ABKB: it's a prank

2.3K 130 1
                                    

" Who are you ? " ang linyang ni sa hinagap ay hindi ko akalaing maririnig ko mula sa kanya .

Bigla akong natigilan at napatitig lang sa kanya dahil baka kasi nagbibiro lang siya pero nagkamali ako .

" Hey ? I'm asking you ? Who are you ? " dahil sa sinabi niya ay nanghihinang napaupo na lang ako sa upuan sa gilid ng kama niya . So hindi niya talaga ko naaalala ?

Pinipigilan ko lang yung luhang gustong kumawala sa mata ko dahil anytime ay babagsak na iyon .

Naninikip yung dibdib na parang hindi ako makahinga . Kasalanan ko talaga to eh . Kung pinakinggan ko lang talaga siya ay hindi mangyayari to . Edi sana naaalala niya ko ngayon .

Pinunasan ko ang luhang naglandas sa pisngi ko . Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya . Nakita ko namang kumunot ang noo nito at tila gustong magtanong .

" Talagang bang hindi mo ko naaalala ? " baka sakaling maalala niya pero umiling ito biling sagot .

" Xander girlfriend mo ko . Ako si Sophia " hindi ako mawawalan ng pag-asa .

" Sorry pero hindi kita kilala " at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya .

" Xander wag ka namang magbiro ng ganyan . Magpapakasal pa tayo kaya please alalahanin mo na ko . Pilitin mong alalahanin " di ko nanaman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko .

" Just call the Doktor please " tumayo na ko para tawagin ang Doktor pero bago ko tuluyang makalabas ay may napansin ako sakanya .

I think i saw him smirked .

" So Mr. Villacorta . Kamusta na ang pakiramdam mo ? " tanong dito ng Doktor nito . Jusko po kinakabahan naman ako .

" Medyo masakit po ang ulo ko at makirot ang hita ko . Yun lang naman po " magsasalita na sana ang Doktor kaso inunahan ko na ito .

" Doc bakit po hindi niya ko maalala ? " napakunot ang noo ng Doktor dahil sa sinabi ko .

" Hindi naman nagkaroon ng malaking damage ang ulo ng pasyente kaya walang dahilan para magkaroon siya ng amnesia .  But i'll run some test ulit para masiguro iyon . Sa ngayon ay magpahinga ka na muna " pagkasabi niyon ay chineck pa siya ng Doktor at pagkatapos ay umalis na iyon .

So ibig sabihin ?

Tumingin ako sa kanyan at nagpipigil lang ito ng tawa .

You are so dead Alexander !

XANDER'S POV

" Xan ? Kailan ka ba gigising ? Naiinip na ko dito eh . Alam mo bang miss na miss na kita ? Miss ko na yung yakap at halik mo , yung mga ngiti mo . Sorry kung hindi kita pinakinggan , sorry kung iniwan kita na hindi man lang kita hinayaang mag.explain . Kung nakinig lang sana ko sayo hindi siguro mangyayari to . Hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko . Xan please gumising ka na . Magpopropose ka pa sakin di ba ? Excited na kong umoo Xan .  Mahal na mahal kita mahal ko kaya idilat mo na yang mata mo "  dahil sa mga narinig ko ay parang gusto ko ng idilat ang mga mata ko .

Gusto ko na din siyang mayakap at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal . Miss na miss ko na din siya .

Gusto kong mapangiti ng may maisip akong kalokohan . Ginalaw ko kunwari ang daliri ko senyales na gising na ko .

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon