VIII

35 3 0
                                    


tw: gore and brutality of characters.


March 1, 1983
6:00 A.M



Alas sais nang umaga at malamig ang simoy ng hangin, nakaupo ang isang matandang babae sa upuang túmba-tumba, nakatingin lamang siya sa hardin kung saan naroon ang mga matagal na niyang naitanim na mga bulaklak habang ang simoy ng hangin ay nararamdaman nito ay hindi niya pa rin naigagalaw ang kapeng nasa katabi ng kinauupuan niya.



"Lola, sa tingin mo po ba ay uuwi silang may dala-dalang pagkain? Nagugutom na po kasi ako." wika ng batang babae na nasa walong gulang pa lamang, mayroong itim na buhok at ang magulong bangs ang palaging napapansin sa kanyang mukha habang ang matanda ay wala pa ring imik sa harapan ng batang babae na patuloy pa rin sa pagtalon paikot na waring nasisiyahan ito sa paguwi ng kanyang mga kapatid.



Hindi pa rin umiimik ang matanda at wala ring tigil sa pagsasalita ang bata. Tumatawa at nasisiyahan pa rin ito kahit walang imik ang matandang nakaupo sa upuan at hanggang ngayon ay hindi pa rin nito iniinom ang kanyang kape na itinimpla ng bata.



"Lola? Bakit hindi mo po iniinom ang kapeng tinimpla ko para sa'yo? Masyado po bang mainit o masyado po bang matamis?" tanong ng batang babae sa kanya, sa muli ay hindi pa rin nagsasalita ang matanda. Mayroong bahid ng lungkot sa mukha ng dalaga habang ang matanda ay wala pa ring kibo at waring walang pakialam.



Tatlong segundo, sa loob ng tatlong segundo ang kaninang malungkot na batang babae ay biglang tumawa ng malakas. Kinuha nito ang tasa ng kape mayroon pa rin itong laman at tama nga, malamig na ito.




"Hindi ba sa mga tulad ninyo mas gusto ninyo ang mainit na kape?" tanong nito sa matanda, wala pa ring imik at nakatingin lamang sa kanya.




"Nakalimutan ko nga palang pinutalan pala kita ng dila kanina!" sigaw niya at tumatawa na animo'y isang baliw. Lumapit siya sa mukha ng matanda, mayroong bahid ng mga dugo ang mukha nito, tumutulo at nakabuka lamang ang bibig na kanina pang tumutulo ang dugo, maraming oras na ang lumipas ng magsimula siyang magutom at naisipang pumasok sa bahay ng isang matanda, inaruga sila nito ng ilang araw at ngayon ay nagugutom na ito at hindi na niyang mapigilan pa.



"Lola? Narito na po ang kapeng itinimpla ko, maini--" hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin ng hindi niyang sinasadya na matapon ito sa ulo ng matanda, natapon ang mainit na kape at tumutulo ito sa buong mukha ng matanda, sumisigaw ito ngunit walang lumalabas na maayos na boses galing sa matanda sa kadahilanan na wala na ang dila nito at nanghihina na rin.




"Sinadya ko po iyon, Lola." malamig na wika niya, lumapit ang batang babae at inamoy ang leeg ng matanda, wala ng laban ang matanda kaya naman ay hinayaan niya na lang na babuyin at patayin siya nang buhay habang pauulit ulit siyang binababoy ng batang babae.

Sa Gabing PayapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon