CHAPTER 22

984 54 9
                                    


BUMUKAS ang pinto ng kwarto at niluwa si Winter na may dalang tray ng pagkain

Nilapag nito ang pagkain sa mesa at lumapit sa kanya. “Come, Mi Lady. Kumain na tayo” at akma sya nitong bubuhatin pero pinigilan nya ito. Hinawakan nya ito sa braso

“Your Majesty, kaya ko naman pong maglakad” wika nya dito. Nahihiya na din kasi sya. Imbes na sya ang magsilbi dito ay sya ngayon ang inaalagaan

“No, Mi Lady. Bawal mo pa iapak ang paa mo. Gusto mo bang lumala pa yan?” sermon nito sa kanya at walang babalang binuhat sya nito at inupo sa sofa at inurong nito ang lamesa papunta sa kanya

Kinikilig ang tinggelbells ko! Juice colored!

Napakunot noo sya ng kunin nito ang kutsara nya at sumandok ng pagkain sa plato at nilapit sa bibig nya.
“Your Majesty, paa ko lang ang na-sprain hindi yung kamay ko.”

“Let me, Mi Lady. Gusto kitang subuan” nakangiti nitong turan

“nguyain mo na din kaya yung pagkain ko para mas sweet?” irap nya dito

“ayaw mong subuan kita?” nakalabi nitong wika. Di nya magets anong trip nito

“gusto ko ako ang susubo” sagot nya. Napangisi naman si Winter

“Kaya mo ba?” nakataas ang dalawang kilay nito at nakangiti ang mga mata

“oo naman! Kayang-kaya!” may pilyong ngiti sa labi ni Winter na sumilay sa sinagot ng dalaga

Napataas ang kilay nya.. “Your Majesty, wag green-minded. Pagkain ang tinutukoy ko. Wag kang mahalay mag-isip” pagtataray nya

Juice colored! Nahawa na yata sa kahalayan nya ang lalaking to! Haha!

Dinig nya ang lakas ng tawa nito na dumadagundong sa loob ng kwarto.

“Asan po pala si Miss Jenny, Your Majesty?” nagtataka sya dahil hindi nya nakikita ni anino ng bruha na yun. At baka mageskandalo pa yun pag nakita na magkasama sila ni Winter sa isang kwarto

Nakita ko ang mabilis na pagdilim ng ekspresyon ng mukha nito at malamig na sumagot “I sent her home”

“hala! Hindi mo hinatid ang girlfriend mo, Your Majesty?” kunot noo nyang tanong

“she’s no longer my girlfriend” kita nya ang pagtangis ng mga bagang nito. Pashnea! Nahuli din kaya nito ang babaeng caterpillar na yun na may nilalanding iba? Hmp! Dapat lang yun sa kanya... Pero kawawa naman ang bebeko dahil sinaktan ng caterpillar na yun!

“Gusto mo icomfort kita, Your Majesty?” haha! Di nya din alam san nanggaling ang salitang lumabas sa bibig nya

Tinitigan sya nito sa malambot na anyo na kinapitlag nya “Yes. Comfort me, Mi Lady” wika nito sa malambing na boses at walang sabi-sabing hinapit sya nito palapit at mabilis na tinawid ang pagitan nila

Namilog ang mata nya ng lumapat ang malambot nitong labi sa labi nya. Pakshet ng 100x! Malapit na yata magtagpo si Big Bird at Cookie Monster!

Namigat ang talukap ng mata nya at kusa itong pumikit ng maramdaman ang labi nito. Maya maya ay naramdaman nyang humigpit ang pagkakahapit ng  braso nito sa beywang nya at ang kaliwang kamay nito ay giniya ang mga kamay nya papunta sa batok nito. Pagdaka ay dumausdos ito papunta sa likod nya para hindi magkaron ng pagitan sa kanila.

Gano ka-close? As in super close! Ang sherep ng halik nito! Lasang langit.. Char!

“Move your lips, Mi Lady” anas nito sa may punong tenga nya

“toh naman daming utos.. Gusto mo todo performance agad eh first time nga” maktol nya dito

Narinig nya ang mahinang tawa nito. Pakshet! Pati pagtawa napakasexy... Hays! Cookie monster kalma kalang muna ha... Papakipot muna tayo..

“Akmang hahalikan syang muli ni Winter ng may kumatok sa kwarto nila

“Fuck!” mahinang mura ni Winter

“saved by the bell! Este.. Knock pala..” mahinang  usal nya ng nakangisi.. Wew! Muntik na.. Naghihinayang man nakahinga na din sya ng maluwag dahil hindi pa naisuko si cookie monster kay big bird.. Haha!

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon