Makalipas ang ilang taon, masyadong matagal na ang nakakalipas na taon, hindi na kayang bilangin ng sampung daliri. Masyado na ring nabago ang lahat ng teknolohiya o kahit anumang bahagi ng bansang Pilipinas, marami na rin ang mga nakalimot sa mga alamat at mito ng Pilipinas, pero isa pa rin ang tumataktak sa mga bawat nilalang na minsang nabuhay sa mga tao. Ang mga aswang raw ay nariyan pa, nagbabalat-kayo bilang mga tao upang makahanap ng mga bagong biktima sa gabi.
Minsan, naiisip ng iba na gawa-gawa lamang ito ng mga politiko, o kahit man lang mga kwentong-bayan ngunit isang nilalang ang nagpatunay, isang babaeng matagal nang nabubuhay, sa malayong sitio, nabuhay, kasama ang iilan sa kanila, bilang na lamang sa kanila ang natira, may mga mayayaman, ngunit mas pinili nila ang katahimikan dahil matagal nang nawala ang banta sa kanila.
Isang gabi, noong panahon ng rehimeng mapang-abuso at pagpapaslang ang nakikita na solusyon sa mga bawat problema ng bansa, nagsilabasan ang mga halimaw sa gabi, halos sandamakmak ang mga labi ng mga bata, inosente, at mga tao. Dapat walang paki-alam ang mga nilalang, ang mga tunay na halimaw ngunit hindi natinag nuong nasunog ang buong sitio na pinagmulan ng isang dalaga.
Sabi nila, kapag nakita mo ang dalaga, h'wag kang lilingon, h'wag mong balikan ang daanan patungo sa lugar ng sitio na nasunog, na minsang naging saksi sa mahika, at kagilagilalas na mga nilalang.
"Malapit na tayo, Amara." wika ng Ina nito, nakasuot ng isang puting dress, ang kanyang kagandahan ay hindi kumukupas, kasama nito ang isang dalaga, nakatingin ng malayo sa bintana. Ilang taon na ang lumipas at ngayon na lamang sila bumalik upang salubungin ang death anniversary ng Ama nito.
"Bakit ngayon lang tayo bumalik dito? Mom, akala ko nakalimutan na si Dad." Mangiyak-ngiyak nitong wika. Hindi nakasagot ang Ina nito, mabilis silang nagparada sa tabi ng mga kagubatan, lumabas ang Ina nito, kaya naman sumunod ang dalaga, papasok sa kakahuyan, kasama niya ang kanyang Ina.
"Matagal na tayong nanahimik, Mom. Bakit kailangan bumalik dito? Alam kong hindi si Dad ang rason kung bakit tayo bumalik, sino ba ang rason?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga, ang Ina naman nito ay mabilis na nagbagong-anyo. Ang maputing balat nito ay mas lalong pumuti, waring isang diwata, ang kanyang tenga ay naging matutulis na katulad sa mga duwende at mga halimaw na tinutukoy sa kanyang history class.
"Nawawala si Lydia, Amara. Kailangan tayo ng konseho. Kahit anong pigil natin, nakasalalay pa din ang dugo mo at dugo ko ang dugo nilang magkakapatid, wala tayong magagawa kahit na manahimik at lumipad tayo ng ibang bansa. Ito ang kapalaran natin, hindi natin mababago na hindi tayo tao, kailanman ay hindi tayo magiging tao. Alam mo iyan." Tumango na lamang ang dalaga, sumunod sa kanya, mabilis na nakapunta sa isang malalaking puno ng balete, magkatabi ito na halos parang langgam na lamang sila.
"Nasaan tayo?" Tanong ng dalagang nagngangalang Amara, habang ang kanyang Ina ay nakatingin sa mga nilalang na hinihintay sila.
"Narito na tayo, sa Sitio Marahuyo, Amara. Dito tayo nabibilang, narito ang puntod, narito ang puntod ng iyong Ama." wika ni Lia.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasyMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020