Pagkabukas ko ng pinto ng room ni Daddy ay siya agad ang bumungad sakin .
.
" Sophia "
.
Pagkakita ko pa lang sakanya ay nag-dilim ang paningin ko . Gusto ko siyang sampalin at palayasin dito .
.
Ang kapal ng mukha niyang mag-pakita , pagkatapos ng ginawa niya sakin dati . Ganon na ba kakapal ang mukha niya ?
.
Lahat ng sakit na akala ko nakalimutan ko na ay bumalik lahat ng makita ko siya .
.
Bakit kailangan pagtagpuin kami kaagad ? Bakit ang aga ? Hindi ko man lang naihanda ang sarili ko .
.
Galit na galit nanaman ang puso ko . Gusto ko siyang sugurin pero pinigilan ko lang ang sarili ko . Dapat ipakita ko sakanya na hindi ako naaapektuhan . Na hindi ko na siya mahal .
.
Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sakin at dumiretso ako sa pwesto ni Daddy .
.
" Morning Dad . May dala akong breakfast " humalik ako sa pisngi niya at hinanda na ang kakainin namin .
.
" Hindi mo man lang ba babatiin si Xander ? " may pagtataka sa mukha ni Dad .
.
" Syempre ikaw muna ang uunahin ko bago siya . Hi Xan " at bumaling ako kay Xander at sarkastiko siyang binati .
.
" A-ahm kamusta ka na ? " nauutal pang sabi nito .
.
" Ok naman ako . Hindi tulad ng dati na miserable ako pag-alis ko dito " nginisihan ko siya . Bakas naman ang guilt sa mukha niya . At bakit siya umaarte ng ganyan ? Na parang hindi niya sinasadya yung ginawa niya ?
.
" I-i'm sorr---
.
" Bakit ka nga pala nandito ? " putol ko sa kung ano man ang sasabihin niya . Alam kong nag-tataka na si Daddy . Ayokong maungkat pa ang nakaraan na .
.
" Dinalaw ko lang si Tito Andrew . Paalis na din ako " mabuti naman kung ganon .
.
" Then go ! "
.
" Anak ! Treat your bestfriend nicely " shit . Ano ba kasing bibig to . At BESTFRIEND ? Matagal ko na siyang kinalimutan bilang bestfriend .
.
" Ahm kasi mukhang may pasok pa siya kasi naka business suit siya , kaya ayun . Baka malate siya . Di ba Xander ? "
.
" Oh yeah . I'd better go . Malalate na nga ako sa trabaho . Bye Tito . Bye Pia " hayy salamat at nag-paalam na din . Nakakairita eh .
.
" Anak bakit mo naman pinaalis si Xander ? Bakit ganon ang trato mo sakanya ? Di ba mag-kaibigan kayo ? " hala nagtanong na si Dad . Bwisit kasi bakit pumunta pa dito eh .
![](https://img.wattpad.com/cover/11861172-288-k709097.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)
Roman d'amourSa tingin niyo ? Magawa ko pa kayang maging straight na lalaki ang Bestfriend ko ?? Let's see ^_^ ..