Sorsogon City, Philippines
August 5, 1985 - 6:00 A.M
Angeles' Residences
Malamig ang simoy ng hangin sa umaga, bagama't ay marami pa rin ang hindi maintindihan ng mga tao at lider sa Sitio, lalo na ang panganay ng mga Angeles. Nakaupo lamang ang binata sa upuan kung saan kalat na kalat ang mga papeles na ibinigay sa kanya ni Kruen, kasama niya ang kanyang kaibigan at binabasa ang mga report sa gobyerno sa loob ng isang taon, dito nabasa niya ang pagsunog ng mga buong arquetipo.
"Imposibleng mga arquetipo ang mga sumugod sa atin, mga bagong nilalang ba ito?" Tanong ni Kruen na minamasahe ang kanyang sintido sa sobrang daming impormasyon na kanyang binabasa, nakapunta pa sa mga isyu ng mga nagdaang taon, ang mga korupsyon na ginawa ng mga politiko na pinatay ng mga Konseho at ang iba pa.
"Nagsisimula na ang paglibing kay Fernis at Julo." Sambit ni Hiraya, sumindi na lamang ito ng sigarilyo matapos mabalitaan na namatay ang pinakamatandang duwende at ang kanyang kaibigan na si Julo na sinasabing pinatay ni Lydia. Nasa kwarto ang dalaga habang si Lia ay kasama si Mira na nakikipag-ugnayan sa mga Tikbalang at duwende.
"Hindi akong naniniwala na patay na si Julo, Leon." Tawag ni Kruen kay Hiraya, umiling na lamang ito, hindi nila alam kung ano ba ang totoong nangyari, noong pinapakalma ng dalaga si Hiraya ay alam nilang nanghihina pa rin ito, ramdam niya iyon pati na rin ni Yugen.
"Alam ko, malakas si Julo. Alam natin yan ngunit isang bagay lamang ang kahinaan nilang lahat, ang gintong buhok nila. Maaring may pumutol at nangnakaw nito sa kanya at inutasan na patayin niya ang sarili niya." Pangungumbinsi ni Hiraya sa kaibigan, binuga nito ang usok at ngayon ay hindi pa rin nila alam ang mga kasagutan sa pagkamatay ni Fernis at Julo.
"Hiraya, basahin mo ito." Sambit ni Kruen, kinuha niya ito at binasa ang isang diyaryo. Isa ito sa mga report ng pulisya na mayroong mga nawawalang bangkay sa mga naging biktima ng digmaan, mayroon ring mga larawan na malabo.
"Baka hindi naman to relevant na source, tingnan mo naman yung pangalan ng nagsulat." Wika ni Hiraya habang binabasa nila ito.
"L.A II?" Binasa ito ni Hiraya at agad na nakaramdan ng bahagyang paninikip at pagkawala ng kanyang hininga, doon nakita niya ang kanyang sarili na mayroong kinakausap na binata, baling-bali ang mga buto nito.
Hindi niya matandaan kung ano ang itsura nito.
"Hiraya?" Tawag ni Kruen ng makita niya kung paanong umitim ang mga mata nito, ang kanyang paghinga ay naging agresibo at kahit na hindi pa sikat ang araw ay pinagpapawisan ito. Samantala, ang demonyo naman ay nakikita pa rin ang mga nakaraan niyang ala-ala, ang paglagay nito ng isang marka sa katawan ng binata bago ito mawalan ng malay at umalis na lamang ng parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasyMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020