XXI

21 3 0
                                    

Sorsogon City

August 4, 1985

Angeles' Residences



"It was always been the right thing to do, for the greater good." Sambit ni Santi, nakaupo lamang ito sa upuan, nakatingin sa dalawang nilalang na naguusap sa labas ng kwarto. Tumingin si Hiraya sa kanyang Lolo habang si Lia ay hawak-hawak ang pusang nagngangalang Psyche. Bumaba ito at pumunta sa higaan at natulog na lamang.



"How's Yugen?" Umiwas na lamang ng tingin ang kanyang Lolo, habang si Lia ay umupo sa kama, hinihintay rin ang desisyon ni Santi kung sasabihin pa rin ba ni Santi ang nangyari sa kapatid ni Hiraya at sa iba pa na mga kapatid niya.



"He's resting, iyon din ang naging desisyon niya." Sambit ni Santi habang tumayo at pinalpagan ang kanyang pantalon dahil sa alikabok, kilalang maarte ito sa dumi at metikuloso. Malapit na ang hating-gabi.



"Ang Konseho?" Tanong muli ni Raya.



"Buhay silang lahat, Hiraya, except for Elysse and maybe that's the cost of saving you during your unconciousness." Sambit ni Lia at tumayo at binuksan ang isang kabinet.





"Marami ang nagbago, matapos ang digmaan sa Maynila. Nagkaroon ng katahimikan sa lahi natin at sa lahi ng mga tao sa tulong ni Jeneve at ni Alex." Kumunot ang noo ni Hiraya ng marinig ang pangalang hindi sa kanya pamilyar.



"Alex? Yung babaeng mangangaso?" Tumango na lamang si Santi at hinihintay na ipakita ni Lia ang hinahanap nito sa kabinet.



"Potang Ina, nawawala Santi!" Sigaw ni Lia habang paulit-ulit nitong hinahanap ang isang antigong orasan na kinuha ni Hiraya noong lumipas ang ilang taon sa kaharian ng Biringan.



"Nasa Manila ang bagay na iyon, Lia." Malamig na sambit ni Hiraya, mabilis siyang umalis sa lugar gamit ang kanyang kapangyarihan.



"Ano ang desisyon mo ngayon Hiraya?" Tanong sa kanya ni Santi, habang walang ganang umupo sa sahig ang binata, nakatingin lamang sa kanya si Lia habang hinihintay ang desisyon ng kanyang nobyo.



"Kailangan ko ang dugo mo Santi, tawagin na rin natin ang iba pa." Sambit niya bago hinithit ang sigarilyo at tinapon na lamang sa labas ng kwarto niya.







"Kailangan din natin si Kruen at Inigo." Sambit nito



"I'll call Yvette." Sambit ni Lia habang lumabas at tinatawagan ang telepono sa bahay ni Bakunawa at Inigo o mas kilala bilang Julius sa bago nitong anyo at pangalan.





"Paano ang mga taong nasa sala? Ang mga magulang mo?" Tanong ni Santi, umiling na lamang si Hiraya at ipinaliwanag sa kanya ang lahat, ang kinilalang magulang ni Hiraya ay mga tambal at namatay ito dahil sa pag-aaklas sa kanya nuon, ang Vicky Gonzales ay matagal ng namatay noong digmaang aswang at ginawa na lamang niya iyon para magkaroon ng hakbang at makita kung sino nga ba talaga ang totoo sa kanya at ngayon ay alam na nilang lahat kung ano ang mga iyon.



"Paano ang mga tao?" Tanong pa rin ni Hiraya, sa isang salita niya, biglang dumilim ang buong bahay, nawala ang kabaong sa ibaba, habang ang mga taong inaakala nilang lahat ay mga kaluluwang ligaw na pinatay niya nuon pa man.







Habang sa labas ng bahay, marami ang tumitingin sa bahay ng mga Angeles, ang kanilang mga mata ay kulay pula at ang iba naman ay ginto, at ang iba naman ay kulay lila. Marahil pinagsama-sama na mga aswang at mga Dalaketnon sa kanilang mga lahi.





Mabilis na tumalon ang ilang aswang at tumakbo papunta sa loob ng bahay at dito pwersahang pinasok ang bahay ng mga Angeles at agad na pinuntirya ang isang dalaga, habang tinatawagan nito ang numero ng kanyang kaibigan ay bigla na lamang naputol ang linya habang nag-uusap ang dalawa.



Mabilis na sinakal ni Lia ang isang aswang na tumalon patungo sa kanya, habang si Santi naman ay ihinanda ang kanyang armas na espada ngunit bigla na lamang nawala si Hiraya, nakarinig na lamang ang matanda ng isang malakas na ingay na galing sa kwarto at dito nakita niya ang isang demonyo, ang kanyang apo.



Nakita nito kung paanong hinati ang laman ng dalawang aswang gamit lamang ang kanyang sariling lakas.



Mabilis na sinugod ni Santi ang aswang na tumalon patungo sa kanya at pinugutan ng ulo, habang ang mga dalaketnon ay hawak-hawak ang isang dalaga.



Tumingin ang dalawang nilalang at muli naramdaman ng mga nilalang kung sino nga ba talaga ang halimaw sa kinatatayuan nila, mabilis na pinugutan ng ulo ang isang dalektnon hanggang sa dumami at dumami pa ang mga nawawalan ng buhay.



Tumingin ang dalawang nilalang at dito nila nakita ang sugatan na katawan ni Lydia, habang si Lia ay sinasakal ang isang aswang habang mabilis niyang naramadaman ang galit at hinagpis sa kanyang pakiramdam, hindi niya ito nararamdaman ngunit ang nararamdaman ito ni Hiraya. Mabilis niyang pinutol ang ulo ng aswang habang ang ibang aswang at mga dalaketnon ay mabilis na namamatay dahil sa kapangyarihan ni Lia na gumawa ng itim na apoy gamit ang kanyang isang kamay. Isa ito sa mga kapangyarihan niya.



Mabilis nitong naubos ang mga nilalang na sumugod sa kanila, tumakbo ito patungo sa kwarto ni Hiraya at dito naabutan ang kanyang nobyo na nakatingin sa isang katawan, ang katawan ni Lydia, wala pa rin itong malay kaya naman ay mabilis niya itong nilapitan at kinuha ang kamay nito, tiningnan kung buhay pa ba ang dalaga o hindi na ngunit wala siyang makita na pulso.



Wala rin siyang naririnig na tibok ng puso at ngayon ay nararamdaman niya ang panlalamig ng katawan nito.



"Lydia, gumising ka pakiusap!" Sigaw ni Hiraya, habang si Lia ay ginagawa ang lahat upang mabuhay ang nakakabatang kapatid ni Hiraya. Mabilis na nakarating ang tatlong nilalang gamit ang kanilang kotse. Tumingin ang dalawa sa bagong dating na kotse.



"Bilis!" Sigaw ni Inigo at tumalon patungo sa mga aswang na tumatakbo pabalik sa kagubatan, kasama nito ang nobya na si Yvette o mas kilala bilang Bakunawa sa kanilang lugar, habang si Kruen ay mabilis na ihinagis ang kanyang sandata sa isang aswang na tumalon patungo sa kanyang mga kaibigan.



"Lia! Hiraya!" Sigaw niya at dito nakita niya si Lydia, tahimik na nakahiga sa kamang nakatiwang-wang.



"Buhay pa rin siya, ngunit nawawala ang kanyang kaluluwa. Kailangan natin si Mira ngayon, nasaan ba siya?" Tanong ni Kruen sa dalawa.





"Nasa mundo nila, siguro ay alam na niya ang nangyari at patungo na rito." Sambit ni Santi na halata mo ang pagod at pag-aalala sa kanyang mga apo.





"Ini-isa isa nila tayo, Santi." Sambit niya, mabilis na nakarating ang isang agila.



"Mira." Mabilis na nagbagong anyo ang ibon at naging anyong babae.



"Hindi pa tapos ang kaguluhan. Mayroong bumuhay sa mga arquetipo." Sambit ni Mira, tumingin ang lahat sa kanya. Habang ang dalawang nilalang na si Yvette at Julius ay kakarating pa lamang.



"Alex, trinaydor tayo ni Alex!" Sigaw ni Lia, biglang dumilim ang mga mata ni Lia at mabilis na tumakbo patungo sa kagubatan, sumunod naman si Hiraya habang ang iba naman ay binantayan ang nakahiga na si Lydia.



"Lia!" Sigaw ni Hiraya ngunit mabilis ito nawala sa kanyang paningin, marahil ay nakapasok na ito sa Sitio kung saan naroon ang dalagang nagngangalang Alex.





"Damn, when did my girl become so hot-headed?" Mabilis itong tumalon sa isang lawa at sa kanyang paglangoy ay bigla na lamang nangdilim ang kanyang mga mata, sa kanyang pag-gising narito na siya sa Sitio Marahuyo, ang kanilang munting paraiso.



Ngunit, ang pinagka-iba lamang nito ay ang nasusunog na mga bahay at mga tumatakbong mamayanan ng Sitio at ang mga namamatay na mga ka-lahi nila.

Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon