XXV

20 3 0
                                    

Sorsogon City, Philippines

August 6, 1985- 4:30 - 5:30 A.M

Mabilis na nilabas ng medya ang pagkasunog ng isang pribadong laboratoryo at sa ngayon ay pinag-pipyestahan ng mga taombayan ang pagkasangkot ng isang doktor sa mga naganap, nakaligtas ito sa sunog sa sinasabing pagsabog ng laboratoryo, sunod-sunod ang mga pagtatanong ng mga reporter tungkol sa nangyari, mabilis naman na sumuko ang doktor, iyon ang ipinagtataka ng organisasyon ng Orion, hindi sila idinawit sa isyung ito na naging magandang balita sa kanilang grupo, marami sa mga miyembro ang natutuwa, at marami pa rin ang nagtataka hindi dahil sa pinagduduhan nila ngunit nakakapagtaka na matapos patayin ang mga kasamahan nito ng harapan at nasusunog ay hindi pa rin nila alam.



"Sa tingin mo ba ang mga El Mundos de Dios ang may kagagawan nito?" Tanong ni Hidalgo, isa sa mga naging kasama nila Louis Anastacio II, Ian Pareja, Gabriel Franco.



"Maari, hindi natin alam." Sambit ni Ian, umiiling ito, hindi alam kung ano ang maaring sunod na hakbang, hinihintay nila ang desisyon na maaring gagawin ni Louis, ang isa sa mga naging pinakamalakas na miyembro, maimpluwensya rin ito dahil sa kanyang estado ng buhay, habang si Gab o mas kilalang Gabo ay taimtim na hinihintay ang desisyon ni Louis, Si Hidalgo isang kamag-aral, kaibigan at nakasaksi sa pagkamatay ni Ian at pag-aagaw buhay ni Louis noong digmaang Engkanto at Aswang, matapos umalis ng panganay na Angeles ay mabilis siyang tumakbo at tinawagan ang kanyang kaibigan na si Gabo na nasa hotel noon.



"Kumusta ang underground laboratory natin sa Bulusan?" Sa wakas, nagsalit na rin ang kanilang hinihintay.



"Malapit na matapos ang pagsasagawa ng ibang eksperimento, ang mga tikbalang, aswang, at ang dalaketnon ay naging madali ang eksperimento ngunit sa mga kapre ay hindi dahil kinakailangan ng higit sa dalawa na bangkay ang kailangan." Sambit ni Hidalgo, noong nangyari ang pagsabog ay nasa Bulusan si Hidalgo at walang kaalam-alam sa desisyon ng kanyang kaibigan, kung alam lamang nito ay nagpadala agad ito ng maraming bantay at mga armas na maaring makapagpigil sa bunsong Angeles, isa ito sa mga naging sakit nila sa ulo, hindi dahil sa magaling magtago, ay mas kalkulado ang utak nito kumpara sa kanyang mga kapatid at kahit na sa aswang na si Lydia Angeles.





"Susugod tayo bago mag hatinggabi, aasahan ko ang kooperasyon ng mga mangagaso." Sambit ni Louis.



"Matagal nang pumanig ang mga mangangaso, Louis. Hindi na natin maasahan ang tulong nito, sa kadahilanan lamang ito ni Alex at Jeneve." Sambit ni Hidalgo, ngumisi lamang si Ian at ibinigay ang isang papel.



"Bakit natin idadamay ang mga walang kasalanan, Ian?" Tanong ni Hidalgo, biglang umitim ang mga mata ni Louis.





"Ibabalik ko ang tanong sa'yo, bakit kailangan nating madamay na walang kasalanan noong gabing iyon?" Tanong ni Louis, nagkaroon ng katahimikan, kahindik-hindik ang maaring gagawin sa kanya ng kanyang kaibigan, o kaibigan nga ba?





"Mauuna na ako." Sambit ng isang binata na kanina pa nakatingin sa kanilang lahat, nakaupo lamang ito sa kanilang harapan na hindi man lang nila alam na kanina pa ito nasisiyahan sa kanilang pag-uusap.





"Maligayang Pagbabalik, Pinuno." Lumuhod at nagbigay ng respeto ang apat, kabigla-bigla ang anyo nito, hindi man lamang ito tumanda o para bang mas naging bata ito.





"Hindi mo alam ang ginagawa mo Louis, ginawa ko ang organisasyon ito para maging isang oportunidad sainyo, hindi ko inalay ang kaluluwa ko sa mga demonyo kung ganito ang gagawin ninyo sa akin, at sa pamilya ko." Sambit ni Matthias.





"Sinasabi ko na nga bang traydor ka!" Sigaw ni Gabo at mabilis na inilabas ang kanyang buntot ng pagi, mabilis na tumalon si Matthias patungo sa kabilang mesa, ihinagis nito ang isang kutsilyo at bago pa man makailag si Gabo ay natamaan na ito sa balikat, matalim ang kutsilyo at sobrang lalim ng pagkatusok.





Sumigaw ng husto ang binata, mabilis na sumugod si Ian at Hidalgo sa magkabilang panig, mabilis din itong nawalan ng mga kamay, habang si Louis ay nakatingin lamang.



"Louis! Tumakbo ka na!" Sigaw ni Gabo ngunit hindi pa rin pinapakinggan ng binata ang sigaw ng mga ito.



"Ang aking kaluluwa." Sambit ni Louis habang kitang-kita kung paano humihiyaw ang mga kaibigan nito.



"Ang aming kaluluwa." Sambit ni Matthias habang hawak-hawak ang putol na katawan ng dalawang mag-kaibigan. Itinapon ito at nakakapagtaka kung bakit hindi pa rin naghihilom ang sugat ni Ian.



"Ang aking katawan't isip." Tumayo ang binata at lumapit sa kanyang kaibigan na si Gabo, habang si Matthias ay lumapit kay Hidalgo, sumisigaw pa rin si Hidalgo sa kadahilananan na ito ay tao pa rin.



"Ang aming katawan't isip." Muli nagsalita si Matthias na ngayon ay sakal-sakal ang dalawang magkaibigan.



Pasikat pa lamang ang araw, rinig na rinig ang bawat sigaw ng tatlong binata, pasikat pa lamang ang araw at wala pa ring liwanag, napupuno pa rin ng kadiliman ang bawat sulok ng mga bahay, ang mga puno at agiw sa mansion ay nagwawala.



"Ay para lamang sa limang demonyo." Sabay na sambit ng dalawa matapos nilang pagsabayin na ihiwalay ang katawan ng tatlo sa mga sariling katawan, sumikat ang araw, ngunit wala na ang mga matatamis na mga salita, sumikat ang araw at wala na ang pag-asa.



Sumikat ang araw na wala nang buhay ang tatlong binata, ang binatang si Gabriel Franco, Ian Pareja, at Hidalgo Jeremias.





Sumikat ang araw at palaging nasa isip ni Louis Anastacio.



"Sino nga ba ang mga halimaw?" Tanong at ibinuga ang usok na nanggaling sa kanyang bibig, nakatingin siya sa mga katawan, ang mga dugong kumakalat sa bawat silid.



"Tayo ang gumagawa ng mga halimaw, Louis. Tayo ang mga halimaw." Sambit ni Matthias na palabas ng mansion habang si Louis ay nakatingin sa itaaas, sa kisame kung saan naroon ang isang constellation, ang constellation ng Orion.



Sumisikat na ang araw at naghihintay sa labas ng mansion si Matthias, nakaupo sa katabi ng kotse, kitang-kita nito ang paglabas ng araw, alas-singko e medya na at nakikita nito ang paglabas ng isang bagong silang, ang bagong silang na demonyo.



"Louis Anastacio II, ang demonyong anak ni Jeneve Angeles at Alexa Anastacio." Mabilis na ibinuga nito ang hawak-hawak na sigarilyo, habang hinihintay ang paglapit ng binata sa kanya, ang bagong miyembro ng pamilya nila.



"Maligayang kaarawan." Bati ni Matthias sa kanyang pamangkin at ibinigay ang isang kwintas.

Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon