XVIII

22 2 0
                                    

8:00 P.M

Manila, Philippines

North Cementary-M.

Mabilis na umusbong sa buong ka-maynilaan ang isang aksidenteng sunod sa isang laboratoryo na hindi umanong grupo ng mga sikat na tao, kilala na dito ang pamilyang may-ari ng building na si Dr. Guillermo Dela Torre, isang kilalang doktor sa lungsod na mayroong mataas na pinag-aralan sa ibang bansa, marami ang naging biktima sa hindi malamang dahilan.



Ayon sa pulisya, mahigit isang-daan ang namatay na mga doktor at mga propesyonal sa larangan ng siyensa, hindi nila alam kung sino ang nasa likod ng patayan na nangyari ngunit ayon naman sa mga nag-analisa sa mga bangkay ay karaniwang na karamdaman lamang ang nangyari ngunit marami ang pala-isipan kung bakit halos sabay-sabay ang mga ito na namatay.



Iyan ang naririnig sa radyo, telebisyon, mga nababasa sa diyaryo at pati na rin sa online na mga artikulo na pina-publish ng mga journalist.



Iisa lamang ang tumatakbo sa isipan ng dalagang naglalakad sa syudad, nakasuot ito ng karaniwang na suot ng mga tao, nakasuot ng puting T-shirt, itim na pants, at naghihintay ng taxi, sunod-sunod ang ring sa kanyang selpon na nokia. Nung tumingin ito ay ang numero lamang ng kanyang ka-trabaho.



Hindi niya pa rin maalis sa kanyang isipan ang nangyari noong isang araw, ang hiwalay na mga katawan ng mga sundalo at ang mga nilalang na hindi niya pa rin inaakalang nabubuhay talaga, ang mga nilalang na kuwento lamang ng mga matatanda, mga aswang, mga engkanto, at ang demonyo.



Sila ba ang may gawa nito? Iyan ang laman ng kanyang isipan habang nakatayo lamang at naghihintay na mayroong huminto ng taxi sa kanyang kinatatayuan, galing itong sementeryo at ngayon ay papunta na ito sa kanyang pinagtratrabuhang cafe na halos trenta minuto ang biyahe kaya naman sunod-sunod ang mensahe ng ka-trabaho niya ay ang dahilan na siya na ang para sa night shift.



Pumasok na ito at isinara ang pinto ng taxi at isinalpak ang kanyang mp3 player at tumingin lamang sa bintana, dito nagsimula ang kanta ng paulit-ulit niyang pinapakinggan.



Isa ito sa mga paborito niyang kanta na naging tanyag noong kapanahunan ng kanyang yumaong nakakatandang kapatid, habang pinapakinggan niya ang kanta ay naalala niya lamang ang mga ala-alang kasama ang kanyang Kuya, laking probinsya ang kanilang pamilya ngunit lumipat sila dito sa Maynila kung saan lumago ang kanilang negosyo na brandy, naging sikat ito at kalaunan nawala at hindi na muli pang sumikat dahil sa insidenteng hinding-hindi niya makakalimutan. Halos 8:30 nang gabi siya nakarating sa Cafe kung saan siya nagpa-part time upang magkaroon ng sapat na financial support para sa kanyang pag-aaral, ayaw niya kasing makadagdag pa sa iniisip ng kanyang ina at step-father.



"Eto po Manong, salamat po." Binigay niya ang pambayad sa driver at tahimik na kinuha. Mabilis na pumasok ang dalaga sa loob ng Cafe at dito naabutan niya ang kanyang ka-trabaho na kabado, tumingin siya sa tinitingnan ng kanyang ka-trabaho at dito nakita niya ang isang Senador.



"Ms. Elysse?" Tawag sa kanya ng Senador, nakaupo ito at pinagmamasdan ang mga ilaw na galing sa building na nasa kabilang kalsada. Tumingin ang dalaga sa kanyang ka-trabaho at naghihintay ng rason kung bakit andito ang tanyag na Senador ng Pilipinas.



"Hindi ko alam, ang alam ko lang kanina ka pa niya hinihintay." Sambit ng kanyang ka-trabaho.



Mabilis na naglakad si Elysse papunta sa table ng Senador at dito nakatayo lamang ito.


"Ano po ba ang kailangan ninyo?" Diretsong tanong ng dalaga sa kanya, ngumisi lamang ang Senador at ibinigay ang isang puting folder at isang maliit na sobre na sobrang kapal.



"We need your participation. Name your price, this is urgent, this is for the country." Sambit ng Senador, nakasuot lamang ito ng dress shirt na kulay puti at bitbit ang coat na itim na mayroong simbolo ng watawat ng Pilipinas.



"Bakit ako sasang-ayon sa inyo? Hindi ko ibinebenta ang aking sarili sa mga walang kabuluhang bagay, kung kinakailangan mo ng tulong ko pwes kailangan ko ng sagot." Sambit niya, bago ito tumalikod.



"You'll find your answers inside." Iniabot sa kanya ang isang folder na may nakalagay na top secret.



Binuksan niya ang folder at dito tumambad ang litrato ng kanyang kapatid, habang sa sumunod naman ay ang crime scene photos at ang huli naman ay ang isang pamilyar na mukha. Ang mukha ng lalaking nagligtas sa kanya, ang lalaking palaging narito at bigla na lamang nawala.



"Ang pangalan niya ay Yugen, iyan na lamang ang natitira naming impormasyon sa kadahilanang mayroong espiya ang nilalang na iyan, alam kong alam mo na totoo ang lahi nila, totoo ang mga demonyo." Sambit ng Senador.



Mabilis na inilipat nito ang unang pahina, ang litrato ng kanyang yumaong kapatid.



"At ito? Ano ang kinalaman ni Yugen sa kamatayan ng aking kapatid?" Tanong ng dalaga, at dito sinabi ng Senador ang lahat ng kanyang nalalaman, ang kanyang grupo ang tumutugis sa Demonyo na si Yugen, marami na ang sumubok at isa na rin ang Senador sa mga nasabing grupo.



"Pinatay ni Yugen ang iyong kapatid, Elysse. Pinatay niya ang iyong kapatid." Sambit nito, dito nagkaroon ng katahimikan sa buong lugar.



Hindi malaman ng Senador kung bakit nagsimulang lumakas ang ihip ng hangin kahit na air-conditioned ang buong lugar, tumingin siya sa dalaga na nasa counter at lumunok na lamang siya sa sobrang takot. Ang dalaga ay wala na at naging abo na lamang, ang buong lugar ay nagbago, ang mga dingding, ang upuan, ang mga muwebles ay nasisira.



Tumingin siya sa dalaga na ngayon ay kulay itim na ang mga kulay ng mata.



"Nanahimik ang aking sarili, nanahimik ako ng sobrang tagal na panahon at ngayon babalik kayo, babalik kayong mga tao sa aking paraiso, sa aking tahimik na buhay sa inyong mga kagustuhan na patayin ang lahat ng lahing inilikha at prinotektahan ng Pamilyang Angeles?" Mabilis na kinuha ng Senador ang kanyang baril at itinutok ito sa ulo ng dalaga, isinawalang-bahala na lamang ng Senador ang pagkalabit ng baril at pumutok ito.



Ngunit ang inaasahan niyang mamatay ang dalaga ay nawala, tumagos lamang ang bala at ngumisi na lamang ito.



"Hindi ako tao, hindi halimaw ang katulad namin, kayo ang gumawa samin, kayo ang mga halimaw na nagparanas sa sarili niyong lahi kung ano ang halimaw at kung ano ang iyong mga pagnanasa." Mabilis na isinakal ng dalaga ang Senador, mabilis nitong dinurog ang mukha nito hanggang sa lumabas ang dalawang mata at ang utak nito sa sahig.

Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon