CHAPTER 7

1K 54 8
                                    


Inalalayan nya para makaupo ang empleyadang sinampal ng babaeng Pedestrian Lane… "Okay kalang?" tanong ko dito

"Oo. Salamat ha" wika nito sa kanya

"No worries" nginitian nya ito. Maya maya ay naglapitan na ang iba pa sa kanila

"Anong pangalan mo?" tanong ng isa sa kanya

"ako si Harl. Personal assistant ni Mr. El Grejo" pakilala ko. 

"Nice to meet you, Harl! Ako nga pala si Desmond" pakilala ng isang lalaking empleyado. Infairness malakas ang appeal nito. Mala-Derek Ramsey

"Ako si Jasmine" wika ng babaeng sinampal kanina "pasensya ka na din samin kanina.. Kung sinamaan ka namin ng tingin.. Lahat kasi ng mga sinasama ni sir Winter na babae dito masasama ang ugali.." 

"masama din ugali ko… minsan.. Lalo na pag gaya nung bruha kanina ang makakasalamuha ko" wika ko na kinatawa nila

Maya maya ay nagpaalam ako sa kanila ng malapit na maglunch. Ihahanda ko pa pala ang pagkain ng aking baby… este.. alaga pala.. 

Kumatok ako sa opisina nito. "Come in" narinig kong sagot nito kaya pinihit ko na ang doorknob at pumasok 

"Ano pong lunch ang gusto nyo, Your Majesty?" wika ko. Hindi pa din ito nagaangat ng tingin sa kanya at subsob sa pagbabasa ng mga papeles

"Chicken Cordon Bleu and medium rare steak" sagot nito. Tumigil ito at tinignan sya. Waring gusto makita kung ano magiging reaksyon ko

"Yun lang ba?" sagot ko. Hindi ko ibibigay ang reaksyon na inaabangan nito. Alam kong gusto mo kong pahirapan Mr. Beer eyes.. No way! 

"Yep" maikling sagot nito. Hindi nakaligtas sa mata nya ang pag-angat ng sulok ng labi nito

"Okay Sir. Pengeng budget" sagot ko at nilahad ang kamay. Habang nagiisip.. Putragis San kaya ko maghahanap ng cordon Bleu at steak ng ganun ganun lang???! 

Inabutan sya nito ng 10,000. Wow! "di mo naman sinabi sir na catering pala ang gusto mo?" tanong ko

"what?" kunot noong tanong nito

"Gusto mo bang magpacater ng cordon Bleu at steak? Anlaki ng binigay mong pera eh" 

"Silly! Budget mo yan para pag may bibilhin kang inutos ko ng biglaan" sagot nito. Nakita nya ang pinipigil na ngiti nito. 

"kala ko pa naman keep the change" wala sa loob na sagot ko. Nag-angat ito ng tingin at tinitigan sya

"Joke lang! Toh naman! Alam mo yung Joke?!" sagot ko at nag-peace sign pa. "aalis na po ako boss amo. Maghahanap na ko ng malalamon mo" nginitian nya muna ito bago tumalikod at lumabas. 

Naiwan si Winter na nakatulala sa pinto na nilabasan ng P. A. nya.. Baliw talaga.. Naiiling sya pero nangingiti… 

Nang makalabas ay pinindot nya ang relo at kinontak ang grupo. 

"Larkspur, hanapan mo ko ng pinakamalapit na resto na nagseserve ng chicken cordon bleu at steak" 

"Wait… okay there! Meron 500km away. Haven Bistro" sagot nito

"I-advance order mo ko, Lark. Para pagdating ko pickupin ko nalang.. Mahaba habang driving pa yan eh" sagot ko

"Ba yan.. Bat naman kasi ganyan ang trip nyang boss mo?" wika ni Larkspur

"wag mo na ko tanungin. Baka naglilihi sya.. Bigay nalang natin ang pinaglilihihan baka malaglag pa ang bata" sabay tawa ng malakas

"Gagi ka talaga, Wolfsbane! Ayan na.. Naorder ko na" sagot nito habang tumatawa

"Thanks, Larks! You're the man! este.. woman pala.. Haha!" isang malutong na mura ang narinig nya sa kabilang linya bago pinindot ang end call

Gulat ang mukha ni Winter ng nilapag sa harap nya ang nakakapaglaway na Chicken Cordon Bleu at Medium Rare Steak. Shit! Pano sya nakabili nito ng ganun kabilis? 

"Kain ka na, Your Majesty. Nacheck ko na din yan at safe na safe yan" wika ni Harl

"Pano ka nakabili ng ganun kabilis?" takang tanong nito 

"that's what you call MAGIC…!" Habang winawasiwas ang kamay nya na akala mo ay may hawak ng magic wand at nilakihan ang mata

Elibs nanaman to saken eh haha! "Idol mo na ko nyan, Boss?" tudyo ko dito

Tinignan lang sya nito ng masama habang naguumpisa nang buksan ang pagkain at isa isang nilagay sa lamesa nito "halika na kumain na tayo" aya nito sa kanya

"hindi na boss. Kasabay ko sila Desmond maglunch dun sa pantry" sagot ko. 

Kumunot ang noo nito sa tinuran ko "Desmond? Close na agad ilang oras palang? No! Eat with me. Si Desmond na ba ang boss mo?" galit na turan nito

Anong ginawa ko? Bakit galit??? Bakit parang kasalanan ko??? Char! 

"Eh pang-sayo lang yang binili ko Boss. Kailangan mo ubusin yan para dika magka-energy energy gap" napakanta kong sagot

"I said Sit! Now!" madiin nitong wika

"Edi sit!" mahina kong bulong sabay upo sa kabilang silya

"Hindi dyan. Dito" at tinuro ang upuan sa tabi nito. 

"pwede na dito, Boss!" palag nya dito. Di nya maintindihan bakit kailangan tabi pa sila.. Nakakainis! Pag malapit pa naman ito sa kanya ay nagwawala ang tibok ng puso nya… hays! 

"uupo ka dito o bubuhatin kita papunta dito?" banta nanaman nito

"Hay nako..! Bat ba ang hilig mo magpa-multiple choice? Exam ka ba?!" maktol pa nya pero tumayo din at sumunod. Pabagsak syang umupo sa tabi nito at humalukipkip

Nilingon nya ito at nakitang nakangisi sa kanya "saya ka dyan??" inis na turan nya

"yeah" maikling sagot nito na di pa rin nawawala ang ngiti sa labi habang naglalagay ng pagkain sa plato at inabot sa kanya

"happy pill mo na ko nyan?" hindi pa din sya nagpaawat. 

"tumigil ka na at kumain. Ang ingay mo" pagpapatahimik nito sa kanya pero nakangiti pa din habang nakatingin sa kanya… 

Pashnea naman oh! Walang ngitian ng ganyan! Kinikilig ang bahay-bata ko!!!! 

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon