ABKB: pakipot pa

2K 60 0
                                    




Pia's POV

.

" Don't deny it . I hear it " sa sinabi niyang iyon ay parang nawalan ng kulay ang mukha ko . Bigla akong namutla at hindi nakapag-salita .

.

Narinig niya lahat iyon ? Ano ang sasabihin ko nito ngayon ? Ano pang palusot ang gagawin ko
Patay na . Bakit kasi dito pa kami nag-usap eh .

.

" Ano ba yang sinasabi mong hindi kasal ? Ka-kasal kami ni Ethan . Ito nga yung singsing oh " nanginginig pa ang kamay ko ng ipakita sa kanya ang singsing sa kamay ko .

.

" Talaga ? Wag na tayong maglokohan Pia . Narinig ko na ang lahat . Hindi naman siguro tama na mag-asawa kayo tapos may hahanapin siyang babae di ba ? " titig na titig siya sakin at seryoso ang mukha . Shit ! Ano na ang gagawin ko ?

.

" Ahh yu-yung narinig mo , tu-tungkol yu-yun sa kaibigan niya . Pi-pinapahanap yung babae sa ka-kanya . O-oo yu-yun nga yun " nauutal utal pa ko sa pag sabi niyon . At shit lang talaga ! Napaka.lame ng excuse ko .

.

Parang g*go lang yung sinabi ko . Basta may masabi lang . Nakakainis lang shit talaga ! Grrr .

.

" Ohh yun ba yun ? " sabi niya na parang kunwari ay naniniwala siya sa sinabi ko .

.

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at unti-unting lumapit sa kinauupuan ko .

.

At ang mga daliri ay nasa ibaba ng kanyang baba , parang may iniisip siyang kalokohan .

.

Wala na talaga akong kawala . Hindi ko na maitatanggi iyon . Narinig na niyang lahat .

.

Habang palapit siya ng palapit ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko . Sobra na kong kinakabahan .

.

" O-oo yun nga yun " utal ko pang sabi .

.

Napatayo ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko .

.

Parehas na kaming nakatayo at nagtititigan lamang sa isa't-isa . Palapit siya ng palapit habang ako naman ay umaatras .

.

Naglalaro ang pilyong ngiti sa kanyang labi . God Xan ! Bakit ka ganyan ?

.

" Hmm pano kaya kapag nalaman ko yung totoo ? " napahinto ako ng maramdaman kong lunapat ang likod ko sa dingding . Wala na kong maaatrasan !

.

Ang mukha niya ay isang dangkal na lang ang layo sa akin .

.

Hindi ko maiwasan na mapatingin sa labi niya . Gusto kong matikman muli ang labing iyon . Yung malambot at matamis niyang labi .

.

Titig na titig siya sakin . At ang titig na iyon ay parang dinadala ako sa ibang dimensyon . Nakakadala at nakakalunod .

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon