Hiraya Leon Angeles' POV
Nakakasilaw ang sinag ng araw, iyan lamang ang maari kong sabihin. Nasa terrace ako at nakasuot nang uniporme ko. Habang ang hawak-hawak kong mug na may lamang kape ay mainit pa rin habang sa kabilang kamay ay hawak-hawak ang isang sigarilyo. Oo, tama labing pitong anyos pa lamang ako at nagsisigarilyo sa mag araw na ito.
Kakagising pa lamang ng araw at kitang-kita ko ang pagapaw ng liwanag sa kagubatan sa buong lugar sa bahay. Ako lamang at ang mga katulong na simulang pa lamang sa sampung taon pa lamang ako ay narito na sila sa akin. "Hiraya, it's time for your breakfast." Sambit ni Manang Vicky, nakasuot ito ng itim na uniporme at may hawak-hawak na tray para sa aking mug.
"Maganda umaga, Manang Vicky." Kaswal na bati ko sa kanya, siya ang Mayor Doma sa mansion na ito. Habang ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa dahil may business trip ang kompanya ng aking Lolo.
"Walang maganda s aumaga, kung palagi kang ganyan. Ke bata-bata mo pa at natuto ka na magsigarilyo!" sigaw nito at alam kong mali ang ginagawa ko ay umiling na lamang ako habang nilagay na lamang sa ash tray na nasa loob ng sala.
"Manang, hindi na ako bata." Sambit ko at nagsimula nang pumasok sa C.R upang magsimula ng linisin ang aking bibig gamit ang sipilyo.
"Oo nga, hindi ka na ang Hiraya Leon Angeles na aking inalagaan noong sampung taon. Pero dapat alam mo na ang tamas a mali, hindi ba?" sambit nito at nagsisimulang maglinis ng mga kalat sa buong sala. Maraming papel ang mga nakakalat sapagkat gumagawa ako ng report at mga rebyuwer para sa nalalapit na college entrance exams sa mga universities as well as periodical exams sa university na pinapasukan ko.
"Pasensya na po, Manang Vicky. I'm just too stressed out with these fucking obligations in our university." Sabi ko, pagkatapos nun ay binuksan ko na ang faucet at nagsimulang alisin ang toothpaste na nasa aking bibig.
"Language, Leon." Pagbabanta nito, lumabas ako ng C.R na nakakamot sa ulo habang tumatawa ng peke.
"Sorry for that, Manang Vicky." Kamot pa rin ang aking ulo habang sabay na kaming bumaba patungo sa dining area. Nakahanda na ang mga pagkain habang ang mahabang mesa ay walang ibang pinggan na nakahain kundi ang sa akin lamang. Formality, again?
"How many times do I have to ask to all of you, all of you can dine with me?" sambit ko. Walang nakikinig kaya naman ay nawalan na ako ng gana. Umalis na lamang ako ng walang paalam sa mga kasama ko sa bahay.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasyMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020