Mabilis na nagsimula ang mga putukan ng baril, ang tunog ng kalas ng mga armas ng mga mangangaso, ang mga pagsigaw nito ng hinagpis at gimbal sa kanilang harapan. Mabilis na tumakbo ang dalagang kaharap ni Jeneve papunta sa kanya, mabilis nitong nakuha ang isang katana na hawak-hawak ng kanyang kapatid na ngayon ay duguan, mabilis itong nasangga ni Jeneve at sinakal ang dalaga. mabilis niyang itinapon ang katawan nito patungo sa malaking puno na naging dahilan ng pagkawalang-malay nito.
Susugurin na sana ito ng mga aswang ngunit mabilis na tumakbo ang binatang kasama ng dalagang mangangaso na naging sanhi ng pagkakaroon ng pansin ni Jeneve.
"Hinto." Malamig niyang tugon, huminto ang mga aswang ngunit hinahanda pa rin ang sarili nila, mabilis na kinuha ni Jeneve ang katana na nabitawan ng dalaga, inilapat nito ang patalim sa kanyang kamay.
Dito nagkaroon ng hapdi ang kamay ni Jeneve, ibinalik nito ang katana at muling nagsalita.
"Muli tayong magkikita, Aking Mangangaso, at sa ating pagkikita, bigyan mo ako ng rason kung ano ang ipinaglalaban ninyo." Sambit nito at nagsimulang lumakad palayo.
"What was that, Jeneve? Ano ang ginagawa mo? Alam mo ba ang maaring mangyari sa'yo nung sinugatan mo ang sarili mo?!" Sigaw ni Paeng, galit ito at garalgal ang boses.
"Ako ang haharap sa magiging susunod na problema, Paeng. Hindi mo gugustuhin na magkaroon ulit ng kaguluhan sa buong lahi ng Mangangaso at sa atin. Matagal na nating pinapangarap ang kapayapaan at ito na lamang ang paraan." Sambit niya, at nagsimulang maglakad papunta sa pwersa ng mga taong sundalo, nagsimulang magbaril ang lahat ngunit wala pa rin itong nangyayari sa mga aswang, ngunit sa hindi nila alam nagkakaroon ng panghihina si Jeneve kaya naman mabilis niyang sinugod ito at sumunod naman ang iba sa kanila, lahat ay naging agresibo at nanalo pa rin ang mga aswang sa huling batalyon na hawak at kontrol ng isang senador, mabilis na tumakbo ang mga nilalang ng gabi upang lapain ang mg sundalo.
Habang ang ibang Konseho ay nakatayo lamang at prenteng naghihintay, naroon sila sa malawak na sala ng isang bahay at opisina, marami na ang namatay na mga bantay at nangangantog sa takot ang senador na nasa kanilang harapan. Nakatingin at nakatutok ang baril ng mga natitirang sundalo na naroon ngunit hindi pa rin nila nasusugatan ang mga ito.
Lahat ng mga nilalang na naroon ay natatakot sa mga halimaw na nakatayo sa kanilang harapan.
"Ito ay galing sa aming Pinuno, ang mga Demonyo, kaming mga halimaw.
Kaming mga itinuturing ninyong salot at ginagawang katatakutan.
Kaming mga Halimaw at Demonyo,
Nagdedeklara ng Digmaan, sa mga Tao." Sa pagsigaw ng Reyna ay mabilis niyang sinakal ang Senador at pinugutan ng ulo sa harapan ng mga sundalong naroon, marami ang natakot at nabigla sa bilis ng mga nilalang na ito, hindi pangkaraniwan, iyan ang masasabi ng mga ito at sinisiguro nila na hindi sila makakalabas ng buhay sa lugar na ito. Habang abala ang mga pinuno ng bawat lahi ay mayroong mga cctv camera ang kitang-kita sa mga pangyayari na ito nagsimulang magpapaputok muli ng mga baril na ikinatuwa ng mga Pinuno ng mga halimaw, naging masalimuot ang kapayapaan na hinahangad ng lahat, ang bawat taong nasa loob ay naliligo ngayon sa sariling dugo, rinig na rinig ang sigaw, ang mga pakiusap, ang paghingi ng tawad ngunit huli na ang lahat.
Saka na lamang nila iisipin ang mga susunod na mangyayari at maaring maging resulta kapag natapos ang digmaang ito, nakatago lamang ang mga medya ngunit alam ng mga pinuno kung saan ito nagtatago ngunit wala silang balak na patayin ito, magsisimula na ang plano nila, ang mga plano ng mga pinuno ng mga Halimaw.
Ang matagal nilang kagustuhan.
Habang ang lahat ng mga sundalo na nasa Sitio Marahuyo ay naging abo dahil sa mga mangkukulam, mambabarang, at sa mga babaylan.
Hindi pa rin mapakali ang dalagang si Lydia, nararamdaman nitong may hinding magandang mangyayari, nakatingin lamang siya sa bintana ng kanilang bahay sa isang probinsya, kasama nito si Lolo Santi at hinihintay ang maaring mangyari sa gabing ito, hinihintay ang mga huni ng ibon na nagsasabi sa kanya ng mga nangyayari sa lugar ng Maynila at Biringan. Hinihintay ang mga kapatid na makauwi, ng buo at ligtas.
--
Naglalakad si Hiraya sa mahabang pasilyo ng opisina ng isang senador na nagpasimula ng kaguluhang ito, dito nakikita niya ang maraming bangkay ng mga bantay, wala na itong saplot na pang-itaas at kitang-kita ang kanyang mga peklat, ang kanyang mga marka na mayroon siya, katulad ng kanyang mga kapatid ay maroon rin ito dahil sa Ama nila.
Binuksan niya ang pinto ng silid kung saan niya naabutan ang mga pinuno na nakaupo sa mga upuan, bahagyang hinihintay siya.
"Hiraya Angeles." Sambit ni Ivo, mabilis na isinakal ng pinuno ng Tikbalang ang Demonyo, hindi naman si Hiraya pumalag dahil lahat ng ito ay naayon sa plano niya, ang planong papatayin siya at magiging tahimik ang buong angkan ng mga Halimaw at Tao.
"Paalam." Wika ni Ivo habang tumulo ang kanyang luha at nakaramdam ng matalim na pagtusok ng kutsilyo na magiging paraan ng pagpatay sa demonyo na katulad ni Hiraya, mabilis na bumaon ang patalim patungo sa kanyang peklat na kung saan natamaan ang kanyang kaluluwa, dito nakaramdam ang lahat ng mga magkakapatid ng sakit at panghihina, bahagyang lahat ay naging kulay itim ang mga mata, ang makulimlim na gabi, ang kanilang panghihina ay simbolo na patay na ang kanilang kapatid.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasíaMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020