"Kailangan bang palagi mong pinapairal ang emosyon mo?" tanong ng isang lalaki habang nakatingin sa lapida ng isang kilalang megosyante sa buong syudad na kinalikahan niya habang ang nakasuot ng salamin, dalawang taon na rin ang lumipas ngunit ang lalaking nakaupo pa rin sa damuhan ay walang pinagbabago--- sa ugali, pananalita at tindig.
"Hindi mo ako maiintindihan Raya." sambit ng lalaking nakaupo habang ang binatang nagngangalang Hiaray ay walang ekspresyon ang mukha at nakatingin na rin sa lapida ng kanilang kasamahan. Dalawang taon na rin ang lumipas simula ng mamatay ang kilalang negosyante.
"Mahuhuli na tayo." paalala nito habang nagsimulang maglakad papunta sa parking lot ng Public Cementery.
"Anong nararamdaman mo? Noong pinatay mo siya?" natigilan ito sa kanyang paglalakad ng marinig nito ang tanong sa kanya ni Matthias.
"I don't have a choice." sambit nito at tinalikuran ang lalaki, sa kanyang pagpasok sa kotse, dito binuhos ang damdamin na matagal na niyang hindi pinapakita sa iba, dito binuhos ang galit sa sarili at ang pagsisisi sa kanyang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay pawang isang ihip ng hangin ang dumaan at bigla na lamang nawala ang kanyang nararamdaman.
Mabilis na pinapahururot ang kanyang sasakyan at ipinarada sa isang lumang mansion, malayo-layo ito sa syudad bagkus nasa isang magubat at hindi agad makikita ng mga awtoridad.
Pumasok ito agad sa loob at naabutang nagpupulong na ang kanyang mga kasama, hindi na siya hinintay at pabor ito sa kanya dahil malalaman niya kung sino ang maasahan sa oras ng kinakailangan nilang humarap sa matinding unos.
"Ano sa iyong palagay, Raya?" tanong sa kanya ng dalagang bagong recruit sa kanilang grupo, matagal na itong kabilang at alam niya na matalino ito pagdating sa estratehiya na gagawin nila. Isa din itong kalahating tao at engkanto, katulad ng karamihan na nasa kanyang harap.
"Dagdagan niyo ang pwersa sa likurang bahagi ng bawat exit points ng lugar." sambit ng binata.
"Sino mga baguhan?" tanong niya, madaming tumaas ang kamay. Karamihan ay nasa labing siyam na edad at ang iba naman ay nasa labingapat.
"Isa lamang ang hinihiling ko sa misyon." sambit nito, kinuha niya ang isang espada na matagal na niyang hindi nahahawakan.
"H'wag kayong mamamatay." sambit nito at nauna ng lumabas sa mansyon, nagsisilbi itong headquarters ng kanyang nasasakupan, halos ilang taon pa lamang ngunit wala pa ring pagbabago sa alitan na mayroon ang lahi nila at sa lahi ng mga aswang, sa ngayon ay pawang isang masaker ang nagaganap gabi-gabi dahil sa kanilang gyera.
Nakatingin lamang siya sa kakahuyan kung saan nakadestino ang isang maharlika na kalahi ng kanilang kinasusuklam na lahi, dito nakita niya ang halos sandamakmak na mga buto ng sanggol, bata at mga inaagnas na katawan ng mga tao.
Ang plano ay papalibutan nila ang bawat daanan ng mga halimaw.
at patayin ang lahat ng ito.
"Simulan niyo na." mabilis na gumalaw ang kasamahan nito at palihim na pinapatay ang bawat bantay, sa loob ng ilang minuto ay napapalibutan na nila ang pinuno ng pugad. Dito nagulantang ang mga halimaw at mabilis na natapos ang kanilang misyon.
Ngunit, naisahan sila nito, maraming lumabas na mga kasamahan nito na nanggaling sa langit, dito paisa-isa namamatay ang kanyang kasamahan at iilan na lamang ang nabubuhay.
Nakatago ang lahat sa isang kweba, nagsisimulang magplano muli at sa hindi nila inaasahan ay pinatay ng walang kaawa-awa ang kasama nito.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasyMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020