XIII

43 3 0
                                    

December 25, 1983

During the Attack

Sorsogon City, Sorsogon

Habang ang sentro ng lungsod ay nagkakagulo, sa isang parte ng kagubatan bago dumating sa siyudad mayroong nakaupo na isang binata, mahaba ang gintong buhok nito, ang kanyang balat ay maputla, mayroong hawak na isang sibat.



Sa kanyang katabi ay ang isang dalaga, matagal na silang naging tahimik. Ang dalawang nilalang na nababalot ng mga misteryo, ang buhok nito ay kasing-itim ng gabi, ang kanyang tainga ay matutulis at ang kanyang malalambot na balat ay maputla ngunit mas maputla pa ang sa binatang kasama niya.



"Hindi pa ba tayo kikilos, Lireo?" Nakatingin lamang ang dalaga at nakatayo lamang ito sa sanga ng punong narra, ang kanyang mata ay kulay kahel. sa kanyang katabi naman ay ang binatang matagal na ring nabubuhay sa mundong ito. Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila siya nabuhay kaya naman ay marami itong nalalaman sa mundo ng mga tao habang ang dalagang kasama nito ay katulad rin niya. Dating magkalaban ang kanilang lahi ngunit matapos ng digmaang pandaigdigan ay nagkaroon ng pagkakaisa sa dalawang lahi.



"Matagal na tayong itinakwil ng kanilang lahi." sambit ni Lireo habang kitang-kita niya ang isang sanggol na bumagsak sa ere, kagagawan ito ng isang manananggal, mga halimaw at kung tutuusin ay katulad din nila ito. Mga halimaw.





"Namamatay ang mga inosente, Lireo." Umiwas lamang ng tingin ang dalaga sa tuwing nakikita nito ang mga bangkay ng mga sanggol, bata, matatanda. Maraming inosente.





"Alam ko, hindi na natin ito gulo, Lia." Sambit nito, nakatingin lamang si Lireo sa isang binata, iika-ika itong maglakad. Akmang tatakbo na ito ng makita niya ang isang anino. Isang sa mga hindi niyang inaasahan na kikilos sa mga ganitong pagkakataon, isang demonyo. Nakatingin na rin si Lia sa aninong iyon, maging siya ay nagulat sa ginawa nito.





"Kumilos na siya, Lireo." Sambit ng dalaga, akmang tatalon na ito at pumunta sa lugar na iyon ngunit agad na pinigilan ni Lireo ang dalaga, tumingin lamang ito ng matalim habang ang iba nitong kasama ay kumilos na rin.





"Magsitigil kayong lahat!" Sigaw ni Lireo, ang mga tamawo at engkanto ay tumingin lamang sa kanilang dalawa. Isa na dito ang malapit na koneksyon sa demonyong tumulong sa tao.





"Lireo, hindi ka ang susundin namin." Sambit ni Ivo, isang kapre. Tumalon ito patungo sa harapan niya, matagal ng nawala ang binata dahil sa isang misyon at ngayon ay bumalik na siya. Sa kanyang pagbalik marami ang nangyari at kahit sino ay makakapagsabi na hindi na siya ang Lireo na nakilala ng kanilang lahi.





"Tapos na ang iyong termino, Lireo." Sambit ng isang bagong dating, isa sa mga malalakas na tamawo sa kanilang mundo. Si Kruen, ang nakakabatang kapatid nito.





"Bitawan mo si Lia." sambit ni Kruen, matalim ang tingin nito sa kanya at hindi maipaliwanag ang kanyang presensya, isang maharlika habang siya ay isang bastardong anak ng kanilang ama.





Binitawan ito ni Lireo, kinuha ang kanyang sibat, hinawakan niya ito ng mahigpit. Galit lamang ang kanyang nararamdaman, sa pag-alis ng kanyang mga kasamahan, siya na lamang ang natira sa gubat.





Akmang susunod na ito sa kanyang kasamahan ngunit nakaramdam ito ng isa pang presensya, isang nakakasulasok na amoy, isa sa mga nilalang na hindi nila inaakala magpaparamdam pa muli. Ang mga mangkukulam, tumingin siya sa bawat paligid ngunit kahit saan siya tumingin ay hindi niya mahanap kung saan man ito nanggaling.





Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon