Prologue

227 9 0
                                    


Pababa pa lamang ang munting araw, ang mga tao sa daan ay halos 'di-mahulugang karayom, nasa Quiapo, Maynila ang isang binatilyo, nakasuot ng marahang hindi pangkaraniwang na kasuotan sa modernong panahon, nakasuot ito ng mahabang itim na kapa, animo'y isang miyembro ng kulto o kung ano man, hindi ito napapansin ng mga tao sapagkat abala ang mga ito na bumili ng kani-kanilang kagamitan para sa nalalapit na pasko at bagong taon. Lumalakad lamang ito, palapit sa simbahang pangkatoliko, ngumisi at mistulang isang kakaibang pagkatao ang lumalabas sa kanyang sarili. Marami-rami ang nakapansin ngunit hindi pa rin nila ito pinapahalata sapagkat akala nila ay isa lamang sa mga baliw sa daan na marahil ay normal na lamang sa bansang Pilipinas.



Naglalakad ito patungo sa mga bangko na nasa labas lamang ng simbahan patungo sa pinakalikurang bahagi, sa kakaunting tao na makakapansin at makakita, sa likuran nito, doon nagmistulang mayroong barang na nakaabang para sa kanya, dito niya na lamang napansin na marahil ito nga ang hinahanap niyang lagusan patungo sa isang mundo na matagal na niyang hinahanap. Ngumisi ito ng makita ang mga abalang tao ay nagmistulang naestatwa, hindi gumagalaw, waring mayroong mahika o barang na ipinakita sa kanya noong unang panahon, katulad sa mga alamat at aklat na mga nababasa niya noong siya pa lamang ay mistulang walang alam sa mundo. Mayroong lumabas na hagdan, pumasok ito at nagsimulang maglakad na mistulang isang hindi pangkaraniwang nilalang.



Huminto ang bawat paghinga, bawat isipan, bawat galaw ng mga nakikita niya, ito ang simula ani niya, at ito rin ang wakas ng mga bawat hinagpis, kasakiman. Sa dulo ng hagdan nakita nito ang isang mistulang higanteng diyamante, mistulang hugis tao, ngunit napakalaki nito, nakita nito ang kanyang matagal nang hinahanap, si Sitan.



Lumapit ito at ibinulong ang matagal nang propesiya na ibinigay sa kanya, ang pagbangon ng kanilang lahi, ang mga Dalaketnon.



Sa bawat pagbigkas ng kung anong lengguwahe , dito nagmimistulang natutunaw ang diyamante, natutunaw at lumalabas ang bawat kapangyarihan na matagal nang nakakulong, isang gabi. Sa malalim na gabi, dito nagsisimula, ang propesiya, ang yugto at ang pagkawalang pag-asa.

Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon