ABKB: just us

2.1K 57 2
                                    



Xander's POV

.

" Here's your breakfast Ms.Villarama " sabi ko at inilapag ang pagkain sa desk niya at tumalikod na .

.

Pinipigilan ko ang sarili para hindi niya makita ang pagpipigil ko ng ngiti .

.

Alam kong gustong gusto na akong kausapin nito pero nag-aalangan siya .

.

Pinalamig ko muna siya ng ilang araw dahil alam ko nabigla siya sa pangyayari . Hahayaan ko na siya ang unang lumapit sa akin .

.

" Ahm samahan mo naman akong magbreakfast " hahaha sabi ko na nga ba at hindi rin ito makakatiis . Teka magpapakipot din muna ako nuh .

.

" Busog pa ko " tas tinalikuran ko na ulit siya . Please pigilan mo ko .

.

" Xa-xander , may problema ba ? Bakit parang iniiwasan mo ko ? " hala nagdrama na siya . Anong isasagot ko nito ?

.

" Wala naman . Naisip ko lang na dapat layuan na kita , kasi tulad ng sabi mo kasal ka na at mahal mo si Ethan kaya ayun " galing ko talaga magpalusot . Pero sa sinabi kong iyon ay nakita kong lumungkot ang mukha niya .

.

I'm sorry Pia . Kailangan kong gawin ito . Gusto kong ikaw ang unang lumapit sa akin para mapatunayan ko na mahal mo pa din ako .

.

Pero pangako , babawi ako sayo .

.

" I thought , ahm tama ka , dapat nga na iwasan mo ko kasi may asawa na ako " nahimigan ko ang lungkot sa boses nito .

.

Sa tamang oras Pia . Itatama ko ang lahat . Itatama natin ang lahat .
.

.

* Kinabukasan *

.

" Sir pinapatawag po kayo sa conference room . May biglaang meeting daw po "

.

" Okay . I'll be there . Thank you " ano naman kayang problema at biglaan ang meeting ?

.

Tumayo na ako at inayos lang ang magulo kong mesa at nagtungo na sa conference room .

.

Pagpasok ko sa loob ay nandoon na lahat ng manager ng bawat department at ako na lang ata ang inaantay .

.

Tumungo ako sa upuan ko at naupo na . Maya-maya lang ay pumasok ang babaeng pinakamaganda sa aking paningin .

.

Titig na titig lang ako sa kanya . Na para bang may bumabang anghel mula sa kalangitan .

Ang Bestfriend Kong Beki (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon