ABKB: Nakalimot ?

2.2K 47 2
                                    


3rd Persons POV


Kitang-kita ko kung paano sumalpok ang kotse sa malaking truck at halos mayupi na ang harapan ng kotse .

Hindi ko din mawari kung buhay pa ba ang sakay ng kotseng iyon . Huminto ako para tulungan ang nasa loob ng kotse pero pag silip ko ay wala na itong malay at duguan ang ulo .


Kawawa naman si kuya , ang gwapo pa naman niya . Ay ano ba tong nasa isip ko ? Inuna ko pa landi kesa tulungan to .


Pumunta ko sa kabilang side ng kotse para maghalungkat sa gamit nito at sa awa ng Diyos ay may nakita akong cellphone .


Agad akong tumawag sa pinakamalapit na Ospital para madala na agad ang lalaki dahil baka maubusan pa ito ng dugo . Sunod kong tinawagan ay ang kamag-anak nito o sinoman .


" Sophia Mahal " ayan ang nakita ko sa call history kaya yun agad ang tinawagan ko .


Ilang ring pa lang ay sinagot na agad ang tawag .


" Hello Xan nasan ka na ba--- " agad kong pinutol ang sasabihin nito para ipaalam ang nangyari .


" Hello Miss , naaksidente po ang may-ari ng cellphone na to . Itetext ko na lang po sainyo kung saang Ospital siya dadalhin " at agad ko ng pinutol ang tawag dahil dumating na ang ambulansya .


Sumama muna ko papunta sa Ospital habang wala pa ang marahil ay girlfriend nito .


Bigla akong napatingin sa daliri nito ng bahagyang may kuminang doon . Kinuha ko ang sing sing na bahagyang nakasuot sa daliri nito . Engagement ring .


Pia's POV



Ilang oras na kong paikot-ikot at hindi mapakali . Mahigit isang oras na oong naghihintay kay Xander pero hanggang ngayon ay wala pa din siya .



Kanina pa ko kinakabahan dahil baka may nangyari nang masama dito .


* kring kring *


Nagulat pa ko ng biglang tumunog ang cellphone ko . Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay dali-dali ko iyong sinagot .


" Hello Xan nasan ka na ba -----" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay may nagsalita na . Napakunot pa ang noo ko dahil boses ng babae ang nahimigan ko .


" Hello Miss , naaksidente po ang may-ari ng cellphone na to . Itetext ko na lang po sainyo kung saang Ospital siya dadalhin " nang dahil sa narinig ko ay bigla na lang akong napaupo sa sahig at walang tigil sa pagpatak ang luha ko .



Bigla ay parang gumuho ang mundo ko , para kong pinagsakluban . Oh God ! Bakit si Xander pa ? Bakit yung mahal ko pa ? Magkakaayos pa lang kami tapos ito naman ang nangyari ?



Mahal ko i'm sorry . Ako ang may kasalanan nito , kung nakinig ako sayo hindi sana mangyayari to .


Kailangan ko na siyang puntahan . Kailangan niya ko ngayon .


Hindi ko lubos maisip na mangyayari kay Xander to . Lord , wag niyo naman po siyang kunin sakin .


* At the Hospital *


Dumiretso agad ako sa information desk para tanungin kung saan ang Emergency Room .


" San ang E.R miss ? "


Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon