ABKB: Move on ?

3.5K 88 7
                                    

I dedicate this chapter to

@generalmeso

first na nag.comment sa story ko at natutuwa ako kasi may nakaka appreciate ng story ko ..

Sophia' POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha . Mejo kumikirot pa din ang ulo ko . Tatanggalin ko na tong benda na to kasi pag.naaalala ko na naaksidente ako dahil kay Xander naiinis lang ako lalo . Pagkatapos ay pumunta na ko sa banyo .

" hindi dapat ako nag.mumukmok dito ! Eenjoyin ko tong bakasyon na to , bahala ka sa buhay mo Xander . Ipapamukha ko sayo ang sinayang mo !!" para lang akong baliw na kinakausap ang sarili ko .

Sinuot ko ang two piece ko at nag high waist short lang . Aba'y sexy ako kaya hindi ko dapat itago tong kasexyhan ko nuh . Pagkatapos kong mag.bihis ay bumaba na ako .

Pag.baba ko ay naririnig ko na ang ingay na nang.gagaling sa kusina . Ang saya nila huh !

" good morning everyone ! Mukhang ang saya niyo ah . Nahuhuli na ata ako ? " at buong tamis na ngumiti sakanila na parang walang nangyaring aksidente . Biglang lumipad kay Xander ang paningin ko .

Nakatitig siya sakin at parang may kakaiba sa titig niya na parang ang ganda ganda ko sa paningin niya , pero bigla na lang nawala at napalitan ng pag.kainis .

" good morning my princess . Okay na ba ang pakiramdam mo ? Bakit tinanggal mo na yung benda sa ulo mo ? Baka hindi pa magaling yung sugat ." sabi ni Ethan sakin kaya nawala saglit ang atensyon ko kay Xander . Lumapit ako kay Ethan at hinalikan siya sa pisngi pero ang mata ko ay kay Xander nakatingin . Mainggit ka bakla !

" im okay now babe . Naiirita kasi ako kaya inalis ko na . Atsaka kelangan kong mag.enjoy noh , sayang naman yung mga bikini ko kung di ko naman magagamit di ba ? " nakita ko namang nakasimangot na si bakla habang nakatingin saamin . Umupo ako sa katapat na upuan ni Xander at ubod tamis siyang nginitian .

" good morning Alexander " bati ko sakanya . Malamig ang matang tumingin lang siya sakin .

" naku mabuti naman at magaling ka na Pia , makakapag.enjoy na kami ng bongga . Ito kasing bestfriend mo hindi ko maaya mag.swimming kasi binabantayan ka , nag.aalala sayo . Kaya sa susunod mag.ingat ka na ha ? " sabi ni Scarlet na nakapag.pawala ng ngiti ko . Bigla namang tumalon ang puso ko sa sobrang saya . Pero inaalis ko ito sa isipan ko at ngumiti ulit .

" ah ganun ba ? Pasensya na kung pinag.alala kita BESTFRIEND ah " talagang diniinan ko ang pag.kakasabi ng bestfriend .

" eto Pia oh kumain ka na para makapag.swimming na tayo . Ang sexy pa naman ng suot mo . "

" thank you babe !"

" excuse me " nagulat ako ng biglang tumayo na lang si Xander at madilim ang mukhang nakatingin saakin .

" oh hon bakit ? Hindi ka pa tapos kumain ." sabi ni Scarlet na hawak ang kamay ni Xander at pinigilan ito.

" nawalan na ako ng gana ! Nakakaumay kasi !" sabi niya habang nakatingin parin saakin . At bumaba ang tingin niya sa boobs ko ! Bigla akong namula at pasimpleng tinakpan ang hinaharap ko .

Wala na si Xander sa harap ko pero namumula pa rin ako . Sabihin ba namang nauumay siya at sakin pa nakatingin ! Walang hiyang lalaking yon . Ang kapal ng mukha na sabihan ako ng ganon! ...

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kaming lahat at pumunta sa tabing dagat . Wala parin si Xander hindi pa lumalabas sabi naman ni Scar ay lalabas din daw ito mag.papalit lang ng damit ..

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon