Kinaumagahan, mabilis na umusbong ang balita, hindi pa natatapos ang isyu ng laboratoryong nasunog ay umusbong nanaman ang natagpuang bangkay ng Senador sa isang sirang-sira na building, karumal-dumal ang sinapit nito. Ayon sa pulisya ay isa lamang itong aksidente ngunit ayon sa mga inspector ay hindi naman biglang-bigla guguho ang building na iyon sapagkat pasado ito sa mga requirements nila, ngunit idineklara ng mga pulisya na case solved na ito.
Nakatingin lamang si Hiraya sa ibaba ng rooftop, malapit na ang ala-sais ng gabi, dito magsisimula ang kanilang deklerasyon sa mundo ng mga mortal, kasama niya ang kanyang nobya na si Lia, isang diwata ngunit ang kakaiba lamang sa kanya ay mayroong dugo ng mga Anito at ng Diyosa ng Buwan.
"Ito na ang huli, Lia. Hindi ko alam kung makakasama pa ba kita o hindi ngunit hayaan mo akong makasama ka sa huling sandali ng aking buhay." Sambit nito, tumingin lamang sa kanya ang dalaga ng nag-aalala, alam nito ang ibig niyang sabihin kaya naman ay mayroong nakahandang plano na makakaligtas sa demonyo.
Samantala, ang mga aswang ay nasa madilim lamang ng parte ng buong Maynila, naghihintay ng utos sa kanilang bagong hari na si Paeng, kasama nito ang matalik na kaibigan.
"Kumusta ang pagiging Hari, munting kaibigan?" Tanong sa kanya ni Jeneve, nakasuot lamang ito ng puting sando at itim na pantalon, naka-upo sa motor at humihit-hit ng sigarilyo, nakalugay ang mahaba nitong buhok, habang ang kanyang kambal ay nasa Sitio at namumuno at binabantayan ang bawat lagusan na maaring pasukan ng mga taong sundalo na nakapalibot sa buong lagusan patungong Biringan at Sitio Marahuyo.
Habang sa Biringan ay prenteng nakaupo ang engkantong Lireo at Peya, naglalaro ang dalawa ng chess sa loob ng kastilyo habang ang Reyna ay umiinom lamang ng alak na regalo ni Lireo galing sa mundo ng mga Mangkukulam, hinihintay nila ang gabing matagal na nilang hinihintay, ang malawakang digmaan laban sa mga tao, ang mga kinilalang halimaw laban sa totoong halimaw.
Samantala, sa isang lugar ng kilalang Senador, nakaupo lamang ito at ibinubuga ang usok na galing sa kanyang pipa, hinihintay ang susunod nilang hakbang ng isang kilalang Lieutenant sa Maynila. Mayroong maraming bantay sa bawat sulok ng bahay at nakikipag-usap ito ng harapan sa Lieutenant habang ina-update sila ng mga sumugod sa mga kagubatan ng Cagayan at iba pang daanan patungo sa mundo ng mga engkanto.
Samantala, nakaupo na lamang si Yugen sa isang munting dalampasigan sa probinsya ng bicol, hinihintay ang isang nilalang mula sa kanyang nakaraan.
Habang sa kinaroroonan nina Jenve at Paeng, mayroong dalawang magkakaibigan ang naglalakad patungo sa kanilang pwesto, naalarma ang ibang aswang na nasa paligid ngunit pinigilan ito ni Jeneve at hinihintay ang susunod na desisyon ni Jeneve.
"Pare, gutom na gutom na ako." Sambit ng binatang naglalakad papunta sa puwesto ng mga aswang, dito napansin nila ang motor ni Jeneve, napansin rin ito ni Jeneve na ikina-ngisi niya.
Mabilis ang nangyari, noong makalapit ang dalawang binata naging madugo ang lahat, binaril ng dalawang binata sa ulo ang aswang na si Jeneve na ikinatuwa at ikinabigla ni Paeng, dito nagkaroon ng senyales na magisismula na ang digmaan, ang pagbaril kay Jeneve ang hudyat ng digmaan.
Mabilis na nagsidatingan ang mga sundalo sa lugar na umiikot ng marinig nila ang putok ng baril, sa hindi nila alam ito na pala ang huling sandali ng kanilang buhay, mabilis na tumalon sa mga dilim ang mga aswang na matagal nang gutom sa lamang-loob ng tao, mabilis na hinati ang katawan ng dalawang binata na ikinagulat ng mga sundalo, nagsimula silang magpaputok ng mga ripleng dala dala nila habang si Jeneve ay gising at natutuwa sa nangyayari katabi niya pa rin si Paeng at sumindi ng sigarilyo, ibinigay niya ang isa pang stick ng tumayo si Jeneve.
"Ang panget mahiga ng ilang segundo sa lupa, Paeng!" Sigaw niya at kinuha ang stick ng sigarilyo, malakas na mga sigaw ang naririnig nila ngunit wala na silang paki-alam, mas masalimuot ang nangyari sa kanilang buong lahi kaya naman ibinuhos ng mga natitirang lahi ng mga aswang ang mga sundalo.
"Maligayang Pagbabalik sa Maynila, aming Demonyong Aswang." Sambit ni Paeng habang hindi niya na rin mapigilang magpalit ng anyo, ang kanyang katawan ay mas lalo lamang lumaki at tumambad ang kanyang mala-bakal na katawan at pangil na sing-tulis ng mga karit at mga lagaring bagong liha, dito tumakbo ito at naiwang mag-isa si Jeneve na pinagmamasdan ang mga sigaw ng mga taong sundalo na matagal na nilang pinag-iinitan dahil sa negosyong nabibistado, ngunit narinig nila ang isang sigaw ng aswang.
"Mga mangangaso!" Sigaw nito, ngunit mabilis itong naging abo, dito nakita nila ang isang lalaki at dalaga, sa unang tingin natulala ang binatang Jeneve, sa kanyang tingin nakita niya ang dalagang matagal na niyang hinahanap niya.
Mabilis na pumula ang kanyang mga mata, ang kanyang paghinga ay naging mabilis, ang kanyang katawan ay mas naging triple sa sobrang galit sa kanyang nakikita.
"Hiraya, ito ba ang gusto mong mangyari!" Sigaw niya, sa kanyang pagsigaw ay ang pagbabago niya ng anyo, ang kanyang mga pulang mata ay naging singdilim ng gabi, ang kanyang pagsigaw ay rinig na rinig ni Hiraya na nasa malayo, alam nilang dadating ang mga mangangaso at hinahanda lamang ito ng gobyerno, ito ang totoong sandata nila maliban sa arquetipong sinunuog nila noong gabi, dito nagsimula ang totoong gyera.
Mabilis na tumalon si Hiraya at sa kanyang pagtalon ay ang paglabas ng itim na mga likidong binubuo niya gamit ang kanyang kapangyarihan, mabilis siyang tumakbo papunta sa mga nakabantay at ang mga mangangasong at mabilis niyang napatay sa loob lamang ng ilang segundo.
Sa Biringan ay maririnig ang pagsabog ng mga dinamitang ginagamit ng mga mangangaso, mabilis na tumalon ang mga kapre na naging sanhi ng malawakang pagyanig ng lupa, dito lumabas ang mga engkantong sundalo at nagsimula ang digmaan sa mga lagusan.
Si Yugen ay nakatingin pa rin sa mga along paminsang-minsan dumadampi sa kanyang paa, nakatingin siya sa bilog na buwan ngunit alam niyang sa ilalim ng buwan nagsisimula na ang mga patayan, ang patayan ng mga dalawang mga halimaw.
Sa hindi kalayuan nakarating ang isang dalaga, ang matagal na niyang hinihintay. Nakatakda ang oras na ito, ang kanyang kamatayan kasama ng kanyang pagmamahal sa demonyo.
"Maligayang Pagbabalik, Elysse." Sambit ng binata, lumapit ang dalaga at hindi niyang inaasahang makaramdam ito ng matinding liwanag na nasa marka ng binata, dito nakita niya ang mga nagbabagang apoy sa katawan ng demonyo.
"Yugen?" Tawag ng dalaga, dito nakita niya paunting-unti pagsunog ng demonyo, tumakbo ito at niyakap niya ang binata.
"Hindi mo kasalanan na nawala ang lahat, hindi mo kasalanan Yugen." Humahagulhol na ang dalaga ngunit hindi na niya mapipigilan.
Hindi niya mapipigilan ang sumpa sa kanilang dalawa, sa huling pagkakataon, bumukas ang pinto ng impyerno sa buong nilalang ng gabi.
Ang pagbabalik ni Yugen at Elysse sa Impiyerno.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasyMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020