Sorsogon City, Philippines
August 5, 1985 - 9:00 A.M
Naglalakad ang naka-suit and tie na binata sa loob ng isang laboratoryo, marami ang mga aparatu na naka-kabit sa bawat parte ng katawan ng isang bangkay na biktima sa gyera sa Maynila at Sorsogon, mabilis na umayos ang mga nakakatulog na mga propesyonal sa larangan ng siyensa, mga doktor, at ang iba pang kasapi sa grupo nila.
"Magandang umaga, Louis." Bati ng isang doktor na kakatapos lang na kausapin ang isa pang doktor, bahagyang wala pa rin itong tulog at nakatingin lamang sa kanyang mga dokumento na hawak.
"Cut the greetings, how's the host of Tarman?" Sambit nito, tinutukoy nito ang isang nakalaya na arquetipo, ang mga modelong ginawa ng gobyerno ay naging palpak dahil sa pagkakaroong ng mga pagkukulang sa mga kagamitan noon, at ang masama pa rito ay sinunog ang lahat ng ebidensya at pati ang mga iba pang bangkay na pinag-aaralan pa lamang.
"He's dead, pinatay siya ng isang aswang, I think it was Lydia Angeles. Alam na nila na may nabubuhay pang mga arquetipo at baka alam na nila na nabubuhay ang ori-." Naputol ang sinasabi nito ng bigyan siya ng matalim na tingin ni Louis, ramdam ng mga nasa loob ang takot na mayroon ang doktor, kahit na sinuman ay matatakot sa binatang ito. Wala silang alam sa kung ano ang buhay nito dati bago sumama sa Orion. Inilabas nito ang isang patalim, kulay gintong nawawala ng kupas ang kulay ngunit kitang-kita mo kung gaano ito katalim.
"Pasensya na po, Sir." Yumuko ito ngunit hindi pa rin tumitigil si Louis sa paglapit sa doktor, hinihintay nito ang gagawin ng binata at kampante ito na wala itong gagawin sa kanya ng masama dahil mayroon pa rin siyang pakinabang sa grupong ito.
"Ang layunin ng Orion ay ang patayin ang mga halimaw, Doc. Ang layunin namin ay pumatay ng mga halimaw, ulitin mo dali." Sambit ng binata habang naglalakad papalapit sa doktor inabot nito ang buhok nito habang nanginginig ang doktor sa takot, sa maaring gawin ng binata.
"A-ang layunin ng Orion ay ang p-patayin ang mga halimaw, a-ang layunin natin ay pumatay ng mga halimaw." Nanginginig nitong wika, habang nakaluhod sa takot, ngunit nakatingin lamang ang binata sa doktor, akmang aalis na at palabas sa laboratoryo ngunit nahinto ito ng magsalita ang binata.
"At ang kabayaran sa mga traydor ay ang kamatayan." Sambit nito at nagsign of the cross, sa kanyang panghuling dasal ay hinagis nito ang patalim na agad naman tumama sa mata ng doktor, marami ang sumigaw at nagulat sa ginawa ng binata, marami ang akmang tutulong ngunit agad na huminto ng maglakad paikot ang binata, papunta sa sa isang switch, sa pag pindot nito, agad na pinakawalan ng mga test tubes at mga nakagapos na mga aswang na arquetipo.
Mabilis na tumakbo ang mga tao na nasa loob ng makita nila ang mga naglalaway na mga halimaw, marami ang nangangantog ang tuhod ang mga bagay na hindi nila kayang matanggap, ang kanilang kamatayan, ang walang katapusang kadiliman sa kanilang mga tinuturing ng papatay sa kanila na mga halimaw.
Ang mga tao ang halimaw at hindi nagbabago ang isipan ng mga aswang, kahit na ano pa man ang kabutihan na nagagawa nila sa kanila.
"Aking mga halimaw, patayin niyo ang mga tinuturing ninyong halimaw at mabusog kayo sa aking munting regalo." Sambit ni Louis habang nakangisi, ang kanyang mga mata ay naging kulay itim, kinikilala ng mga aswang na siya ang panginoon nila, kinikilala ng mga aswang na ito na sila ang mga ama't ina, kapatid at mga asawa, sa kanyang dugo nanalantay ang dugo ng kanilang kinatatakutakan, ang dugo't kaluluwa ni Hiraya Leon Angeles.
Mabilis itong tumalon, pumunta sa mga kanilang pagkain, marami ang mga sumisigaw, ang dugong kumakalat, ang mga ulong nagsisiliparan, ang mga katagang ibinigay ni Louis ay isang pahiwatig na ginagantimpalaan sila ng karapatan na muling mabuhay, ang muling pumatay ng kanilang kinasusuklumang lahi.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasyMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020