XVII

21 2 0
                                    



Sitio Marahuyo

Konseho de Marahuyo

Enero 5, 1984

12:00 A.M



Mabilis na nakarating sa konseho ang mga lider ng bawat nilalang na nasasakupan sa tinatawag na lugar na Sitio Marahuyo, marami na ang nagdaang dekada noong namuhay ang mga nilalang na naroon, marami na rin ang mga napabilang sa konseho at ngayon mayroong bagong uri ng mga nilalang ang napabilang.



Natapos ang digmaang Engkanto at Aswang, maraming naging sanhi at naging maayo ang kaguluhan sa tulong ng mga magkakapatid na Angeles o mas kilala sa tawag na El Mundos De Dios, mga nilalang na galing sa dugo ng diyos na si Sitan, nagsimula ito sa panahong namalagi si Sitan sa mga lugar ng tao, nakilala ang mga makapangyarihang nilalang na mga dalaga at nahinto sa isang tao na ina ni Yugen Angeles.



Kasalukuyang nagkakaroon ng pagpupulong ang mga nilalang sa tribunal, nagkaroon ng paglabag ang isang Angeles, walang iba kung hindi si Hiraya Leon Angeles, ang panganay na anak ni Sitan, humarap ito sa mga matataas na mga pinuno ng mga salingglahi ng mga kakaibang nilalang, mga halimaw kung tawagin sa mundo ng mga tao.



"Aming demonyo, kami ay nagagalak sa iyong partisipasyon sa hatinggabi na ito, Hiraya alam mong malaki ang utang na loob naming mga engkanto sa'yo at lalo na sa mga kapatid mo." Sambit ni Herena, ang Reyna ng Biringan. Kaswal na nakaupo ito sa kanyang upuan, kung ikukumpara sa lahat ng mga engkanto at sa kanyang kapatid, mas nakaka-akit ito at kakaiba ang kulay ng mga mata nito, kulay berde at sa kaliwang mata naman ay kulay ginto.



"Kilala ko si Hiraya, hindi niya kayang nakawin ang isa sa mga pinagmamay-arian ng Konseho, alam ninyo iyan. Simula't-simula naging tapat sa atin ang pamilyang Angeles." Sambit ni Primitivo o mas kilala bilang Ivo, Datu ng mga Kapre, nakasuot ito ng kaswal na suot na kulay puting bahag at hawak-hawak ang isang tabako. Maitim ito ngunit kitang-kita mo ang mapupulang mata nito. Ramdam mo ang presensya ng kanyang pagiging kalmado.





"Wala tayong ebidensya, kung mayroon man maaring gawan ng paraan ni Psyche ang bagay na iyon. Maari ba, Val?" Sambit ni Fernis, ang pinakamatandang duwende sa buong kapuluan ng Pilipinas, habang ang tinatawag na Val ay nakaupo at hawak-hawak ang kanyang itim na pusa.



Nakasuot ito ng puting long sleeves polo, nakatingin ng bahagya sa mga bituin at sa kabilugan ng buwan, ang kanyang itim na buhok ay hindi mo makikita ng maayos, ang kanyang mga itim na mga mata ay hindi mo mapapansin ngunit nararamdaman mong nakatitig ito sa'yo.



"Hiraya, bakit kailangan mong lumabag sa kapayapaan na ibinigay ng iyong mga ninuno upang maipatawag mo kami?" Sambit ng isang binata, naka-anyong tao ito, kulay puti ang mga mata at mayroong mahabang buhok, ang kanyang matagal na kaibigan habang sa kanyang katabi ay si Raphael, ang bagong hari ng mga aswang.



"Naparito ako upang magdeklaro ng isang kasunduan." Sambit niya, nagkaroon ng katahimikan sa loob ng tribunal, ang mga tunog ng mga palaka, ang mga tunog ng kuliglig sa lugar.



--



3:00 A.M



Mabilis ang simoy ng hangin, tila ba ramdam mo ang pagyakap ng isang tao na hindi mo makita sa sobrang bilis nito, alas tres nang madaling araw, nakatingin sa maiilaw na building ang isang scientist, isa ito sa mga representative ng Amerika, kasalukuyang kausap nito sa kanyang selpon ang kanyang asawa't anak. Tumatawa ito na animo'y nawala ang pagod niya sa buong hapong trabaho sa laboratory na kanyang pinagtratrabuhan.



"Gil, did you eat your lunch already?" Ingles na tanong ng nasa kabilang linya ng telepono, tumawa ito ngunit nararamdaman nito ang paunti-unting kirot sa dibdib, na para bang tinutusok ang kanyang puso, ang kanyang paghinga ay paunti-unting kinakapos.



"Gil?" Tawag ulit ng nasa kabilang linya, nagsasalita ito ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig, pinatay nito ang tawag at pumunta sa application ng camera, dito nakita niya ang paunting-unti pagsunog ng kanyang mukha, ang mga kalmot na nakukuha niya ngunit wala namang ibang tao sa lugar, ang lahat ng kanyang kasamahan ay nasa loob.



Sumisigaw ito ng makita niyang lumalabas ang isang insekto sa kanyang balat, hanggang sa kanyang bibig, hanggang sa sumuko ito ng dugo.



Naririnig nito ang isang hagikhik, hindi, dalawa ang naririnig niya. Mga bata ngunit nawawalan na ito ng paningin, hanggang sa wala na ang kanyang hininga at kinakain na lamang ng mga insekto.



Sa hindi kalayuan, humahagikhik ang isang sampung taon na bata, habang ang kanyang kasama na batang lalaki ay hindi nasisiyahan sapagkat hindi siya ang pumatay sa taong iyon.



"Anong problema?" Tanong sa kanya ni Basilio, umiling lamang ito sa kapatid alam niyang ampon ito ngunit hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin ang kanyang totoong kapatid na si Crispin, umiling lamang ito at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.



Hawak-hawak nito ang isang manika at isang patusok na paulit-ulit niyang tinutusok, kailangan niya itong matapos hanggang sa mawala ang lahat ng mga tao, kailangan niyang pumatay at ipaghiganti ang kanyang kapatid na si Crispin.





"Basilio?" tawag sa kanya ng kanyang kapatid, hindi niya ito pinansin ngunit nakikita nito kung paano lumabas ang kanyang dugo sa kanyang ilong.



"Tama na Basilio!" Tumingin ito sa kanyang hawak-hawak hindi ito ang manika ng mga kanilang papatayin ngunit ang manika niya, tumingin ang sampong taon na si Basilio sa kanya, nakangisi ito at namumutla.



"Makikita ko na ang kapatid ko, makikita ko na si Crispin!" Sigaw niya na tumatawa, naguguluhang tumingin sa kanya ang batang lalaki, hindi ba't siya si Crispin?



Agad na hinablot nito ang hawak-hawak ni Basilio na manika ngunit naramdaman ng batang lalaki ang isang demonyo.





"Basilio." Malalim ang boses nito, ngunit hindi pinansin ni Basilio ang pagtawag sa kanya ng demonyo, patuloy pa rin ito sa pagtusok ng manika hanggang sa hawakan ni Yugen ang kanyang kamay, dito natigilan ang batang si Basilio.



"Tapos na tayo rito." Hindi maipinta ang kanyang mukha, tumingin sa kanya ang batang si Basilio, titigil na ito ngunit humarap sa kanya ang batang lalaki, sumunod na tumulo ang kanyang mga luha, ang kanyang mga inosenteng mata ay napalitan ng galit, ang kanyang mga namumuong luha ay tumutulo na ngayon.



"Kasalanan mo ito! Kasalanan mong namatay ang aking Ina, kasalanan mo kung bakit nawawala pa rin ngayon ang kapatid ko! Kung hindi ka lang sana sumanib sa Sakristan hindi sana mamamatay ang aking ina at hindi nawawala ang aking kapatid!" Sigaw nito, umiwas ng tingin si Yugen at tinago ang manika na kinuha niya sa batang lalaki, sa kanyang pagpitik ng noo sa batang lalaki, dito tumambad ang mga nakaraang ala-ala niya kasama ang kanyang kapatid at ina, ang kanyang buhay nuong nabuhay siya kasama ang demonyo, noong namatay ito sa sunog at muling nabuhay sa kagustuhan ng kanyang kasintahang nagpakamatay.





Sa kabilang banda, kakapasok pa lamang ni Hiraya sa loob ng laboratory, kasama nito si Lia.



Nakatingin sa nakahigang katawan ng bangkay, nakatingin sa mukha ng kanyang mga kasama sa labanan.



"Hindi tayo ang mga halimaw, ang mga tao ang mga demonyo at halimaw sa sarili nilang mundo." Malamig na kanyang sambit, nakatingin lamang sa kanya si Lia at sa bangkay ng mga kasamahan nila sa buong gyera ng mga aswang at engkanto.



"Hindi ba't mas masahol pa sila sa mga halimaw na tulad natin?" Dagdag ng dalaga.

Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon