ABKB: miss him .

3.7K 106 0
                                    


2weeks na kong hatid sundo ni ethan , maganda naman ang relasyon naming dalawa , masaya kami . Lagi siyang gumagawa ng effort para matuwa ako . Sa 2 weeks na yun eh lalo ko siyang nagugustuhan , sobrang bait niya kasi sakin .




Ngunit sa kabila ng kasiyahan ko kay ethan , feeling ko may kulang . 2 weeks na kaming hindi nag.kakasama ni xander .. Nakikita ko na madalas niyang kasama si Scarlet , maski si Scarlet ay hindi ko rin masyadong nakakausap . Nakalimutan na ata ako ng bestfrirnd ko :( . Missed na missed ko na si Xander ..




Nasa school ako ngayon at nag.lalakad sa hallway .





" baklaaaaa ! " pagtingin ko ay si Scar pala akala ko si Xander na .





" ui Scar kamusta ka na ? Namiss kita ah ! "





" ok naman ako . Ikaw kamusta ? Ikaw ha ! Hindi mo na kami masyado pinapansin ni xander simula ng dumating yang si Ethan "






" naku oo nga eh pasensya na kayo ah . Mejo busy lang din kami kasi , nag.aayos na din kami para sa kasal "





" ok lang naman . Ay bakla alam mo ba nanliligaw sakin si Xander " what ?





" what ? Are you serious ? " gulat na tanong ko . Parang hindi ko mapaniwalaan .






" oo bakla ano kaba matagal na 1 week na din nuh ! Grabe kinikilig ako , may balak na nga akong sagutin siya ngayon eh "


Habang nag.kkwento siya ay tulala lang ako . Iniisip ko kung pano nangyaring naging lalaki na si Xander , parang napaka imposible kasi ..






" hui ! Ano't natulala ka na jan , kanina pa ko salita ng salita dito "






" ah sorry may iniisip lang ako " kelangan kong puntahan si Xander mamaya . Kakausapin ko siya . Baka kasi paranoid lang si Scar .






*

Uwian na pero hindi ako sumabay kay Ethan sinabi ko na may project kaming gagawin . Pumayag naman siya .


Andito na ko sa tapat ng bahay nila Xander . Pinag.buksan naman ako ng katulong .






" ate anjan po ba si Xander ? " tanong ko sa katulong na nag.bukas ng gate .





" opo ma'am , nasa kwarto niya po " at umakyat na ko , kilala naman ako ng mga katulong dito kaya ok lang na dire-diretso ko .






* tok tok tok *


" pasok " sabi ni xander na nasa loob .





" bakit ka andito ? " tanong niya sakin .





" dinadalaw ka , ayaw mo ba ? Bakla miss na kita " lumapit ako sakanya para yakapin siya . Nagulat ako ng itulak niya ko .





" ano bang kailangan mo ? " iritang tanong niya sakin . Bakit siya ganto ? Parang galit siya sakin . Hindi ko maintindihan .





" totoo ba yung sinabi ni Scarlet ? Na nililigawan mo siya ? "





" oo bakit ? " ouch !





" bakit ? Di ba bakla ka ? Ayaw mo sa babae di ba ? "





" bakit ba ? Ano bang pakialam mo kung liligawan ko si Scarlet ? Bakit hindi ba pwdeng mag.bago ang isang bakla ? Nag.bago ko para kay Scar kasi narealize ko na siya yung babaeng makakapagpasaya sakin . Ngayong alam mo na ok na ? "






" bakit ka ganyan ? Parang ang laki ng galit mo sakin ? Ano bang nangyayari sayo ? " inis ko nang tanong sakanya . At masakit yung mga narinig ko .






" bakit hindi mo itanong sa sarili mo yan ? Simula ng dumating sa buhay mo yang si ethan , wala na ko ! dedma na ko sayo ! Papromise promise ka pa na walang iwanan . Tapos ngayon itatanong mo kung bakit ako ganito ? Ang labo mo naman Pia ! "






" alam mo hindi kita maintindihan eh , akala ko ba ok na sayo ? Nag.usap na tayo ! Ikaw ang malabo jan . All this time na hindi mo ko pinapansin eh dahil pala kay ethan "






" Sophia hindi mo ba nakikita ? O sadyang manhid ka lang ? Nag.seselis ako Pia ! Nag.seselos ako ! Ayokong nakikitang mag.kasama kayo ni ethan , kaya iniiwasan kita , ayoko na siya na yung nag.papasaya sayo at hindi ako ! Ngayon naiintindihan mo na ba ?!" lahat ng sinabi niya hindi mag.sink in sa utak ko .






" nag.seselos ka ? Eh mukha ngang masaya ka kay Scarlet eh , ngayon nga liligawan mo pa siya ! Bullshit naman xander akala ko ba bestfriend tayo ? Bakit hindi ka na lang maging masaya para sakin ? "






" sorry Pia pero hindi ko kayang maging masaya para sayo . Makakaalis kana " sa sinabi niyang yun , tumulo na ang luha ko . Ang sakit sakit na ganunin ka ng bestfriend mo , kasalanin ko din kasi nakalimutan ko siya nung naging masaya ko .






Dali dali akong lumabas ng bahay nila para hindi mapansin ng mga katulong . Sobrang bigat ng dibdib ko , feeling ko may malaki nang pader sa pagitan namin ni xander .






Eto na yung pinaka malalang away namin na nag palitan kami ng masasakit na salita . Siguro hahayaan ko na muna siya .






1 linggo ang matuling lumipas at si Xander at si Scarlet ay mag.kasintahan na . Nakikita ko naman na masaya si Xander kay Scar kaya hinayaan ko na lang din sila .





Papunta ako ngayon sa canteen at kasama ko si Ethan ng biglang may tumawag samin .





" Pia , Ethan " si Scar pala , at kasama niya si Xander .






" hi Scar " bati ni ethan ..






" kakain na din ba kayo ? Sabay sabay na tayo " aya ni Scar , naku patay . Napatingin ako kay Xander , nagulat pa ko ng nakatingin din pala siya sakin .






Habang kumakain ay tahimik lang ako , si Scarlet at Ethan lang ang maingay .






" here babe oh ! Say ahh ! " sabi ni Scarlet , na sinubuan ng pasta si Xander , ngumanga naman ang lalaki . Edi sila na yung sweet .





" Pia oh ! " nagulat ako ng sinubuan din ako ni Ethan . Pagtingin ko kay Xander eh mataman siyang nakatingin samin .





" wow ang sweet niyo naman ! " sabi pa ni scar .





" kayo rin naman eh ^_^ " si ethan .





" ay guys ! Pwde ba kayo this weekend ? Punta tayo sa resthouse namin sa batangas , maganda dun , harap niya beach agad "





" talaga ? That would br nice . Double date , ok lang ba sayo Pia ? "





" ahhh hehehe sige " nag.aalangan kong sabi .




" wow ! Ok to . Si xander eh pumayag din . So friday ng gabi tayo aalis tapos sunday ng hapon tayo uuwi . Ako ng bahala sa lahat . Ok ba sayo yun babe ? " tanong ni Scar kay Xander tumango naman ang lalaki .






Naku mukgang magiging kalbaryo to sakin ! AWKWARD !

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon