"Habang ang mga estranghero sa gabi, habang sila ay pumapatay, andito tayo. Nagtatago at hinihintay ang kamatayan."
-
Iilang lingo ang nakalipas, matapos ang mga kaganapan sa pamilyang Angeles sa isang sentrong bayan, kilala ang pamilyang ito sa kadahilanan na mayroong kayamanan ang mga ito na hindi mo maisip kung saan galing, ang sabi-sabi ng iba ay galing ito sa kurapsyon ngunit wala namang nakakapagpatunay, iisang lang ang katotohanan-mayroong karumal-dumal na nangyari sa mga Angeles noong gabing iyon.
Yan na lamang ang nasa isipan ng kanyang kaibigan, si Kruen, habang hinihintay ang pagdating ng babae at ang imbestigasyon na nangyari sa lugar ng kanyang kaibigan na tinatawag niyang Raya, nakita nila sa mga litrato ng crime scene ang pagkamatay ng mga kasambahay, ang mg nakasama ni Raya sa buong buhay niya ay ngayon wala na habang ang binatilyo ay nakahiga sa hospital bed, nasa estado ng walang kamalayan sa mga nangyari. Sa living room ng hospital sapagkat nasa private room sila na tinulungan naman ni Kruen Delos Santos ang kaibigan nito na makuha ang kwartong ito sa tulong ng kanyang mga magulang sapagkat sila ang may-ari ng hospital na ito, ang mga gamit ng binata ay nasa lalagyan. Ayon sa mga awtoridad isang mabangis na hayop ang may kagagawan, ngunit sabi-sabi ng iba ay sinadya raw ito sa kasalanan ng mga Angeles sa ibang mga tao, hindi iyon alam ni Hiraya, walang-alam ang binatilyo sa mga pinagsasabi ng mga tao tungkol sa kanyang pamilya.
Ngunit hindi naman matatanggap ng mga iilang pamilyang malapit sa mga Angeles na isa itong aksidente, walang naniniwala at kasama na rito ang iilang kakilala, kaibigan ng binatilyo sapagkat mayroong nawawalang kasamabahay at iyon ay si Vicky Gonzales, walang sapat na ebidensya ang iba sa kanila na ito ang may kagagawan at si Hiraya lamang ang makakapag-sabi, hanggang ngayon nasa persons of interest o prime suspect ang kasambahay hanggang hindi nahahanap ang bangkay nito, ngunit mayroong bakas ng mga tuyong dugo sa kagubatan kaya mayroong awtoridad na hanggang ngayon ay naroon sa bahay ng mga Angeles.
Habang ang natutulog na Hiraya at ang ibang kaibigan nito ay nag-aalala, ang kanyang tiyuhin na si Matthias ay biglang nagpakita sa kanila, bukod sa pagtuturo sa unibersidad na pinapasukan ni Lia, Kruen at Hiraya, mayroong trabaho ito sa iba't ibang bansa bilang propesor, ang bansang pinupuntahan niya ay Japan, America, at sa Pilipinas. Hinihintay ang paggising ng kanyang pamangkin habang ang iba naman ay natutulog sa kwartong bakante, ito ay isang pribadong hospital na pinagmamay-arian ng pamilya ni Kruen habang ang kanyang mga magulang ay nasa Bicol at roon inaasikaso ang iba pa nilang hospital. Lumabas ito pumunta sa parking lot at dito inalabas ang kanyang isang kaha na sigarilyo, sumindi ito at humithit.
Sumunod sa kanya ang Propesor at sumindi na rin, dito nakatingin sila pareho sa madilim na pasilyo at medyo sirang-sira na mga ilaw sa poste, habang si Matthias ay nakasuot pa rin ng dress shirt, hindi nito hinayaan ang ilang oras at ang mga panahon na nalalaan para sa kanyang pamangkin. Habang ang kanyang ama ay nabalitaan ang pagkamatay ng kanyang kapatid ay uuwi raw ito.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasyMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020