag.alala ka sakanya , ang OA na . Kahapon , dinahilan ko lang na susunduin ko sila tita pero hindi , umalis ako kasi nag.seselos ako Xander . Sa atensyon na binibigay mo kay Pia . Na kahit kailan hindi mo binigay sa akin . Ni hindi ko nga alam na lalabas kayo ni Pia . Kaya kahit masakit sakin sumama ako . Kahit pinapatay ako ng selos ! " natigilan ako . Hindi ako makapag.salita . Dahil parang lahat ng sinabi niya ay tumagos sa akin . Naaawa ako sakanya dahil yun na pala yung nararamdaman niya pero hindi ko man lang napansin . Ang tanga ko , ang manhid ko .








Wala akong ibang nagawa kundi yakapin siya .








" im so sorry Scar . I'm so sorry . Please wag ka nang umiyak . " pag.papatahan ko sakanya .








" mahal na mahal kita Xander . " sabi niya sa pagitan ng pag.iyak . Hindi ko alam kung anong isasagot ko . Bigla ay naisip ko ang mukha ni Pia .








" mahal din kita . " alam ko sa sarili ko na mahal ko si Scarlet . Pero yung kay Pia hindi ko alam .








*




Pagdating namin sa kwarto ni Pia ay nag.aayos na siya ng gamit . Nandoon pa din si Ethan . Bigla nanaman akong nainis at napakunot ang noo . Bigla naman kumapit sa akin si Scarlet .








" hi Pia . Kamusta ka na ? " bati ni Scar . Bigla naman napalingon ang dalawa .








" hi Scar , ahm okay naman na ako . " ngumiti ito pero parang kakaiba ang ngiti niya , parang hindi talaga siya masaya .









" naku mabuti naman . Sa susunod ingatan mo na ang sarili ha ? "







" oo naman . Maraming salamat ."








" okay babe maayos na lahat ng gamit mo . Tara na , para makapag.pahinga ka . " bigla namanng singit ni asungot ! Epal talaga to kahit kailan .








At nilagpasan pa nila kami ! Naikuyom ko na lang ang palad ko sa inis .








" mahal mo nga siya . " sabi ni Scar napatingin na lang ako dito . At nauna na itong mag.lakad .
Naiinis na sinapa ko ang pinto .
Ano bang nangyayari sakin ?
Naiinis ako kasi tama ang sinabi ni Scarlet .




Mahal ko nga si Sophia ......







( sa mga silent readers diyan . Ano na po ? Vote and comment naman po kayu :(( .. Para alam ko kung panget o maganda ba ang story ko . Thank you )

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon