ABKB: with HIM !

4.2K 104 3
                                    


Sinundo ako ni xander sa bahay at sabay na kaming pumasok .





" bru sabay tayo uwi mamaya ah , hintayin kita dito sa parking lot "





" ok ^_^ .. Bye bru "



Pag.pasok ko sa room ay si scarlet agad ang bumungad sakin ..



" baklaaaaa ! May nabalitaan ako ! At kinikilig ako ! Congrats bakla ! " shit ! Ibig sabihin alam na nila agad ?





" huh ? Anong sinasabi mo jan ? " kunwari hindi ko alam .




" hoy ! Wag ka nang mag.kunwari jan , buong university alam na ang tungkol jan . At si ethan mismo ang nag broadcast . Grabe bakla nakakakilig " makakatanggi pa ba ko ? Bwisit yun ah .





" hayy ! Oo totoo yun saka ko na ikwento kung pano nangyari " inunahan ko na siya dahil alam ko mangungulit siya eh .





" so pano ba yan ? Sakin na lang talaga si papa xander ah , wag kang mag.alala gagawin kong lalaki yun , saka aalagaan ko siya ng mabuti "





" hindi papatol yun sayo nuh babae din yun , at hinding hindi na mag.babago yun , kaya wag ka na mag.ilusyon jan " ok ako na hard , kasi naman di ko tanggap eh .







" grabe ka naman girl , hindi ba pwde na maging lalaki talaga siya para sakin , o kaya halayin ko na lang siya nuh ? Hihihi " nangangarap pa na sabi niya .







" bahala ka , goodluck na lang kung maging straight yun . Upo na nga tayo baka dumating pa prof natin "







Pagkatapos ng dalawang subject ay pumunta na kami sa canteen , andun na din kasi si xander at naghihintay , nag.order na din siya ng kakainin namin .







" hi xander ! Alam mo na siguro na sophia is getting married di ba ? Pakasal na din tayo . "







" sige pag.iisipan ko " what ? Adik na ata to si xander .







" nga pala pia , pupunta dito si ethan mo , makikisabay kumain "






" talaga ? Naku kailangan kong mag.paganda . " nag.lagay ako ng pulbo at konting lipgloss para naman maganda ako pagdating niya di ba .






" hi ladies . Hello pia " with matching kindat pa . Kinikilig ako !






" hi ethan upo ka , anong gusto mong kainin ? "



Habang kumakain kami ay may kasama ding kwentuhan at kulitan , napapansin ko na mejo close si scarlet at xander sweet sila sa isat-isa naiisip ko na baka nag.katotoo na naging lalaki nga si xander .

*



Sa wakas at natapos din ang klase , sabay na kami ni scarlet na pumunta sa parking lot . Nagulat pa ako na si ethan ay andun din .






" ahm ethan ? Bakit ka andito ? Ang alam ko kanina pa dapat ang uwi mo ? "






" gusto ko kasi ihatid yung future wife ko , para alam kong safe ka "






" so kung ako ang mag.hahatid sakanya hindi soya safe ganun ? " sagot ni xander kay ethan na nakasimangot pa .






" ang sweet mo naman ethan ! Sige na pia sumama ka na sakanya " sabi ni scarlet .






" scarlet tara na ihahatid na kita . Hop in " napatingin ako bigla kay xander , di man lang tumutol . Akala ko ba sabay kaming uuwi ?






" ok ! Bye pia . Enjoy " sabi ni scar at sumakay na sa kotse ni xander . Sumakay na din si xander at hindi man lang lumingon sakin , at di man lang nag.paalam .






" tara na ethan  " aya ko sakanya . Binuksan niya ang pintuan ng kotse . Napaka gentleman lang po , at kinikilig nanaman po ako .






" thanks *^_^* " opo malandi ako kasi may blush pang kasama eh , kasi naman ang gwapo niya talaga at ang hot niya my god ! Ito ba talaga ang future husband ko ?






" sophia ? "




" bakit ? " tanong ko sakanya , nagulat ng unti-unti siyang lumapit sakin , titig na titig kami sa isat-isa , ang lakas ng kabog ng dibdib ko , palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko ! Shocks ! Hahalikan niya ba ko ? Anong gagawin ko ?
Pumikit ka , sabi ng isang bahagi ng isip ko , at bigla ay napapikit ako . Ramdam ko na sobrang lapit na ng mukha niya tapos ...






" you are so cute pia ! Ikakabit ko lang ang seatbelt mo " what ? Bigla akong napadilat . Pagdilat ko titig na titig parin siya sakin tas nakangiti . Bigla akong nahiya !

God pia ! Nakakahiya ka talaga . May papikit pikit ka pang nalalaman . Ang landi mo . Kainis ka talaga .






" so let's go " sabi niya , tumango na lang ako .



Buong biyahe ay wala kaming imikan . Nahihiya pa rin talaga ko .






" andito na tayo " bumaba siya tas pumunta sa side ko at pinag.buksan ako ng pinto .






" tara pasok ka muna sa loob " aya ko , kahiya naman kung hindi ko ayain di ba ?






" oh no thanks , nag.mamadali din kasi ako , may importante pa kong pupuntahan " sayang naman .






" ah ganun ba . Sige ingat ka "





" simula ngayon ako na ang mag.hahatid at mag.susundo sayo . Good night future wife " wow ! Grabe lang ah ..






" ahm ok . Good night din . Ingat ka bye "






" bye pia " tapos ...




Hinalikan niya ko . Sa cheeks lang naman .. So far naging masaya ang aking araw ..

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon