XV

30 2 0
                                    

Lumipas ang ilang oras, matapos ang insidente sa isang abandunadong building at ang headquarters ng mga engkanto sa buong Maynila habang ang pulisya, militar, at ang iba pang kinatawan sa buong lungsod ay tinutugis ang mga kumakalat na mga engkanto at mga iba pang uri.


Nakaupo lamang ang isang lalaki, nakasuot ng kanyang kaswal na suot, itim na polo long-sleeves, ang pantalon nito na kulay itim ay mahahalatang mamahalin, ang kanyang buhok na kulay itim ay halatang bagong gising pa lamang. Nasa isang coffee shop ito at nagbabasa ng isang dyaryo pero nakabaliktad, hindi naman talaga siya pumupunta sa coffee shop upang ilibang ang sarili. Pumupunta siya dito dahil sa isang babae.




Matagal na niya itong binabantayan.




Maganda ang tekstura ng coffee shop dahil sa kulay nito, magkahalong kulay na kayumanggi, puti, at itim. Tumingin ito sa bintana kung saan kitang-kita ang makulimlim na kalangitan, naramdaman nito ang isang presensya sa hindi kalayuan, tumingin ito sa kanyang kamay at doon nakita niya na lumabas ang isang marka, isa itong marka na mayroong panganib sa isa sa mga kapatid niya. Umiling na lamang ito at kinuha ang tasa na may lamang kape at umalis ngunit nahinto ito ng tawagin siya ng babaeng binabantayan niya. Naka-kunot ang noo nito, ang kanyang kilay ay mahahalata mong mataray, ang kanyang suot na puting sleeves at halata mo sa kanya ang puyat at pagod dahil sa malalaki nitong eyebags.




"Ano sa tingin mo ang gagawin mo, Sir?" Mataray nitong tanong sa lalaking akmang aalis na sa lugar.



"Bakit?" Inosente nitong tanong sa kanya, tinuro ng dalaga ang hawak-hawak nitong tasa, napailing na lamang ang binata at binigay sa kanya ang tasa ngunit nabitawan ito ng dalaga na ikinakunot ng noo ng binata.



"One thousand pesos, Sir." Ngising wika ng dalaga, umiling na lamang ito at naglakad palayo ngunit hinabol pa rin siya ng dalaga.





Mabilis ang bawat paglakad nito patungo sa isang parking lot malapit lamang ito, mas tumitingkad ang umiilaw nitong marka na nasa kanyang kamay, nararamdaman ng binata ang labis na pananakit ngunit iniinda na lamang niya ito.



Sa hindi kalayuan, nakasunod pa rin ang dalaga sa kanya. Nakita nito kung paano umilaw ang kamay ng binata na ikinagulat nito kaya naman sa labis na kuryosidad ng dalaga ay sinundan niya pa rin ito.



Pumasok ang binata sa loob ng parking lot, habang sinisigaw ang isang pangalan.



"Iñigo!" Sigaw ng binata, sa pagtakbo ng binata ay ang pagtakbo rin ng dalaga sa loob ng gusali ngunit ang akala niyang binata ang sasalubong sa kanya ay mga bangkay ng mga kasamahan ng isang opisyal na heneral sa kanilang bayan. Tumingin ito sa bawat sulok at doon niya nakita ang isang dalaga na walang saplot habang nakatayo lamang ang binata na sinusundan niya.


Akmang tatakbo na ang dalaga ngunit agad na tumunog ang selpon nito, rinig na rinig sa bawat sulok at sa buong lugar ang pagtunog nito, nanginginig na pinapatay nito ang tawag sa kanya ng kanyang ka-trabaho.


Mabilis na nagtakbo ang dalaga patungo sa labasan ngunit bigla na lamang naging madilim ang buong lugar, ang kaninang kotse na maayos tingnan ay naging isang wasak na wasak na mga bagay, ang byong lugar ay tahimik ang mga nasusunog na bangkay. Tumingin ito sa kanyang likuran at doon nakita ang isang alikabok na umiilaw, nasa harapan nito ang binatang sinusundan niya ngunit ang ipinagtataka niya ay ang isang nakakatakot na presensya na nasa kanyang kaliwang paningin, tumingin ito at nakita niya ang isang babae, maganda ito at makinis ang balat.



Ngunit nakakatakot ang kanyang mga mata, ang matingkad na kulay kahel at ang mahabang buhok na kulay itim ay hindi mo makikita sapagkat ay madilim ang lugar.



Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon