ABKB. fight for her

3K 81 5
                                    

Sophia's POV 



Hay naku . Mabuti na lang at nakalabas na ako ng ospital . Mamamatay ata ako sa sobrang boring doon . 

Sa paglalakad ko sa hallway ay nakita ko si Xander na nakangiti at papalapit sa akin . Bigla akong nataranta at nag.iba ng daan .


" hui Pia wait lang . " dinig kong sigaw nito . Nagulat ako ng bigla niya kong hawakan sa braso .


" bakit ka ba biglang lumiko nung nakita mo ako ? Hindi mo ba ko namiss ? " kunwari ay nagtatampo nitong sabi .





" ay kasi may nakalimutan ako sa room . Babalik sana ako para kunin . Sige bye . " pagka sabi ko ay tumalikod kaagad ako .


" sama na ko sayo bestfriend " bigla pa itong umakbay . Tinanggal ko naman ang kamay nito . Baka kasi makita kami ni Ethan .


" naku wag na . Baka hinahanap ka na din ng girlfriend mo . Sige ah . " tumalikod na ulit ako . 


" teka nga Sophia . Iniiwasan mo ba ako ? " hinawakan nito ulit ang braso ko . Bigla naman akong napahinto , at hinarap ito . Naiinis ako sa inaasta niya . Kaya binigay ko ang sagot na gusto niya .



" gusto mo malaman yung totoo ? Oo Xander iniiwasan kita dahil ayokong masira yung relasyon namin ni Ethan ng dahil sayo . At ayoko ding lalo pang lumalim tong nararamdaman ko . Kaya pwde ba ? Bitiwan mo na ako ? " nakita ko ang pagkabigla sa mukha nito . At nakita ko din na nasaktan ito sa sinabi ko . Binitiwan na din nito ang kamay ko kaya nag.mamadali akong umalis . 




Bigla ang pag.tulo ng luha sa mga mata ko . Nasasaktan ako dahil nakita ko siyang nasaktan sa mga sinabi ko . Hindi ko gustong gawin yun pero yun ang nararapat para hindi na din ako patuloy na masaktan .




Bigla ay naalala ko ang napag.usapan namin ni Ethan sa ospital .



* flashback * 


Nag.aayos kami ng gamit ko dahil lalabas na ako ngayon sa ospital .




hi Pia . Kamusta ka na ? " bigla kaming napalingon  ni Ethan sa nagsalita . Hindi kasi namin namalayan na may tao pala . 



May biglang kumirot sa puso ko ng makita sila . Nakakapit pa si Scar sa braso ni Xander . 



" hi Scar , ahm okay naman na ako." ngumiti ako pero sa totoo lang hindi ako okay . Nasasaktan ako na makita sila . 



" naku mabuti naman . Sa susunod ingatan mo na ang sarili mo ha ? " 



" oo naman . Maraming salamat ."



" okay babe , maayos na lahat ng gamit mo . Tara na , para makapag.pahinga ka , " lihim kong pinasalamatan si Ethan , dahil nag.salita din siya sa wakas . Medyo ang bigat kasi sa pakiramdam na makausap si Scar . 


Pag.kaayos ng gamit ay lumabas na kami ng kwarto at nilagpasan ang dalawa . Nakita ko pang madilim ang mukha ni Xander , pero hindi ko na lang ito pinansin .

Pagkasakay namin ni Ethan sa kotse nito ay nagsalita ito . 



" you're jealous " bigla akong kinabahan . Alam ko ang tinutukoy nito pero nagpatay malisya ako .

" huh ? " hindi ko alam kung anong isasagot ko . 

" Nagseselos ka kay Scarlet ." bigla ay ang pagdatal ng kaba sa aking dibdib . Paano niya nalaman ? 

" Nakikita ko sa mga mata mo . Nagseselos ka Pia . At alam ko mahal mo Xander . " sabi nito na parang nahulaan ang nasa isip ko .Hindi pa rin ako makapagsalita , para kong napipi , dahil alam ko sa aking sarili na totoo ang sinasabi nito .

" noong una pa lang , nung pinakilala ka sakin bilang fiancé ko , iba na ang pag.tingin mo sakanya . Lalo kong napatunayan yun nung nasa batangas tayo . Alam kong si Xander ang dahilan kung bakit ka umiiyak at tumakbo na lang basta . Pero Pia , hindi ka magagawang mahalin ni Xander dahil may Scarlet na siya . Ako . Ako ang mag.bibigay sayo ng pagmamahal na gusto mo . Hindi man ngayon pero malay mo balang araw hindi ba ? Pupunan ko lahat ng pagkukulang ni xander sayo . Hayaan mo lang ako . " seryosong sabi niya . Napaiyak na lang ako bigla . Bakit ba hindi ko magawang mahalin ang lalaking ito ? Mahal ko siya pero bilang kaibigan lang . Bigla akong napahagulgol .

" wag ka nang umiyak Pia . Kasi nasasaktan ako kapag nakikita kitang nagkakaganyan dahil lang sakanya . Mag.hihintay ako hanggang sa dumating yung panahon na wala na siya diyan sa puso mo . " yakap yakap niya ako habang sinasabi yan . 



" Ang tanga tanga ko Ethan .Bakit ba hindi na lang ikaw ? Sana ikaw na lang yung mahal ko para hindi ako nasasaktan ng ganito . Pipilitin kong kalimutan siya . Gusto kita Ethan yun ang totoo . Maaantay mo ba ako ? " sa wakas at nakapag salita din ako . Naninikip ang dibdib ko sa sakit , dahil sinasaktan ko yung taong mahal ako . Gusto ko siya pero nagawa ko siyang saktan . 





Habang minamahal ko si Xander lalo lang akong nasasaktan , at lalo ko lang masasaktan si Ethan kapag ipinagpatuloy ko pa iyon . 



oo Sophia . Aantayin kita . Dahil mahal na mahal kita . " kahit papaano ay gumaan ang loob ko . Dahil alam ko , ramdam ko na may nag mamahal sakin . Kaya niya kong antayin , mahalin ko lang siya .

At simula ngayon tuluyan ko na talagang iiwasan si Xander .... 


* end of flashback *

Xander's POV

Parang bombang sumabog iyon sa pandinig ko . Hindi ako makapaniwala . Ang sakit . Ang sakit sakit ng sinabi niya . 



Iiwasan niya ko dahil baka makasira ako sa relasyon nila ? Fuck ! Bakit ? Ang gulo . Bakit biglang ganun ? Okay na kami . Tapos bigla bigla sasabihin niya sakin yun ? 



At ano yung sinabi niyang ayaw niya daw lumalim ang nararamdaman niya kaya iiwasan niya ko ? Ibig bang sabihin nun gusto niya din ako ? Ahhh ! Naguguluhan na talaga ako . Hindi ako susuko .

Ipag.lalaban ko si Pia . Kukunin ko siya kay Ethan . Ako ang dapat na mahal ni Pia hindi si Ethan . 

Hindi ko hahayaang mawala si Sophia sa akin ..

Hinding hindi !! ...

 ( this is the missing chapter )

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon