II

101 3 0
                                    

Tumingin ako sa babaeng kanina pa nakasimangot habang si Kruen ay nasa shotgun seat. Ewan ko ba kung bakit napasama ako sa gulo ng dalawang ito, habang nagdadrive papunta sa malapit na mall, dito inaya ako ni Kruen na maging driver ng dalawa. Gamit namin ang isang suv dahil pangdalawang tao lamang ang kotse na dinala ko habang ang kotseng nasa bahay nila Kruen at ginagamit rin niya ito bilang service kung saan man siya pumupunta.



"Saan na mall?" tanong ko kay Kruen, hindi ko pa rin inaalis at patuloy na minamasdan ang babae na nasa likuran. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana na animo'y walang pakialam sa nangyayari.



"Diyan lang sa unahan, alam mo na yun!" sambit ni Kruen, habang hawak ang phone niya at alam ko kung ano ang pinagkakaabalahan nito, biglang nag-iba ang kulay ng traffic lights na nagsilbing go signal kaya naman nagdrive na kami hanggang sa makarating sa mall.


Pinababa ko na ang dalawa dahil magpapark pa ako sa 3rd floor.





Agad namang bumaba ang dalawa at pumasok sa entrance ng mall, habang ako nagmamaneho papunta sa parking lot na nasa 3rd floor, nakahanap naman ako agad ng parking slot dahil kaunti pa lamang ng mga tao dito dahil kakabukas pa lamang, tiningnan ko ang phone ko nang tumunog ito, numero ni Yvette.





Tss, agad kong pinindot ang decline button at pumunta na sa elevator papuntang ground floor, habang naghihintay na makapunta sa ground floor ay tumunog muli ang phone ko kaya dinukot ko ito sa bulsa ko at si Kruen naman ang tumatawag.





"Oh?" tanong ko sa kanya habang naghihintay, nang makalabas na ako sa elevator ay hinanap ko agad sila kung nasaan. Kaya naman pumunta ako sa gitnang bahagi ng mall.





"Andito kami sa Sunday Delight." Medyo putol pa ang pagkasabi nito kaya naman naglakad na ako papunta malapit sa entrance katabi lamang nito ang ibang fast food restaurant. Naabutan ko ang dalawa na nag-uusap halos hindi ko marinig ito dahil nagbubulongan lamang ang mga ito. Sakto naman ng tumingin sila sa akin, umupo naman ako sa katabi ni Kruen habang nasa harap naming ang babae, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nito.





"Ah, nakalimutan ko pala ipakilala saiyo. Si Lia nga pala." maikling pagpapakilala niya, tumango lamang ako at hindi na muli siyang tinapunan ng tingin. Wala naman masyadong nangyari ngayong araw.





Dumating na ang waitress at tinanong kung ano ang order namin, sinabi ko na ang order ko at hinayaan ko na lamang ang dalawa na pumili sa kanilang order, habang nag-uusap ang dalawa ay napatingin ako sa dako ng leeg  ng waitress. Mayroong marka sa kanyang leeg nagtataka man ay nakita ito ng babae, tinago nito at agad na umalis ng matapos sabihin ni Kruen ang order nila.





Binigay naman nito ang order naming tatlo makalipas ang ilang minuto ng paghihintay, habang kumakain ay napansin ko ang isang lalaki na nakatingin sa aming tatlo, nakita kong umalis ito at pumunta sa comfort room, tumayo ako at hindi pinansin ang pagtawag ni Kruen at mabilis na sinunda ang lalaki.


Pumasok ito sa isang cubicle, pasimple kong nilock ang C.R at walang pag-aalinlangan na malakas kong sinipa ang pintuan ng cubicle na pinasukan ng lalaki. Sirang-sira ito at agad tumambad ang isang  lalaki na naninigarilyo.


"Yo." sambit lamang niya, kwinelyuhan ko ito, nahulog ang hawak-hawak nito sigarilyo at nakangisi lamang sa akin.


"What do you want?" Walang ganang tanong ko sa kanya, habang naka-kwelyo pa rin.


"The usual, Mr. Angeles. Ang bayad mo." sambit nito sa akin, I just sighed and give a bunch of money to him, madali akong umalis sa sirang cubicle ngunit bago ako makalabas ay muling sumigaw ang lalaki.





Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon