XVI

39 3 0
                                    

Angeles' Residence

Municipality of Gubat

Brgy. Paradijon

Sorsogon

Enero 4, 1984



"Kuya." Malamig na bati ni Peya, naglakad ito papasok sa silid habang inililibot ang tingin sa mga muwebles, libro, o kahit saan pa man h'wag lang sa kanyang nakakatandang kapatid, isinusuka niya ito. Iyan lamang ang nasa isip niya.



"Mukhang bumalik na rin lahat ng ala-ala ninyong dalawa." Sinulyapan niya ng tingin ang babaeng kasama ni Hiraya, nakasuot ito ng dress na sakto lamang sa kanyang sukat, kitang kita nito ang maputing balat, ang mga kurba ng katawan nito dahil sa suot nitong itim na dress habang si Raya ay nakasuot ng itim na slacks at itim na long sleeves polo.



"What's with the demon and his maiden wants to meet Peya of Biringan?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Lireo, nakatingin ito sa kanila ng taimtim.



"Ah, Lireo, magandang umaga. Kumusta sa lugar ng mga mangkukulam?" Tanong ng isang lalaki, katulad ni Raya demonyo rin ito, walang pinagkaiba sa kanya.



"Yugen." Ngiting wika ni Peya, sa kanyang likuran ay ang isang dalaga na matagal na nilang prinoprotektahan, nakasuot ito ng puting dress habang kapansin-pansin rito ang isang namumuong bakal sa kanyang palapulsuhan, isang senyales na magsisimula na ang itinakdang panahon para sa kanya.



"Bakunawa." Tumingin ito sa mga nilalang na nasa loob ng kwarto.



"Peya Angeles, Yugen Angeles, Hiraya Angeles. Ang tatlong anak ni Sitan. Ang mga kaganapan na nangyayari ay dahil sa akin, tama ba ako?" Sambit ni Jeneve, kakabukas niya lamang ng pinto papasok sa silid, wala itong suot na pang-itaas habang ang suot nitong pang ibaba ay taslan shorts lamang na marumi at nababalutan ng kulay pulang likido na ngayon ay tuyo na.



"Jeneve, saan ka nanaman ba pumunta?" Iritang tanong ni Yugen, matagal na silang magkakilala, matagal na niyang alam na mayroon pa silang kapatid, at isa na lamang ang hinihintay nilang lahat.



Sa kabilang banda, nakasuot ito ng uniporme sa isang sikat na paaralan sa lungsod, isa na lamang ang kanyang iniisip habang tumatakbo sa mahabang pasilyo ng mansion.



Rinig na rinig niya ang mga bawat tibok ng mga puso sa kanyang paligid kahit na ilang metro ang layo ng bawat kasambahay, rinig na rinig nito ang pagtibok ng mga puso, ang pagduloy ng dugo at ang bawat paghinga nito.



"Pasensya na!" Sigaw niya ng buksan niya ang pintuan sa silid, lahat sa kanya nakatingin, pati ang kanyang kakambal.



"Lydia Angeles." Nakatingin lamang sa kanya ang kambal niya habang umiiling lamang si Ivo at Lireo na umiinom ng alak na binigay sa kanila ni Bakunawa, matagal silang hindi nagkikita matapos ang isang taon, kasalukuyang nagkakaroon ng pagpupulong na itinatalakay ni Hiraya patungkol sa kilos ng mga tao.



"Bakit ang tagal mo at ano yang suot mo?" Tanong ng kanyang kakambal na si Jeneve, wala pa rin itong suot na pang-itaas, umiinom ito sa isang wine glass na may lamang pulang likido, naamoy agad ito ni Hiraya at agad itong umiiling, dugo lamang ito ng hayop na dinadakip ng mga aswang na natitira sa lugar na ito.



"As I was saying, ayon sa impormasyon na nakuha ko, mayroong armas nabuo ang mga tao, at ito ay tinatawag nilang Arquetipo." Napantig ang tenga ni Lydia ng marinig niya ito ngunit pinili niya na lamang ang tumahimik, napansin ito ni Peya kaya naman ngumisi lamang ito ng mapansin niya ito.



"Wala pa rin akong nahahanap na relevant source, sa tuwing may nahahanap man ako ay pinipili nilang magpakamatay gamit ang kanilang ngipin. Sa oras na pwersahang sirain nila ang ngipin gamit ang kanilang teknolohiya namamatay ito sa lason." Sambit ni Yugen, umiling na lamang si Hiraya.



"Wala ring nakukuha na impormasyon ang mga taga-Biringan sa mga nakukuha nilang tao." Sambit ni Peya, habang si Jeneve ay tahimik na lamang umiinom ng kanyang umagahan.



"May sasabihin ka ba, Lydia?" Tanong ni Lia, tumingin ang lahat sa dalaga at hinintay ang kanyang sasabihin.



"Marami, as far as I know ang salitang Arquetipo ay galing sa salitang espanyol na ibig sabihin ay isang experimento ng mga magagaling sa larangan ng siyensya, maaring isang uri ng mga armas na maaring magkaroon ng laban sa buong salinglahi ng mga engkanto at sa iba pang mga nilalang." Sambit niya, tumingin na lamang sa kanya ang mga kanyang kapatid, ang kanyang kakambal naman ay nakangisi habang si Peya ay malumanay na ngumiti.



Ngunit lahat nagimbal, sa isang nilalang na nasa kanilang harapan, ang kanilang pinuno.



"Kailangan kong bumalik sa Sitio, ngayon din." Sambit ni Hiraya, nakaramdam sila lahat ng pangamba at sa maaring mangyari sa mga susunod na mangyayari.



"Yugen, pumunta kayo sa Cagayan. Sumama ka sa kanya Jeneve. Kasama ko si Lia pumunta sa Sitio habang si Lydia at Ivo ay dito. Peya, kailangan ka sa Biringan." Sambit ni Hiraya habang umiinom ng alak.



Tumango na lamang ang lahat, mabilis na naglakad ang binata at iniwan ang kanyang mga kapatid ngunit bago ito lumabas sa silid ay ngumiti ito sa kanila, sa una at huling pagkakataon.





"Masaya akong nagkita-kita ulit tayo, aking mga kapatid." Sambit nito bago umalis, kasunod nitong maglakad si Lia.



--

ps: play the background music at the multimedia

6:00 P.M

Rinig sa bawat silid ang ritmo na nanggagaling sa isang instrumento, ang kanyang galaw, ang bawat pagpindot sa mga piyesa ng piyano sa silid ng binata, ang kanyang galaw ng kamay ay ang simula ng kanilang plano, ang mga bawat musikang kanyang nalilikha ay ang mga ala-alang matagal na niyang nakalimutan.



"Hiraya." Tawag sa kanya ng dalaga, matagal itong nakatingin sa kanya habang ang mga bituin sa langit ay kumikinang ay walang ibang nasa isip ni Hiraya ay ang dalagang nasa kanyang katabi, mabilis na nasilayan ng binata ang mga ngiti ng dalaga.



"Pagod ka na ba?" Tanong sa kanya ng dalaga, matagal na niya itong hinihintay na magkaroon ng oras na para sa kanila lamang, tumango lamang ang binata habang patuloy sa paggamit sa piyano na iniregalo sa kanya ng kanyang ina, matagal na itong hindi nagagamit ngunit maganda pa rin ang tunog at naalagaan ng maayos sa tulong ni Lydia.

"Matatapos din ang lahat ng ito." Sambit ng binata habang ibinubuga ang usok na nasa kanyang bibig.



"Matatapos din ang digmaang ito, Hiraya." Sambit ng dalaga.



Umupo ang dalaga sa kanya kung saan nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang kasintahan at hindi na sa muwebles.

Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon