Mabilis na lumipas ang ilang araw at ngayon ay nasa isang unibersidad ang nagngangalang Lia, kausap nito ang isang estudyante na lalaki, kung hindi mo kilala ang binata ay marahil iisipin mong magkasintahan ang dalawang ito pero sa katunayan ay isa lamang ito sa mga tinuturing ang bawat isa bilang mga estranghero.
"Ano ba? Paulit-ulit ko na ito sa'yo tinuturo. Hindi mo pa rin ba kabisado?" Sambit nito sa binata, bagamat ay pareho silang nasa edad na labing-pito. Isa ito sa mga ka-batch niya noong elementary at ngayon ay ka-batch niya nanaman ito sa senior high, pareho na silang graduating ngunit maihahambing mo ang dalawang ito bilang mga taong-hindi tumatanda.
Halos ilang araw ng dalaga na iniiwasan ang binatang ito, "Jen! Ano ba? Hindi nga kasi Aneurysm ang sagot sa number 2, madali lang naman yan eh." Pagmamaktol ng dalaga habang ang binatang nagngangalang Jen ay kinakamot na lamang ang kanyang ulo dahil sa hiya habang ang mga ka-barkada ng binata ay pinagtatawanan ito.
"Tama na kasi yan, Jen! Alam mo naman ang sagot dun, nagdadahilan ka lang riyan eh!" Sigaw ng isa bang binata na kanina pa siyang tinatawanan, isa ito sa mga matalik na kaibigan niya, si Raphael, mas kilalang Paeng.
"Ano ba! Ah Lia, balik na lang ako mamaya," sambit ni Jen, mabilis na umalis ang binatang Jen at sumama sa mga ka-barkada nito, mabilis na lumipas ang oras at muli naroon si Lia sa rooftop ng kanilang university, kitang-kita nito ang paglipas ng araw, maraming oras ang nawala, ang mga pagkakataon ngunit hinihintay niya pa rin ang tao, hindi. Hindi tao ang tumulong sa kanya, inalala niya ang huling sandali na nakita niya ang binata.
Madilim na mga mata, mga sugat at sariwang dugo sa katawan nito, mga iyakan sa bawat pagtingin niya sa kanyang paligid, dugo at ang kamatayan.
Ang kamatayan ni Nina, ang kanilang kinupkup na bata at hanggang ngayon ay nasa kanyang isipan ang kambal. Isa ba ito sa katulad ni Nina? Mga aswang? Kung totoo man ang kanyang hinala, bakit sila nito ginambala, ang kanyang tahimik at malayang pamumuhay sa Maynila ay ang kanyang dahilan upang magpatuloy muli, ang kumupkop sa kanya ang matandang walang-awang pinatay ni Nina sa kadahilanan na kumukulo na ang tiyan, ang mga hiwalay na katawan ng matanda ang palagi niyang naaalala.
Iniisip niya palang ang iyak, ang sigaw, at ang pagsigaw ng kanyang pangalan ay sumasakit na ang kanyang ulo at nilalamon ng pagsisisi sa kanyang sarili.
"Kahit na binalaan na kita, isa ka pa rin sa mga suwail na binabantayan ko sa buong Maynila, Miss Corden." Sambit ng malamig na boses, pamilyar sa kanya, marahil isang boses ng demonyo. Lumingon ang dalaga at doon nakita niya ang demonyong nagbabantay sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat at inosenteng tanong ni Lia sa demonyo, nakasuot lamang ito ng black suit at itim na pants, naka-buttons down pa ang longsleeve nito.
"Bumisita." Iyan lamang ang kanyang sinabi sa dalaga, ibinalik nito ang tingin sa mga maliliwanag na ilaw ng siyudad, isa sa mga pinaka-ayaw ng demonyong nagbabantay sa kanya ang maraming ilaw, masyadong polusyon sa kanyang mata ang liwanag.
"Bakit ka narito, Demonyo?" Tanong muli ni Lia, hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagkainosente. Iyan ang nasa isip ng demonyo, tumalon ito at agad tumabi sa dalaga. Napalayo naman ang dalaga sa takot at pangamba kung ano ang magagawa nito sa kanya. Nasa kanyang isipan ang isahang pagpatay sa nilalang na umatake sa kanya--si Nina, isang maharlikang aswang na hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa kanya.
"How's your wound?" Tanong ni Raya, nakatingin pa rin sa maiingay na mga pagmamaneho ng mga tao, mga nasusunog na kaluluwa, mga haliparot sa gabing ito. Isa iyan sa mga naamoy ni Raya habang ang kanyang katabing dalaga ay isang engkantong walang alam sa kanyang mundo.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasyMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020