Manila, Philippines
1983
After New Year's Celebration
Mabilis ang pagkalat ng balita sa buong ka-maynilaan. Maraming nagsasabing isa lamang daw iyon sa mga pakana ng Gobernor sa Bicol noong mabalitaan ang maraming patayan at ang umatake daw ay mga halimaw na tinatawag na aswang, ang iba naman ay iniisip na grupo ng mga terorista ang may kagagawan.
Binabasa ni Inigo ang paborito nitong libro habang pinapakinggan sa radyo ang pang-umagang balita sa buong lungsod ngunit kalat pa rin sa kahit anumang istasyon ang kanyang ilipat gamit ang kanyang isipan ay palagi niya pa ring naririnig ang balita na kung saan sa isang probinsya partikular kung saan ang isa sa mga base nila ay nagkaroon ng malawakang pag-atake ng mga aswang.
"Ginawa mo nanaman ulit, Hiraya." Iling na sambit ni Inigo habang iniinom ang kanyang tsaa at kinakain ang isang minatamis na biscuit, nasa kanyang opisina ito at alam niya na ang susunod na mangyayari kaya naman ay naisulat na niya ang isang mensahe na ibibigay sa kanilang pinuno na kasalukuyan ay nasa lugar kung nasaan ang kanyang pinsan na si Kruen.
Limang minuto, limang minuto na lamang ang natitira bago nila marinig ang ingay sa building na kinatatayuan ng kanyang mga kalahi ngunit sa kasalukuyan ay wala na ang mga iba sa kanila, ang natitira na lamang ay si Yvette o mas kilalang na bilang Bakunawa sa buong lahi ng mga lahing nabubuhay noong binuo ang mundo.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Nawa?" Tanong ni Inigo sa babaeng nakaupo lamang isang jacuzzi, wala itong suot na anumang damit at ang tanging hawak lamang nito ay ang isang sigarilyo at sa kaliwang kamay naman ay isang bote ng alak. Isang likido na kulay berde ang kulay nito at itinatawag nila itong alak sa kanilang lahi.
"Hindi ka ba kailangan sa karagatan ngayon?" Tanong muli ni Inigo ngunit katahimikan na lamang ang sinagot ni Bakunawa sa kanya, ang hindi alam ng binata ay kanina pa ito naiirita at kung hindi dahil kay Raya ay matagal na itong patay. Sa madaling salita si Raya ang nag-utos na buhayin muli ang nilalang na nasa harapan ng dalaga.
"Hindi ka ba napapagod sa kakatanong mo?" Masungit ang kanyang tono ngunit alam nitong pati sa kanilang lugar ay magkakaroon ng isang sitwasyon na alam nilang hindi magiging madali sa kanyang nasasakupan. Tumahimik na lamang ang binata at sa huling minuto ay uminom na lamang ito ng kanyang tsaa.
Binuklat ang susunod na pahina at alam ng dalawang nilalang na nakarating na ang mga kanilang hinihintay, sa huling segundo ng kanilang katahimikan at pag-uusap narinig nilang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang tao na inaasahan nilang dumating, nakasuot ito ng uniporme ng sundalo.
"Kumusta, Heneral?" Wika ni Bakunawa, wala pa rin itong saplot habang si Inigo ay nagbabasa pa rin ng kanyang paboritong nobela na isinulat ni Jose Rizal, isa ito sa mga nag-udyok sa mga lahi ng mga tao na magsimula ng rebulosyon sa bansang Espana, nasaksihan ito ni Inigo noong pumapasyal lamang siya sa kagubatan kasama ang kanyang pinsan na si Yugen.
Mabilis itong inilabas ang isang folder na may nakasulat na top secret habang inilabas ang isang kaha ng sigarilyo at agad namang sinindahan gamit ang isang lighter na dala-dala nito.
"Kasalukuyang nasa Cagayan ang mga sundalo ngayon, Inigo. Wala na akong magagawa at hindi na ito parte ng aking trabaho." Ang kaninag tahimik na binata ay ngayon mararamdaman mo ang kanyang inis sa paglagay ng binabasa nitong nobela, inalis ang salamin na suot at tumingin ng taimtim sa sundalo na nasa kanyang harapan. Habang ang sundalo ay tahimik at binubuga ang usok na nanggaling sa kanyang lalamunan, ang dalagang kaninang tahimik ay naka-ngisi na lamang.
"Heneral, alam kong alam mo kung saan kita mahahanap kapag may nangyari sa buong salinglahi na nabibilangan niya, hindi ba?" Alam nilang lahat kung sino ang tinutukoy nito, wlang iba kung hindi ang babang mahal nito. Habang ang babaeng nasa jacuzzi ay umiiling na lamang at nilagay sa sahig ang hawak-hawak nitong alak. Tumayo ito at kinuha ang isang bathrobe na kulay puti sa isang upuan. Uminit naman ang mga mukha ng kasama ng sundalo ngunit hindi na amang nito pinansin ang dalaga dahil alam nitong isa itong halimaw sa totoong anyo.
"Kumalma ka nga, tingnan mo tuloy. Natatakot sayo." Bulong ng dalaga sa binata, ngunit hindi pa rin nito inaalis ang matalim na tingin sa harapan nito, alam niyang magiging isang problema at isang malaking gulo kapag pinairal nito ang kanyang emosyon sa ngayon kaya naman ay kinuha niya ang tasa na may lamang tsaa at tinapon sa isang pader.
Dito nailabas niya ang kanyang inis at galit sa mga taong kaharap niya.
"Umalis na kayo." Sambit ng dalaga, mabilis na umalis ang mga sundalo at huminto ito sa labas ng pintuan ng silid na kung nasaan ang dalawang halimaw.
"Naging malaking tulong ang mga katulad ninyo sa ekonomiya ng bansa lalo na sa teknolohiya. Malaki ang pasasalamat ko sainyo. Magkikita tayo muli, Inigo at Nawa." Paalam ng Heneral at lumabas na sa silid na iyon, daling-dali ang mga kasamahan nito na makaalis sa lugar na iyon dahil alam nilang mayroong sunod-sunod na pagsabog ang mangyayari.
"Paalam." Malamig na sambit ng Heneral ng makita niya ang nasusunog na abandunadong building sa harapan nila, nang makatapak sila sa isang parking lot laking gulat nito ng makita ang isang katawan ng kasamahan niya, naliligo sa sariling dugo at mayroong marka ng hindi niya alam. Isa itong mensahe, walang iba kung hindi kay Inigo.
"Umalis na tayo!" Sigaw ng Heneral ngunit bago pa man sila makaalis ay paisa-isang sumabog ang mga kotseng naka-park sa lugar na iyon. Nawalan ng mga ilaw kahit na alas sais pa lamang ng gabi.
Hinanda ng mga kasamahan nito ang mga armas na dala-dala nito. Alam nilang lahat na wala silang laban ang mga katulad nila sa dalawang nilalang na nakaharap nila kanina at ngayon ay niyayakap na nila ang kamatayan ng bawat isa.
"Heneral!" Sigaw ng isang kasama nito, narinig nito ang pagkabiyak ng mga buto at ang pagkaputol ng mga laman at buto nito. Nakita nila ang isang hugis ng malaking ahas, isang ulo ng hindi nila matukoy kung ano nga ba ito. Mabilis silang nagpaputok ng mga baril sa nilalang na biglang sumulpot ngunit hindi man lang ito nagkakaroon ng epekto o kahit na anumang sugat na mabubuo kahit na matutulis pa na mga gamit ay wala pa ring epekto.
Ngumisi na lamang ang Heneral at ihinanda ang sarili nito, kinuha ang isang matalim na kutsilyo na ibinigay ni Inigo, alam niyang hindi lamang ito patalim o simpleng sandata. Mabilis itong sumugod sa kanila ngunit mabilis niyang naihagis ang patalim at naitama ito sa dibdib.
Sa pagtama ng patalim ay siya ring mawalan ng buhay ang munting Heneral at ang mga kasama nito dahil sa apoy na ibinuga ng nilalang na iyon.
Sa pagbuga nito ay ang pagbabalik anyo ni Inigo, mabilis itong napaluhod. Wala na itong saplot na kahit na ano man kaya naman ay hinayaan na lamang nito na lamunin ang kanyang paningin ng dilim ngunit biglang lumapit si Nawa o mas kilala bilang Yvette. Dito nakita ng dalaga ang patalim na nakatusok sa dibdib nito, mabilis itong umilaw ngunit huli na ang lahat, naka-ngiting tumingin ang binata sa dalagang kaharap nito.
"Hoy! Inigo! H'wag kang mamatay, walang-hiya ka!" Sigaw ng dalaga, mabilis na inilapit ng binata ang kamay nito sa pisngi ng dalaga at isinambit ang matagal na niyang gustong sabihin sa dalaga.
"I-inigo! Idadala kita ngayon kay Raya. Just fucking hold on, please. Don't leave me." Sambit ng dalaga, tumutulo ang luha nitong matagal nang nakaimbak sa buong pagkatao ng dalaga. Malalim ang sugat ng dalaga at patuloy pa ring tumutulo ang likidong kulay itim sa binata.
"M-mahal kita." Sambit ng binata, sa unang pagkakataon naisambit nang binata ang matagal na niyang gusto sabihin sa dalaga, ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa.
Mabilis na nagsimulang mawala ang bawat anino ng binata, ang unang anino na lumabas ay mabilis na lumipad patungo sa kalangitan.
Ang buwan ay matingkad, ang buwan.
Isa siya sa mga buwan na kinain ng dalaga nuong unang panahon, ang isa sa mga reinkarnasyon na patuloy pa ring nabubuhay.
Habang ang pagsigaw ng dalaga ay ang pag-alpas ng bawat luha na matagal na niyang hindi nailabas.
BINABASA MO ANG
Sa Gabing Payapa
FantasyMarahuyo ang Buwan, ika'y mag-iingat. Date Started: July 31, 2020